EPILOGUE - Last Part

6.2K 165 12
                                    



E 👑 P 👑 I 👑 L 👑 O 👑 G 👑 U 👑 E

               LAST PART ▶️

KAYLA MARIEN

After a long time ngayon lang ulit ako nag-isa. Parang na-miss ko ang dating buhay ko, nung single pa lang ako at nung hindi ko pa sila nakikilala. Napakasimple at tahimik ang buhay ko noon, kung matatawag ko mang 'tahimik' lalo na kapag kaibigan mo ay isang katulad ni Leira na isip-bata minsan, madaldal at makulit. Come to think of it, sa ugali kong maikli ang pasensya at madaling mag-init ang ulo paano ko natiis ang kakulitan ng isang iyon? Now that's a wonder.

Almost a decade na na magkakakilala kaming lahat. Naaalala ko nung unang tapak ko sa school na 'to, I felt strange and weird at the same time not just because I felt some goosebumps but also because its a co-ed school. Nanggaling kasi ako nun sa all-girls school so being in a school where opposite gender exists, its a different feeling. Nakakailang na nakakatakot. Plus the fact that I don't know how to deal with others before. Naging mahirap iyon sa akin noon. But meeting the bully Rodney, the childish yet weird girl Mami and the guy I thought his name is 'mang tomas', naiba ang lahat. Na-discover ko iyong mga bagay sa buhay ko na hindi ko alam na magagawa ko pala.. na kaya ko palang gawin at mag-risk.

Every case noong 'Ghost Detectives' palang kami, naaalala ko, every names of those victimes we helped, I also remember them all. Kung tatanungin ako malamang mamamangha sila dahil sa tinagal-tagal na noon, naaalala ko pa. That's something you know. That's something because it was a good memory. A good memory I will treasure for the rest of my life. Doon nagsimula ang lahat sa buhay ko. Doon nawala ang pagiging 'walking dead' title ko, doon rin nagsimula na maging 'sarcastic' princess daw ako. Its funny when I think about those things, ang childish niya na ngayon kung tutuusin--considering my age today--pero kahit gaano pa iyon ka-childish, para sa akin mahalagang alaala ang pagiging member ng 'GD' kasi doon ako naging masaya. Doon ko naranasan ang lahat sa buhay at kung bakit lumalakas ako.

Nagpasya muna akong magpahinga sa ilalim ng puno dito sa dati kong tambayan, ang likod ng Highschool building. I breathe in the fresh air coming from the trees and the garden near me. As I was relaxing myself and thinking about my memories here, tumunog ang cellphone ko. Without looking at the caller, I answered it. "Hello?"

"Babe." Baritonong boses ng nasa kabilang linya. Mukhang may atraso ako ah? "Nasaan ka? Bilisan mo sabihin mo kung ayaw mong magalit ako sayo babe." May diin iyong pagsasabi niya ng 'babe'.

"Magagalit ka ba?" Nang-aasar na tanong ko. Pinipigilan kong tumawa kasi mas lalo akong lagot mamaya.

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Babe answer me. Seriously. Hinahanap ka na ng anak natin at sabi ni manang Josie hindi mo pa raw tine-take iyong medicine mo."

"I already took my med. nagdala ako and while driving I already took it. Nothing to worry babe." I bit my lower lip to contain my laughter. "Dalhin mo si AK dito, babe, nasa PSA ako."

"And what are you doing there?"

"Nagre-reminisce?" Now I can no longer contain it. I chuckled. Nung hindi ko na narinig ang nasa kabilang linya, nanahimik na ako. Seryoso na siya panigurado. Sabi nila Berry at ni kuya Jerry ang sungit at taray ko raw samantalang si Rodney nga itong sobrang sungit eh. Signs of aging na ba iyon? Habang nag-mature siya, nagsusungit na rin? Hmm.

Narinig ko nalang iyong mahinang 'tsk' niya sabay "I'm going there with Aleira. By the way, where are you exactly?"

"Hulaan mo~ bye~" magsasalita pa sana siya pero pinatay ko na ang tawag at nagpakawala ako ng malakas na tawa na sa pitong taon ay hindi ko nagawa dahil sa pinag-iingat ako masyado ng mga doctors ko about my emotions. Bawal ang sobrang emosyon sa katulad ko noon. Pero ngayon safe to say that I'm better than 'alright'.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon