Chapter 60

4.4K 132 4
                                    

MC: Happy 60 chappies!! :)

****
After 45 minutes...

(COVERED COURT)

THOMAS/TOM

GRABE!! Ngayon lang ako naka-witness ng laro ng basketball na.... may kasamang PISIKALAN. As in ngayon lang talaga! Hell, ang intense!!! Sobrang nakakatakot yung nilalabas nilang black aura habang parang nagpapatayan na sila sa tingin at sa pagbunggo nila sa isa't-isa.

So, who wins? Rodney? Or Gello?

Nakahiga silang dalawa sa sahig at hingal na hingal habang kami naman ni Deniro nanlalaki lang ang mga mata sa hitsura nila. Kapag nakita mo kasi sila, imbes na naglaro ng basketball, mas maiisip mo pang nagsuntukan sila sa dami ng mga pasa at mga sugat sa katawan at mukha nila. Putok pa ang labi nila pareho at may dugo na rin.

Hinagisan ko si Rod ng towel pati na rin si Gello at pareho naman nilang kinuha iyon at naka-indian sit habang nagpupunas ng sarili. Magkatalikuran lang sila. Nilapitan ko si Rod.

"Pare, okay ka lang?" Sabay tapik ko sa balikat niya, na ikinaigik niya. Pilay pa ata.

"Sus, ako pa ba? At mas lalong okay dahil.... AKO ang nanalo." Nakangising wika niya. Mayabang!

"Tss." I heard from his back. Si Gello yan malamang, na kinukulit naman ni Den.

"Grabe pare, sana pala dinala nalang namin kayo sa boxing ring o di kaya sa wrestling arena. Tindi ng pisikalan niyo eh!!" Hindi ko alam kung nagpapanic o natutuwa pa itong isang ito eh. Kanina nga nabibingi ako kakasigaw niya ng 'GO RODNEY!!' Tapos 'YOU CAN DO IT GELLO!!'

Bakla ba ito?

Iniwas ko yung tingin ko nung napatingin si Den sa akin. Napapatingin na pala ako sa kanya ng di-oras. Kinikilala ko si Den dahil kami naman talaga ni Rodney ang unang magkabarkada. Kinikilatis ko siya dahil nagtataka ako kung paano sila naging magkasundo nitong si Rod eh mapili sa kaibigan yan eh. Halos kami-kami nga lang magkakaibigan dati eh. Kasama sila Nanang, Berry, Kamil at yung magkakapatid na Scott... before.

"Hmm.. nanalo ka nga sa basketball pero dude, hindi pa rin kita tanggap para sa pinsan ko." Nawala ako sa malalim na pag-iisip at napalingon kay Gello na nakatayo na ngayon pero nakatalikod pa rin kay Rod. "Pero, since I am a man of my words, nararapat lang na sumunod ako sa pinagkasunduan." He walked towards the bench. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Gello is really over-protective of Kayla, na minsan nakakataka na rin at para sa akin, ang OA na minsan. Its okay to be protective of your relative, lalo na kung babae pa, but not that much. Alam kong may hindi sila sinasabi sa min tungkol kay Kayla everytime na magkakasama kaming lahat pag nagso-solve ng kaso ang Ghost Detective eh. Hindi ako tanga at slow pagdating sa ganung bagay.

Ang tanong.. ano naman kayang sikreto iyon?

Tumayo na rin ako at inilahad ang kamay ko para kapitan ni Rod patayo. Sabay kami na umupo rin sa bench.

"Thank you, man. I promise I will protect her." Madamdaming saad ni Rod, na mukhang si Gello ang kinakausap.

"You better be, bastard." -Gello

"Tss." -Rod

"Tss." -Gello

Yung totoo, ahas ba sila? Ang hilig mag-tss eh! Pero mukhang ceasefire na sila ngayon.

****

(BHR)

ACE

Tangnang iyon! Iniwan na ata ako eh ang dami naman kasing lintek na mga tao na nagche-check-in pa rin sa hotel na 'to eh marami na ngang natatakot na magpa-reserved ng room kasi nga natatakot para sa mga buhay nila, tapos marami pa rin pala!? Tapos itong si Adrian, hindi ko na nahagilap mula dun sa lugar na pinaglilinisan niya kanina. Buset talaga!

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon