Chapter 69

3.9K 129 2
                                    

MC: Happy Heart's Day! :)

****

KAYLA

Aware ako sa nangyayari. Para ano pa't may kaibigan akong madaldal na kahit i-try niyang itago sa akin ay tinatraydor naman siya ng bibig niyang madaldal.. my ghost friend, Leira. And 'L' is Laira, alam kong matagal nang kaibigan ni Gello si Laira. Nagkakilala raw sila sa New york before, sa isang bar, may nambastos daw sa huli kaya to the rescue naman nun ang magaling kong pinsan. Nalaman ko naman ang plano ni Laira na gawing traydor o espiya ng grupong Ghost Detectives si Gello, lalo na para makuha ang loob at tiwala ng isang tao na gustong-gustong paghigantihan nito... si Rodney.

Kaya pala nung nakaraan, nagtaka na ako sa biglaang closeness ng pinsan ko at ni Rod, he already made a move for their plan. But I know better that Gello is not on Laira's side anymore, unbiased ang pinsan ko at ayaw niyang may mangyari rin kay 'L' at sa bago niyang kaibigan.

Hindi niya akong magagawang kalabanin.

Naglalakad-lakad ako sa malawak na field ng Pran Celeste and still thinking of what happened and Akeyla's outburst. Alam kong nagiging unfair ako dahil hindi ko agad sinabi ang nalalaman ko.

Napahinto akong bigla sa naisip ko.

Bukas sasabihin ko na sa kanila. Sigurado na ako.. pati ang tungkol sa huling kaso ng GDs.. si Leira.

"Kayla!" Napaangat agad ang tingin ko sa tumawag sa akin. Automatic na napangiti ako at sinalubong ko siya ng isang ngiti. "I've been looking for you everywhere, nandito ka lang pala.. Hah.." Hinihingal na napaupo si Rodney sa damuhan. I sat beside him. Walang katao-tao ngayon sa field kasi may klase ang lahat ng estudyante.

Napapansin ko lang na may mga bandera na kulay pula at puro mga hugis puso na may pana ang mga ito.

"Ngayon na pala iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ngayon na pala iyon.." Napalingon ako sa kanya at nakatingin rin siya sa mga bandera. Nung napansin niya atang nakatingin ako sa kanya ay nilingon niya ako at nginitian.

"Anong ngayon na?" I asked because I am clueless of what is he talking about.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay isang malakas na pagtawa ang narinig ko sa kanya. Napasimangot naman ako at tinalikuran ko nalang siya. Bahala siya jan, baliw siya.

"Hahahaha... seryoso hindi mo talaga alam? O hindi mo lang matandaan?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Psh." Natawa na naman siya. Maya-maya naramdaman ko ang mga braso niyang pumupulupot sa bewang ko at ang baba niyang nakapatong sa balikat ko. Naiilang at nahihiyang tinutulak ko siya pero wala rin akong nagawa kaya hinayaan ko nalang.

"Kung sabagay.. dapat lang talaga malaman mo ang bagay na iyon kapag ako ang kasama mo." He said while reaching for my hands.

"A-ano ba kasi iyon?"

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon