Chapter 23

7K 200 12
                                    

KAYLA

(Venue: Pacific Scott Academy)

Naglalakad lang ako sa kahabaan ng PSA papunta sa building ng college pero ang mga bulungan na naririnig ko sa paligid-- wait, is that even called 'bulungan'? Ang lakas actually ng boses nila..

Pero hindi tungkol sa akin ang bulungan, kung yon ang iniisip niyo. It's about something that I don't know and I don't care kung ano pa yan. Basta ang alam ko male-late na ako so I better need to hurry or I'd be put in detention for being late. And that will be a disgrace not just for me but most especially for my parents. Ayokong ipatawag sila dahil lang sa maliit na bagay na kaya ko naman sulusyunan.

"Kawawa naman yung naiwang pamilya ng namatay sa *****subdivision nung nakaraang araw.."

"Ay sinabi mo, teh! Ang sabi pa naman ng kapit-bahay na wala na daw asawa yung babaeng namatay at single parent lang ito."

"Oo nga, pero nakakahanga pa rin kasi naitatawid niya yung anak niya sa gutom and poverty.."

Teka, that subdivision... yung malapit na subdivision sa amin yun ah? And there was a crime scene there recently? Now I'm curious kaya sinadya kong bagalan ang lakad ko at makinig pa sa kanila pero bigla akong nagulat nung marinig ko ang announcement na nagmumula sa speaker na 1 minute nalang at kailangan nasa room na kami kundi talaga made-detention nito.

Oh my! I need to hurry up and I have no choice but to run fast! Second year na ako kaya mas demanding ang mga professors when it comes to time. In short, time-conscious sila compared nung first year. Pinagbibigyan siguro kami dati 'coz we were freshmen.

Saktong pagbukas ko ng door ay tumunog na ang bell, hudyat na class is officially start. Phew, thank goodness I made it in time. Wala pa naman yung professor na naka-assign for this subject so I directly go to my seat, na katabi ng isang nerd kong classmate at sa left ko naman ay ang lalaking laging nakaduko. Simula first year talaga gawain niya na yan. Ewan ko lang kung may natututunan pa siya sa ginagawa niyang 'hobby' na yan.

And I'm talking about Rodney.

Kinulbit ko nga at buti naman nakaramdam ang loko. I just look at him. Alam niya na yon. Napangiti naman ako ng makita kong umayos na siya ng upo at para na siya ngayong eager na eager makinig sa lesson, kahit ang totoo napipilitan lang siya. Ganyan ako kalakas sa kanya. Sige magdiwang kayo. Tss. -__-

He lean beside me and whisper. "Okay ka na ba?"

"Oo naman. Sapat na ang isang araw kong rest. Why, worried?" I gave him a smirk. Sa kanya ko natutunan yan kaya siya sisihin niyo.

He just rolled his eyes and since nasa harap na pala ang professor namin ay tumingin na siya doon kaya ginaya ko na rin.

After 5 hours of sitting and listening, sometimes writing and reading pa nga, lunch break na. Siyempre, the usual we do, is to go to 'mystery club' room and do some 'club activities' na hindi naman talaga club activities gaya ng iniisip ng iba.

Napag-isipan ko nang ikwento sa kanila about what happened to me nung isang araw. And the lady that I saw and told me she needs my help.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko na agad si Mami, Thomas at yung magpinsan. Wala pa si ate Mig. Baka may projects or group activities na ginagawa, since she's a graduating student already this year. Umupo agad ako sa assigned seat ko, ganun din si Rodney and the rest.

Tumikhim muna ako, and I got their attention. Good.

"So, what happened to you the other night? At tsaka ayos ka na ba talaga?" Si mami. Inaasahan ko na talagang itatanong nila yan kaya naman handa na ako, di ba?

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon