Chapter 29

5.3K 177 2
                                    

KAYLA

Pagkarating ko sa 'triangle park' ay naglakad ako sa bench na inupuan namin ni Liam nung nakaraan. Hindi naman ako nabigo sa pakay ko as I felt that same feeling when someone is around me, 'someone' like ghosts. Nakaramdam na naman ako ng coldness pero kakaibang lamig yon.. yung lamig na parang nakakasuka dahil sa sobrang lamig. Parang pag nasa ibang bansa ka na may winter season, ganon ang pakiramdam. And this is new to me.

Agad na tumalikod ako kasi doon ko naramdaman ang tatlong pares ng mata na mataman akong tinitignan at hindi nga ako nagkamali pero medyo nabigla ako dahil sa lapit nila sa akin. Mga isang hakbang na layo. Pero unlike the last time I saw them, the three kids, wala silang dugo ngayon.. in fact, their cute.

Anong nangyari sa kanila?

"N-nakikita niya ba tayo..?" Narinig kong tanong ng babaeng mga nasa age 5-6 years old na may dalang worn-out brown teddy bear. Tinignan naman ako ulit ng lalaking nasa age 8-9 at siya ata ang older brother nila, wild guess lang.

Yung way ng tingin niya sa akin ay parang binabasa niya ang isip ko pero kung siya naman ang pakikiramdaman ko ay hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil emotionless siya na wala ka talagang makikita na kahit anong emotion sa kanya.

"Sa tingin ko ate, nakikita niya tayo. Kasi nakatingin siya sa atin eh.. imposible namang sa likuran siya nakatingin kasi wala naman taong nandito." Siya naman yung pinakamaliit sa kanila na, I assume, ay ang bunso dahil sa pagtawag niya ng ate sa babaeng may hawak ng teddy bear. Parang 5 years old since buo na ang bigkas niya.

Sa pagtingin ko sa kanila, parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Looking at them makes me wonder what kind of bad luck happened to them. What happened to them to face the death at a young age. Naaksidente ba sila? Car accident? Hit-and-run maybe? Sa mga scenario na yon nasasaktan na ako, what more kung ang worst case scenario na ang nangyari sa kanila? They're killed? Parang sumakit ang ulo ko.

"Hala, okay lang ba siya? Nakahawak siya sa ulo niya eh.." Narinig ko yung batang babae.

Nginitian ko sila. "Ayos lang ako.. " huli na para ma-realize ko ang ginawa ko.. sumagot ako sa kanila kaya alam kong alam na nila ang sagot sa tanong nila kanina. Kung nakikita ko ba sila. Pero di ba yon naman ang dahilan kaya ako pumunta dito? Para tulungan sila?

I heard the girl and the little boy gasps while their kuya is still standing still, but with a different expression this time. The side of his lip lifted. He looked like he confirmed something. So sinusubukan niya muna kung nakikita ko nga sila? What a smart kid.

Linapitan ako ng batang lalaki as he flashes me while wide smile that made me feel warmth. "Hello po ate! Anong pangalan mo?"

"Hi, ako si Kayla. Ikaw cute baby?"

Napakunot noo ako sa nagtataka niyang pagtingin sa akin at tumingin siya sa mga kapatid niya at balik sa akin. Para siyang typical na batang clueless pag tinatanong mo ng bagay na hindi niya alam and he's curious. Pero hindi naman mahirap sagutin ang tinanong ko, pangalan lang naman yon and for a five-year-old like him, I'm sure alam niya ang pangalan niya. Isa pa, tagalog naman ang ginamit ko.

"Ate, hindi ko po alam ang pangalan ko.. pati sila ate at kuya.. Bakit ganon po?" I suddenly froze. Tinignan ko rin ang dalawang kapatid ng cute baby na nasa harapan ko at nakita ko rin ang nagtatanong na hitsura nila. I can't help but to utter.. "Oh.my.god.. No way.."

Paano ko aalamin ang tungkol sa kanila kung wala silang naaalala? Pero I swear I saw them covered with their blood then. At masakit man aminin pero sigurado akong morbid at intense ang pagkakapatay sa kanila. Kasing intense ng nangyari sa akin ng mawalan ako ng malay..

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now