Chapter 35 [Part 2]

5K 154 3
                                    

MAMI

Ako nagtataka na ah... bakit ba sumusunod sa kin ang isang ito?

"Bakit sumusunod ka pa sa kin? Di ba sabi ko nga matutulog ako sa bahay? Kaya shoo ka na. Shoo!" Haha ang sama ko lang. Shoo ba eh.

"Tch, aayain sana kitang ano..." Aayain ako sa ano..? Tsk. Kahit kailan ang bagal ng isang 'to! Buti pa si Rodney malakas ang loob at may paninindigan. Wait, san nanggaling ang paninindigan? Sa antok ko ata nasobrahan na pag-iisip ko. Nawala sa katinuan. Sarreh. :p

"Aayain mo kong mag-date? Sure! Lika na!" Ayan, ako na nagtuloy ng sasabihin niya ako na rin nag-aya baka next time niyan ako na rin manligaw. Saya no? Tch.

Tch? Kanino ako natuto niyan? Ang mainipin ko naman kasi pagdating sa mang tomas na 'to. Okay kung naguguluhan kayo sa inaasal ko... sus! Di pa ba obvious? Didn't I already state the obvious ? Wag sana rin kayong slow katulad ng isang 'to.

"Ngingiti-ngiti mo jan?" Nakangiti kasi na parang nang-aasar.

"Ganyan ka pala kapatay na patay sa akin---ahh! Bakit ka ba laging namamatok? Kaya bumabagal ako eh.." Akala niya di ko narinig bulong niya. Kaya ba siya bumabagal dahil sa pagbatok ko? O sige i'll try to reduce it. Haha can't help it, my habits are hard to forget.

Ayan nandito na kami.... "Do you remember this place mang tomas?" I asked him. Tinignan niya yung lugar.

"Oo naman. We used to play here eh.."

"That's not what I'm trying to say gago! .." Bigla niyang tinampal ng mahina yung bibig ko. "Sorry naman kase." Nasabi ko nalang.

"Kababae mong tao ang hard mo mag-cuss! Bawas-bawasan mo yan para makadiskarte na ko." Aba't! May napapansin na ko ha!

"Ang dami mong nirerendahan sa kin di pa nga 'tayo' ah? Ayos ka rin pre. Ayoko sa lahat yung nirerendahan o minamanduhan ako. Ako ang batas, gets it? If you don't gets it then forget about your 'diskarte'." Naglakad na ako palayo while stomping my feet. Sorry po ground napagbubuntunan kita ng pagkaasar ko.

"Hey Nanang, wait lang naman.. to di na mabiro."

"Heh! Kausapin mo mga nuno sa puno baka sagutin ka nila."

"Eh kausap ko na nga yung 'nuno' ng buhay ko eh.." Mahina lang yung pagkakasabi pero rinig ko. RINIG KO AT HINDI MAGANDA SA PANDINIG!!

Humarap ako sa kanya at pinameywangan ko. "So talagang sinasabi mong maliit ako? Na.. na unano ako? Shet na malagkit... nilait ang dyosa na to?! End of the world na ba?!" Nung nakalapit na siya ay tinry niya na hawakan ang kamay ko pero iniwas ko agad.

"Sorry na kasi 'dyosa' ng buhay ko.. Ah? Sorry.. Sorry na talaga, nagkamali lang ng word."

"So hindi mo na talaga naaalala ang lugar na to?" Galing.. change topic daw ba? Eh may pinag-uusapan talaga kami kanina ah? Bastusan?

"Sabi ko nga kanina--" pinutol ko ang sasabihin niya. Hindi niya na nga naaalala yung PINAKAUNANG na-meet ko siya.

"Dito kita unang nakilala bago sa classroom nung kinder, bugok!" Sabay batok ko sa kanya. Maalog lang ang utak.

Tignan mo ang bugok, mukhang nag-isip pa! Kakaasar siya talaga! Pero love ko pa rin siya kahit ganyan siya pero kakainsulto kaya yung makalimutan kung saan kayo unang nagkakilala. Parang sinabi niya ring wala akong halaga sa kanya. Buset.

"Ay oo nga!" Siya, sabay binatukan yung sarili niya. Buti naman mukhang naalala niya na.

Naglakad na lang muna ako sa swing na dating tambayan namin noong bata pa kami. Oo nasa playground kami ng PMA na for elem and nursery. PMA is the school owned by Rodney's family kung natatandaan niyo pa.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon