Chapter 24 [Part 1]

7.3K 213 2
                                    

KAYLA

Kinabukasan ...

"KAYLA!! Gising na!!"

Agad akong napatayo kahit na disoriented pa ako at parang wiggly ang nararamdaman ko. Tinignan ko agad ng masama ang salarin ng pagkagising ko at nakikita ko siyang nagpipigil tumawa dahil nakatakip pa ang kamay sa bibig nito while looking at me. Tss..

"Sorry na po, mahal na prinsesa.. ayaw ko lang naman po na sisihin niyo ako dahil hindi ko po kayo nagising ng maaga dahil male-late po kayo.. " nang-aasar at may halong sarkasmong sambit niya. Hindi nalang ako sumagot at dumiretso na sa restroom to do my thing. After how many minutes ay bumaba na rin ako to have my breakfast pero nagulat ako nang makarinig ng tawanan at mga utensils na nagtutunugan.

Iisipin ko sanang nandito na ang papa at mommy ko pero sa pagkakarinig ko palang ng walang pakundangang halakhakan na sobrang pamilyar sa akin ay napalitan ang ngiti ko ng pagkasimangot. Not again..? Lagi na lang. kinumpirma lang ang hinala ko ng makarating na ako sa table at nabigla pa ako ng halos lahat sila nandito. Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil sa sarap ng kainan nila. Kaya tumikhim ako. Exaggerated akong tumikhim to get their attention.

And I succeeded.

"Good morning Kayla! Tara, kain ka.." Walang hiyang paanyaya sa akin ni Mami. Hindi ako kumikibo na pumunta sa pwesto ko pero hindi ako kumuha ng pagkain kahit na nagugutom na ako. I gave them the technique of silence and it works! Nakaharap na kasi silang lima sa akin.

Yeah, five of them are here. Except for ate mig.

"Ano na naman ang ginagawa niyo dito?.." I said that while looking at the one I know whose behind all this. Si Mami.

Napasimangot naman siya sa pagkakatitig ko sa kanya.

"Hep, hep, hep.. wait a minute dude. Bago mo ako bigyan ng nakamamatay mong tingin ay hayaan mo akong magsalita. I-defend ang sarili ko.. give me atleast the benefit of the doubt." Mahabang litanya niya.

Narinig kong pumalakpak sina Berry at Thomas. "Edi wow, sweety.." Si Thomas.

"Ang bigat noon best.. big word.." Alam niyo na naman kung sino yan. Napahawak nalang ako sa sentido ko at marahang hinilot ito.

Hindi na nga maganda ang gising ko, courtesy of Leira standing prettily beside me, sinamahan pa ng combo ni Berry at Mami plus Thomas pa. Is this my worst day yet? Tell me. "Urgh!" Mahinang usal ko nalang.

Nasa ganoong posisyon ako ng may pumalit sa kamay ko na naghihilot sa sentido ko at sa paraan palang ng haplos niya ay hindi ko na kailangang tingnan kung sino siya.

Siya lang naman ang may kakayahan na humawak sa akin ng ganyan. Yung may sobrang affection at pag-aalala.

"Are you okay? Pasensya na sa biglaan naming pagpunta dito.. Hindi ko rin naman gusto na pumunta dito... ng kasama sila eh." Sa sinabi niyang yun ay napaharap ako ng wala sa oras at sinimangutan siya.

"So may balak ka palang pumunta dito mag-isa at istorbuhin rin ako? Mr. Rodney Moore?" Mataray na tinuran ko. Narinig ko nalang na humalakhak siya na siyang ikinatigil ng pagbabangayan ni Mami, Berry at Thomas at sabay silang napatingin sa amin, especially kay Rodney.

"Dude.. tumatawa ka talaga?! It's been ages since I heard that cracking laughter of yours.." Exaggerated na reaction ni Thomas. May pahawak-hawak pa sa bibig nito na parang nagugulat.

Pero what does that mean? I know for a fact na hindi palatawa si Rodney at kahit na.. nililigawan niya ako.. hindi ko pa siya naririnig na tumawa ng ganyan. Yung parang may buhay talaga at pati, to be honest, nagugulat ako sa kanya ngayon.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon