Chapter 58 [Part 2]

4.5K 132 2
                                    

A: Happy reading!! :)

****
continuation......

KAYLA

WHAT. THE. HELL.

Tatlong salita na gusto kong isigaw at iusal sa mga taong ito. Lalo na sa kuya Jerry ko.

Akala ko ba ayaw niyang ginagamit ko ang abilidad ko para sa ganito? Ayaw niya nga na nakikialam kami sa trabaho nila eh, tapos eto?


Nakiki-usap ang CHIEF nila sa akin na tumulong sa kaso nila ngayon?! Now, what the hell. Fuck!

"Kayla.." Wika ni Kuya Jerry na nasa kanan ko. Nasa kaliwa ko naman si Adrian at sa gilid niya yung si Ace ata ang pangalan.

Tiningnan ko lang siya ng blanko. Ayokong nagmumura lalo pa at mas matatanda sa kin ang mga nandito at sila ang tunay na DETECTIVES, hindi kami. Pero talagang napapamura ako sa isipan ko buti nalang marunong akong magtimpi.

One thing I learned about myself when I was gone for 6 months... hindi pala ako mapagpasensyang tao. Mainitin ang ulo ko at madali akong mainis. Kasama na doon ang pagiging pilosopa ko at hindi ko alam kung anong rason kung bakit ganito na ako. Hell, I was confused at myself. Can you believe that!?

Para kasing naiisip ko na malapit na....

Na kailangan kong i-seize ang bawat minuto, bawat segundo ng buhay ko.

"Kayla, uy." Napapikit ako ng mariin na parang sa ganun maikakalma ko ang sarili ko. "Are you okay? Pwede mo naman tanggihan to kung ayaw mo. Ako nang bahala magsabi kay chief Blast--" pinutol ko na ang sasabihin ni kuya Jerry.

"No, I accepted to help. No need to worry. Umuwi na tayo, kuya at nag-aalala na panigurado si Gello sa bahay." Nagpauna na kong pumunta sa parking lot kung nasan ang sasakyan nilang tatlo.

I can't believe it myself, I accepted the offer.

If that old man with a bad temper, was telling the truth, at kilala naman siya ng ama ko.. then it's fine with me.

And helping is really in my nature, now that I notice it. Naku!! Kung masasakal ko lang si Leira eh! Siya ang nag-umpisa na i-tulak ako sa ganito! Imbes na namamahinga lang ako at para pa rin akong katulad ng dati, ngayon tuloy namomroblema ako.

Pero, kung hindi rin dahil sa pagtulak sa kin ni Leira, hindi ko makikilala sila.. lalo na siya. Si Rod..

That calms me down.

****

KINABUKASAN...

(PACIFIC SCOTT)

GELLO

Kanina pa akong nananahimik at nag-iisip ng kung anu-ano, hindi ko na nga namalayan na nasa school na pala ako. To think I was driving when I'm pre-occupied. Paano ako nakapag-drive ng ganun?

These past few days, madalas pa sa sobrang dalas ng pag-aaway namin ni Akeyla. Oo, hindi ko siya tinatawag sa nakagawian ko sa kanya kasi naiinis ako sa kanya at sa mga pinagsasasabi. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng yun para sabihin niyang delikado ang buhay ni Kayla dito sa PSA at pinapaalis niya na ulit kami at bumalik nalang daw sa PCA. Gusto ko naman bumalik kasi sa totoo lang, ayokong bumalik si Kai sa lugar na to dahil dito siya nasaktan noon at makakasama iyon sa kanya.

Baka mauna pang matapos ang buhay niya kesa makatapos ng pag-aaral.

Pero matigas din ang ulo ng isang iyon, hindi iyon papayag kahit anong paki-usap ang gawin ko.. and that is because of that Rodney. I don't have anything against him, he seems nice. Pero hindi ako papakasiguro. Siya ang nanakit noon kay Kai at hindi malabong maulit ulit iyon at hindi naman ako makakapayag. Kaya nga ako sumama sa kanya dito eh. Pero ito nga, ito ang pinagtatalunan namin ni Akeyla, para kasing sinasabi niya mismo sa mukha ko na hindi ko kayang protektahan ang pinsan ko. Na parang wala akong kwenta at walang kakayahan. Nasasaktan siyempre ang ego ko bilang lalaki. Sabihin nang kababawan pero ang ego ng lalaki ay parang mataas na bundok, pinakamataas na bundok at parang pader na hindi madaling matibag.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon