Chapter 4

14.1K 421 3
                                    

Kayla's

It's been a week since those things happened, but I still can't quite understand why Leira said those things. Isang beses lang kaming tumulong, at dahil pa yun sa nanghingi ng tulong sila renzo at anne. Sino ba naman ako para hindi tumulong kung may magagawa naman ako? That was the only thing that I thought during that time. Wala nang iba.

And I can't understand myself also because I'm always thinking about it. Tapos may constant reminder lagi ako sa paligid a.k.a. Leira, kaya hindi ko makalimutan. Katulad na lang ngayon.. Sumama na naman siya sa school ko. Pero hindi ko siya pwedeng sagutin kasi nasa sasakyan kami at magtataka si mr. Jerry pag nagsalita ako dito nang wala namang kinakausap.

"Uuyyy.. papayag na yan.. sige na kasi!! Para hindi ako boring sa bahay natin.." Paulit-ulit niya yan sinasabi. Sumasakit na nga ang ulo ko eh. Napahawak ako sa sentido ko. "Tsk."

Natahimik siya kaya nilingon ko at nakita kong nakatalikod siya sa akin at yumuyugyog yung shoulder niya, pretending to be crying but she knows enough that I can't be fooled by that. Kaya humarap na siya sa akin at nag peace sign. Tss.. parang bata. Leira is a beautiful woman kung buhay lang siya, I'm sure na maraming lalaking manliligaw sa kanya.. pero dahil isip-bata siya, ewan ko lang kung may makakatagal sa kanya.

Even I can't stand her...... but that's just a joke. Joke lang yun okay?

"Bakit nakangiti ka ng ganyan?" She asked. I look at her like I'm asking her 'anong ganyan?' She pouted. "Like you're thinking about me in a negative way... Tandaan mo, nakakabasa ako ng iniisip ng tao since i'm a ghost." Medyo may pagmamalaki niya pang sinabi yun.

I get my cellphone in my pocket and started typing a message na alam kong binabasa na ng isa dito. (Then, anong iniisip ko ngayon? Kung talaga ngang nakakabasa ka ng iniisip ng tao.) napa-pout naman naman siya while naka-kunot noo, which makes her look hilariously funny. "Pfft."

"May problema po ba miss Kayla?" Narinig kong tanong ni mr. Jerry kaya umiling lang ako at sinabing wala yun. Si Leira naman naka-pout pa rin. Ganun lang ang expression niya hanggang nakarating na kami sa school at hanggang ngayon na nakaupo na ako sa desk ko. Gusto ko sanang tumawa kasi natatawa na talaga ako kanina pa, but I'm holding it in because there are many people here, my classmates. Talking, chatting to each other.. while I'm here, simply looking at the nothingness of my place.. like I'm really invisible.

Suddenly, my thoughts are interrupted by a loud thud sound from my left side. Wala naman akong pakialam...... pero..... they're all staring.. At Me? As in ako? Talaga? At yung tingin nila parang ang ibig sabihin ay 'lagot ka' parang natatakot sila para sa akin. Bakit naman kaya?

O___O .... Don't tell me....... Nakikita nila si Leira? And speaking of her, where is she? Kanina lang andito siya sa tabi ko ah?

"Hoy! Nananadya ka ba talaga, tanga?!" Walang kurap na napatingin ako sa nagsalita. And I'm aware na ako ang pine-pertain niya when he said those things. "Tinawag mo ba ako?" Simpleng tanong ko pero mukhang pinagsisisihan kong nasabi ko pa yun. At naririnig ko rin sa mga kaklase ko ang bulung-bulungan at mahihinang pagkagulat. What's going on?

Pinagsisihan ko dahil ang sama na talaga ng tingin sa akin ng lalaking nagngangalang Rodney. He's the same guy that compared me to a nerd daw na nakaupo rin dito. So ibig sabihin... repeater siya? Or hindi siya nakapasa sa subject ni ma'am elvie kaya siya nandito?

Magsasabi na sana ako ng sorry pero nagulat ako dahil bigla niya akong hinila palabas ng room namin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "A-Aray.. yung braso ko.." Pero parang wala siyang narinig at tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Naku, mabilis akong magkapasa kahit konting pagkaipit o pagkadagan lang sa katawan ko kaya alam kong magkakapasa ako nito. Pero hindi yun ang dapat kong isipin.

Ghost Detective! (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora