Chapter 6

10.7K 379 14
                                    

Kayla's

Ano bang nangyari kahapon? Wala naman akong alam na bigla akong mapapasali sa isang club when in the first place, hindi ko naman balak. Bigla nalang akong nakarinig ng palakpak tapos nakita ko yung babaeng mukhang bata tsaka yung kaklase kong lalaki, yung katabi ko tsaka may isa pang lalaki na hindi ko kaklase. Tapos bigla nalang ito na.... kasama na nila ako, scratch that... ISINAMA LANG niya ako. Yung babae na ang pangalan ay Mamilyn Reyes. Pa'no ko nalaman? Kasalukuyan kasi siyang nagdadaldal sa akin while we're walking.

"..tsaka alam mo? Naninibago ako kay Rodney. Alam mo kung bakit? Kasi hindi siya tumatanggi ngayon na sumali sa club natin. Nakakapanibago kasi hindi niya naman gusto sumali ng una pero ngayon willing na willing siyang mag stay. Isn't that amazing?" -Mami

"Pero sa atin lang ito ah? Pero I think.... type ka niya. Yiieee~! Kasi tinatanong ka niya sa akin lagi eh.. Naku ano kayang magiging name ng loveteam niyo? Hmm.." Patuloy niya pa.

Ako? Magugustuhan ng lalaking yun? Eh parang pag nakikita nga ako nun laging may galit siya sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit. Wala naman akong ginawa sa kanya at hindi ko naman siya kilala, even before. Hindi ako sociable na tao eversince i was a kid. Even sa mga pinsan ko wala akong kasundo.

In short, forever alone ako, sabi nga ni Leira.

Speaking of her, nawala na naman siya kanina sa classroom. Hindi ko man lang naramdaman until the class ended.

"Uy ang tahimik mo talaga. Speak up! Tayong dalawa lang naman nandito eh." Oo nga kami lang dalawa pero sa daldal niya magsalita, katumbas niya na ang dalawa--tatlong tao sa kadaldalan niya. Does that make sense? It doesn't.

*Mystery Club Room* -sign sa pinto.

Pagkapasok sa loob ay napaharap na naman ako sa bintana, pero unlike yesterday, wala dito yung lalaking nakita ko. Yep, I saw, again, another ghost. Hindi siya katulad ni renzo na hyper at masayahin, rather.. he's a quiet man with a hint of sadness in his eyes. Nakatingin siya sa swing na nasa labas ng bintana na gawa sa wood.

"Ay, matanong ko lang pala.." Napakurap ako at napatingin kay Mami. "Bakit kahapon ka pa tumitingin sa bintana? May... may nakikita ka bang.... hindi namin nakikita? Halaa..."

Agad akong umiling pero nung napansin kong ang OA ng pag iling ko, kinalma ko yung sarili ko at simpleng sumagot. "Wala."

"Then, that's.... sad. Charot! Hahaha! Tara! Upo ka dito at sabay na tayong kumain." Tapos nilabas niya yung lunchbox niyang maliit. Ang cute nga ng shape at tsaka ng design eh. Para talagang pambata.

"Ngumingiti ka naman pala eh.." -Mami

Agad napalis ang ngiti ko pero alam kong nag-init yung pisngi ko sa pagkapahiya. Narinig kong tumawa siya pero saglit lang at tumikhim na siya. "Okay, kainan na.." Awkward niyang sabi.

"Boo!"

O____O -ako

"PAPATAYIN MO BA AKO?!" -ako

Agad kong tinakpan yung bibig ko nung na-realize kong napasigaw ako. Leira kasi eh!! Tss.. Lagot siya sa akin later sa bahay. Wala akong magagawa ngayon eh..

Tinignan ko ng pasimple si Leira at binigyan siya ng masamang tingin. Siya naman nagpapa-cute na naman aka her pouty lips. Such a handful!

"Bakit ka napasigaw? Tsaka.. sinong papatay sayo?" Hindi ko namalayang nandito si Mami na nakatingin sa akin ng may pagtataka.

"W-wala yun Mami... Ano.. ano lang yun.... ahmm.. may naisip lang ako. Hindi ko alam na masasabi ko ng malakas yung nasa isip ko." Na ginulat ako ni Leira. Aish!

Tumawa lang si Mami. "KM, hindi ko alam na madaldal ka rin pala? That's good!" Tapos tumawa na naman siya ng ala-santa claus laugh niya.

"Uy, nga pala.. alam mo ba ang history ng mystery club room natin? Hindi diba? Okay iku-kwento ko sayo.." Buti naman hindi na niya inintindi yung pagsigaw ko.

Naging alert naman ako ng sinabi niya yun. Hindi ko alam pero my instinct tells me that there's something that I will find out.

"Ganito kasi yun.. etong room na 'to.. Dati itong room ng isang club. Photography club. Actually last year lang yun. May nangyari kasing karumal-dumal dito... Siguro nakita mo na yung leader ng Performing Arts club, yung babae di ba?" Nag nod nalang ako kahit na hindi ko naman talaga nakikita yung babae o hindi ko lang matandaan? Pero.. Sinabi niya bang Performing Arts?

"Performing Arts? Yung babae ba na tinutukoy mo, iyong... mahabang buhok na babae na may salamin?" Kuryoso kong tanong. Nag-nod naman si Mami.

"Oo siya nga! Si Amarie.. Classmate ko siya eversince first year pa. Pero nung highschool ko pa siya kilala.. Nakikita ko kasi sila ng boyfriend niya dati..." -mami

Sabagay, maganda siya kaya malamang na meron nga siyang boyfriend. Nakinig lang ako kay Mami at alam kong nakikinig rin si Leira na nakatabi sa akin.

"Yun nga, alam mo sila ang matatawag mong the best loveteam ng PSA tsaka childhood bestfriend sila ni kuya Fonse. Marami nga silang shipper nun eh pati ako! Hihihi... Graduating palang kami ng highschool nun, tapos si Kuya fonse 2nd year college na. Grabe kahit masyadong tight ang schedule nila kuya, gumagawa siya ng time para lang mapuntahan si Amarie, para sabay silang umuuwi. Sweet no?" Tumango nalang ulit ako kahit di ko maintindihan kung anong sweet dun.

Sorry ah? Wala akong sweet bone. I'm not fond of sweets either.

"Tapos yun na nga, nung first year na kami tapos 3rd year naman sila kuya nun, ganun pa rin sila, sabay pa nga silang nag-apply para sa club na gagawin nila eh! At yun nga ang Photography club. Mahilig kasi silang kumuha ng litrato, i was a member of that club at ang saya-saya lagi namin every time na magkaka-exhibit ang mga pictures at pag lumalaban kami sa mga contest. It was the best for me! Akala namin wala ng katapusan yun... but something happened. Something that we really didn't expect.. Kasi si kuya fonse.... natagpuan nalang naming walang buhay dito sa room na 'to. May... may tama siya sa ulo tapos may hawak siyang tubo. Nung pinaimbestigahan sa pulis yun, nalaman namin na... Na..... nag suicide si kuya fonse. May letter pa nga siya nun iniwan eh."

"Nung una, ayaw namin maniwala.. kasi wala naman kaming maisip na dahilan kung bakit niya gagawin yun eh.. even her parents, wala rin silang alam na problema ni fonse dahil before the incident, ang saya-saya pa namin, nila ni Amarie. Si amarie pala nun... iyak siya ng iyak hanggang sa ilibing si kuya fonse. After that day, umalis na unti-unti yung mga member.. Kahit ako since naging busy na. Ganun din si Amarie. Siya ang pinakaunang umalis sa lahat. Pero nanatili kaming friends ni Amarie hanggang sa lumipas ang limang buwan, nalaman ko sa kanya na may iba na siyang boyfriend, si kuya Lander, ang kasalukuyang leader ng Performing Arts sa mga lalaki. Hindi naman sa galit ako kay amarie pero ayaw ko kay kuya lander para sa kanya. Simula nun naging aloof na ako kay amarie. Yun ang history ng room na ito."

Medyo maluha-luha pa si Mami habang nagkukwento siya pero ako, nakatingin ako sa isang lalaki na nasa bintana at nakatingin sa akin. As in titig na titig siya pati kay Leira ganun din. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan..

"Kayla, sabi niya hindi raw totoo yung kwentong alam nila dito... hindi siya nagpakamatay.. pinatay siya." Sabi bigla ni Leira.

Pinatay? "Kayla, humihingi siya sa atin ng tulong... para sa hustisya na gusto niya at para sabihin kay amarie kung gaano niya ito kamahal.."

Alam ko ang gustong ipahiwatig ni Leira sa mga titig niya sa akin pero parang sa tingin ko....

Nae-excite ako sa mangyayari. At hindi ko alam kung bakit.

"KM? Ba't nakangiti ka?" Tanong ni Mami.

"Gusto kong tulungan mo ako, Mami. Pero may sasabihin muna ako sa'yo..."

Sana tama ang ginagawa ko.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now