Chapter 59

4.7K 145 2
                                    

A: SALAMAT! Salamat sa mga nagbabasa at nagvo-vote at nag-a-add nito sa reading list nila! Hindi ko lang kayo maisa-isa pero mula sa aking puso, THANK YOU PO!! :)

Keep reading~

****
3 days passed...

(RODNEY's HOUSE)

RODNEY

It was a good saturday for me. Sana hanggang ngayong linggo magtuluy-tuloy.

"JEFFERSON!! Yoohoo my man~!" Pagkarinig ko palang ng boses, kilalang-kilala ko na kung sino.

And my supposedly 'good' sunday was just a wishful thinking now.

Hindi ako lumingon sa dumating na 'bwisita' at nagtuluy-tuloy lang sa panunuod ng movie. 'The Divergent' ang palabas, not that I like the movie, I just don't have a choice. Mas gusto ko pa 'Hunger Games' dito or 'The Mazed Runner' kaso wala pa pala kaming bala. Makabili nalang kapag naalala ko. Speaking of 'bwisita', sitting pretty siya sa tabi ko at feel-at-home na feel-at-home pang isinandal yung likuran niya sa likod ng sofa, ipinatong niya yung batok sa mga kamay niya na parang unan. Ako naman walang pakialam na nakatingin lang sa tv.

Sanay na ako sa biglaang bisita niya. Lagi niya yang ginagawa kaya walang kasorpre-sorpresa dun.

"Jeff~" parang bata niyang tawag. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?"

"I miss you!" Matic akong napadistansya sa kanya. Napatayo pa ako. "Oh, problema mo?" Nagtanong pa siya! May gana pa!

"Kadiri ka Deniro! Umayos ka nga at baka mag-landing nalang bigla 'tong kamao ko jan sa mukha mo!!" Naiinis na sigaw ko.

Ang gago, tinawanan lang ako. "Wahahaha, ang OA mo pare. Nangangamusta lang naman." Tss!

"Nangangamusta? Eh gago, kahapon lang tayo hindi magkasama. Sawa na nga ako sa pagmumukha mo halos 24/7 kitang kaharap!" Umupo nalang ako sa isa pang sofa na nasa gilid at nahahapong napasandal at hinihilot ang sentido ko.

Daig ko pang may kasamang bata eh!

"Ang sakit mo naman magsalita, Jefferson. Porket kasama mo na yung mga dati mong friends, out na ako sa picture! Hmp! Hetchu!" At tinalikuran niya ako na naka-crossed arms pa! Pota! Bakla pa yata to.

Hindi ko nalang pinansin ang pagiging sinto-sinto niya at nanuod nalang ulit kahit di ko na naiintindihan. Basta kasama ko 'tong Den na to, asahan nang madi-distract ako.

Pwera nalang kay Kayla ko..

Speaking of Kayla, simula nung tuesday, nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Lagi siyang walang imik at kapag kinakausap ngingitian ka ng konti, yung pilit ba, tapos babalik sa pagiging seryoso. Siguro kung sa iba yung mga hindi kilala ang isang Kayla wala silang mapapansin na changes, pero dahil kilalang-kilala ko na siya.. alam ko kapag nasa normal siya o hindi.

'So, abnormal si Kayla, ganun?'

Not that she's abnormal. Nakakapanibago siya.. Ah basta! Pota talaga, pati sarili ko kausapin ko daw ba? WTF!!

"Oh, if it isn't Deniro the great.." Boses ni Ate Rye na pababa ng hagdan.

Tiningnan ko lang siya habang yung isa ay parang bata na tumakbo agad-agad palapit sa ate ko at nakipag-beso-beso pa! Bakla pa yata to--part 2.

"Ate Ryenelle, how are you?" Rinig kong tanong nung bakla.

"Me? I'm good naman. Medyo busy sa PMA pero I can managed. Ikaw? Kamusta na? May gf?" Yan? Magkaka-gf? Asa naman.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon