Chapter 25 [Part 2]

6.9K 185 11
                                    

KAYLA

"Wait lang! Saglit, teka!"

Papasugod na kami sa bahay ni Reynaldo Barrameda, yung psychopath naming suspek pero dahil sa matinis na boses ni Mami napatigil kami at tinignan namin siya.. ako pinukolan ko siya ng isang tingin na sinasabing magpaliwanag siya.

"Okay, mukhang hayok na hayok tayo sa kasong 'to pero baka nakakalimutan niyo, shadows lang dapat tayo. Hindi pwedeng malaman ang identity natin.. lalo ka na Kayla. Di ba ayaw mong ma-perwisyo ang parents mo because of you? Think about it guys and remember that we are just an ORDINARY STUDENTS, atleast sa mata ng karamihan. Hindi na dapat tayong humigit pa doon not unless you don't want to be in trouble." Mahabang wika niya bago siya lumakad palayo, papunta sa kotse niya.

Doon lang ako natauhan sa sinabi niya.. masyado akong nadala sa isipin na makakatulong na naman kami at mabibigyan ng hustisya ang kung sino man na humingi ng tulong sa amin. I almost forgot about that. Buti pala at nandito si Mami. Hindi ko akalain na dahil sa iniisip ko ay hindi ko naalala ang consequences na mangyayari once na mahuli kami dito.

I'm such a klutz. Tsk.

Dahil sa sinabi ni Mami ay nakayuko kaming umatras at pumunta ulit sa pinag-paradahan namin ng sasakyan at walang isa sa amin ang umiimik at malalim din ang iniisip. It's not their fault. It's mine. Ako ang nakalimot at hindi ko naalala na pwede rin nilang ikapahamak ito. I wanna cry. Dahil sa selfishness ko madadamay ang lahat. It would be my greatest nightmare if that happens.. at pinagpapasalamat ko dahil hindi mangyayari.

I felt someone tapping my back and when I look at the one doing that, I saw a smirking Kamil. Yung ngiti na tipong sinasabi niyang huwag masyadong ma-down dahil may paraan pa. I saw hope in her gazes kaya naglakad ako papunta sa isang tagong lugar at alam kong susundan niya ako and so she did.

"So, what is it?" I immediately asked.

There's no time kaya nagmamadali na ako. Ang sabi kasi ni Merceditha ay baka may maging biktima pa ang killer kaya kailangan makagawa agad kami ng paraan para maagapan na ang pagpatay ng psychopath na yon. Nawala na yung smirk niya at tinignan ako ng diretso. Did I mention that I am much closer with Kamil than the rest? Well, except Rodney.

"Call the cops. Sila na ang bahala from there. At tayo, magiging taga-masid lang. You have other purpose why you forgot what we are and who we are, haven't you?" Tumango lang ako. "Then do as I said."

"Pero.. ang mga police? Are you kidding right now?"

"Unfortunately, hindi. But do you trust me?" Napatingin agad ako sa kanya at tinignan siya ng parang 'tinatanong pa ba yan?' Look.

Seriously, ngayon lang yan naging concern ng ganito compared sa mga dating kaso na sino-solve namin.

Ako lang ba o parang may tinatago siya sa 'kin na kailangan kong malaman?

"Done thinking? Kasi sinasabi ko sayo, wala nang oras--" before niya ako sermunan, I cut her off.

"Oo na, eto na. Pero.. anong plano mo?" Imbes na sagutin niya ako, nginitian niya lang ako. Ngiting nagsasabing magtiwala lang ako.

Okay, I will trust her.

****

ADRIAN

Kanina pa ako tahimik at ganun din naman si Jerry na nasa tabi ko lang. Nasa sasakyan na kami pero hindi ko pa binuksan ang makina kasi nga distracted ako at delikado pag ganito ako. Baka makasagasa ako or worst, baka maaksidente pa kami. Ang gwapo kong mukha magkaka-peklat? No freaking way, dude!

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon