Chapter 43

4.7K 156 4
                                    

MAMI

Pagkagising ko ay naglinis muna ako ng room ko at baka may masabi na naman si mama kaya uunahan ko na. Then I took a bath for half an hour at nag-ayos ng konti para hindi naman nakakahiya sa susundo sa akin. Oo alam niyo na kung sino ang taga sundo't hatid ko.

Dumiretso na agad ako sa dining area dahil nakakarinig na ako ng sagutan sa pagitan ng mga magulang ko. Mostly si papa ang nagsasalita, knowing my mama, alam kong nakikinig lang yan sa papa ko. Mana ako dyan! Hohohoho~

"Good morning papa," sabay kiss sa cheeks kay papa at lumapit ako kay mama. "and to my beautiful mama." And I do the same.

"Good morning anak, maganda ata gising mo? Sabagay araw-araw ka ba naman sunduin at ihatid ng boyfriend mo talagang ikagaganda nga ng araw mo iyan." Nang-aasar na turan ng aking ina. Napanguso lang ako.

Si papa naman biglang nanahimik at kumain nalang. Nung nakita ko ang bacon, hotdog, egg and friend rice syempre lafangan na ito. Yung lafang means kain ha.

Habang kumakain ay naririnig ko yung 'tsk' ni mama at napapailing pa itong nakatingin sa akin. "Ang takaw kumain hindi naman lumalaki.. bakit ang papa mo matangkad naman tapos ako din may height naman bakit ikaw ang pandak mo."

Napasimangot ako at napunta ang direksyon ng mga mata ko sa mama kong nagpapatay-malisya. Alam niya naman na kung pino-problema niya ang height ko MAS lalo naman ako! At saka alam niya naman na sensitive ako pagdating sa height ko. Nawalan tuloy ng appeal ang pagkain sa akin. Tawagin niyo na akong mababaw pero height is really a sensitive matter to me.

"Ma, alis na ko kailangan ko pumasok ng maaga para mag research sa report ko later.. bye dad, ma." Nagkiss lang ulit ako sa kanila then kinuha ang bag ko at umalis na. I even heard my father scolding my mother about what she said about me.

"Ang hina mo pumik-up Madilyn. Alam mo namang sensitibong bagay sa anak mo ang height niya.. hayyy.."

"Ang kapal mo Milano! Hmp! Hindi ko lang naman naalala ah?..."

Muntik pa akong matawa sa inaasal nila sa isa't-isa. Most of the people na nakakakita sa amin iniisip na messed-up ang pamilya ko pero hindi. Kumbaga normal na lambingan lang ng mama at papa ko ang sigawan, bulyawan, palitan ng salita na ganyan. Sanay na nga ako eh.. sanay na sanay na ako sa weirdness ng pamilya ko.

Speaking of weirdness, naalala ko tuloy yung lalaki sa NBS yesterday. I'm sure na tinawag niya yung name ko eh. Dinig na dinig ko iyon dahil malinaw ang pandinig ko. Hindi yon hallucination lang, hindi rin iyon na-misheard ko lang. 'Mamilyn' talaga yung rinig ko, pero, sino naman siya para malaman kung sino ako?

"Nanang."

Napatingin ako sa harapan at nakangiti pero may pagtatakang mukha ni Thomas ang nabungaran ko. "May iniisip ka ata at parang mas malalim pa sa balon iyon. May problema ba?"

"Wala, na badtrip lang ako sa mama ko pero magiging okay din kami mamaya." I dismissed the thoughts earlier. Mas mabuting mag focus ako sa boyfie ko at sa studies ko.

Pero KAYLA! Akala mo nakalimutan na kita ah? Nasaan ka na ba?

****

BERRY

Simula ng mawala si Kamil dito sa PSA at sa bahay ng mga magulang niya dahil nagso-solo na siya sa hindi ko rin malaman na dahilan, mag-isa na lagi ako. Ayoko rin sumama kila Thomas at Mamilyn dahil nagmumukha akong chaperone ng couple na iyon. At hindi pang chaperone ang mukhang ito!

At times like this, I am thinking about Kayla. Nami-miss ko na yung dating samahan namin, yung magso-solve kami ng case through the ghosts we were helping tapos ang saya-saya namin at in a way may sense of achievement na feeling. Kaso sa isang pagkakamali, nawala lahat ng pinagsamahan. Kung ikukumpara ko ang ngayon sa nakaraan, ibang-iba na ang sitwasyon ngayon.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now