Chapter 27

6.1K 187 3
                                    

THIRD PERSON

Nag-aalalang nakatingin lamang at naghihintay si Liam, sa kasalukuyang nakahiga na si Marien. Nabigla siya sa sudden outbursts nito lalo na ng mawalan ito ng malay kanina habang nasa isang park sila. Hindi niya alam ang gagawin kanina kaya't nataranta lang siya at patuloy na tinawag ang pangalan ng dalaga pero hindi na talaga ito nagising. Mabuti na lamang at may mga nagmalasakit at tumulong sa kanya na dalhin sa malapit na ospital ang dalaga at nandito nga sila ngayon.

Kanina pa rin niya tinawagan ang nagset-up sa kanila nang date na alam niyang kilala ng dalaga. Hinihintay na lamang niya kung sino man ang susugod dito para kay Marien. Pero totoong nag-alala talaga siya dito dahil na rin sa kahit maiksing panahon na nakilala niya ang dalaga at nakagaanan niya na ito ng loob at mukhang ganun din naman ito sa kanya.

He suddenly remembered that one thing in his life that brought him so much pain and He don't think that he will forget about that.

Agad na napalis ang kanyang iniisip dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ng dalaga pero ang pagkakita sa dumating ang siyang kinagulat at kinanlaki ng kanyang mga mata.

"KAYLA!!" Sabay na sabi ng dalawang babaeng halos habol ang hininga ng makapasok sa room na sinabi ng nurse sa kanila. Ni hindi nga nila napansin ang isang tao na kanina pang nakaestatwa sa kinatatayuan nito. Marahil sa pagkakita sa kanila.

Sa kabila ng sobrang pag-aalala ay naramdaman pa rin ni Berry ang isang presensya malapit sa kanya at nung makita niya ito ay halos mawalan siya ng hininga at literal na napaawang ang bibig na nakatitig sa binata na ganun din ang pagkakatingin sa kanila.

Shocked was written all over their faces.

Gustong magsalita ni Berry pero parang hindi naman niya mahanap ang boses. Dahil na rin siguro sa pagod dahil sa mala-marathon na pagpunta nila dito right after nila marinig ang pagpa-passed out ng kaibigan at sa gulat na rin.

Finally, she found her voice and was about to speak to the guy, when suddenly..

"HOLY COW!! Is that really you.. Kuya Liam?!" Mala-OMG at eksaheradang sabi ni Mami na sobra pa sa sobrang gulat sa pagkakita sa binata.

Walang nagawa si Liam kundi bigyan sila ng alanganing ngiti. "Yeah, it's me." Tanging nasabi niya.

****

BERRY

"Yeah, it's me." He managed to say sabay isang ngiti. Sobrang nakaka-miss ang mga ngiting yan. Yan kaya ang mga ngiti na unang nagpatibok ng pihikan kong heart! Hehehe echos lang.

Palapit na sana ako kay kuya Liam na 3 years ko rin hindi nakita pero naunahan ako, unfortunately, ng ma-papel na babaeng pandak na 'to. Urg! Again and again, Mamilyn panira ka ng moment!

Pero wait lang, may Papa Jerry my loves na pala ako! No need to be irritate. *Pa-sway ng buhok side to side* stay as beautiful and as poise as you are, Berry.

"Kuya Liam!!" Agad kong sinunggaban ng yakap si kuya Liam at napangisi naman ako ng saluhin niya ako at yakapin din. Oh my gosh! This is the feels!! Hug pa more!!

Hindi pa sana matatapos ang moment namin kung wala lang maingay na tumikhim na pandak sa paligid. I rolled my eyes. Si kuya Liam naman natatawa lang.

"Ang feeling mo teh! Di ba may papa jerry ka na?" Huli na para takpan ko pa ang bibig niya dahil sa sobrang bilis niya magsalita. Daldal talaga, liit!

I glared at her. Pilyang ngisi lang ang sagot niya sa akin. Kung wala lang talaga si kuya Liam dito.. at kung wala kami sa ospital.. wait, bakit nga ba kami nasa-- oh mo! Si Kayla nga pala! I almost forgot!

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now