Chapter 16

8.4K 255 3
                                    

Aware ako, at alam kong si mr. Jerry din, sa phone ko na ring nang ring kanina pa. Pagkatapos kong marinig yung mga sinabi niya.. dumiretso na ako palabas ng school at dumiretso dito sa loob ng kotse. Agad ko ring sinabi kay mr. Jerry na umalis na kami dahil baka makita nila, niya.. ako. Ayokong magpakita sa kanila.. sa kanya.

Even her name, I don't wanna mention it. Nasasaktan ako.

Mabuti na lang din na hindi sumama sa school ngayon si Leira, ayokong malaman niya kung paano akong parang naging loser ngayong araw.. na hindi lahat ng sinasabi niyang 'kaibigan' ay hindi naman ganun ang tingin sa iyo, sa totoo lang. I feel like crying and be mad at her, pero ano naman magagawa nun? Magmumukha lang akong naghahabol sa kanya, na ganun akong ka-desperado na magkaroon ng kaibigan.. lalong nakakatawa siguro yun sa paningin niya.

I will not stoop down to that level. Hindi pa ako baliw para gawin yun.

"May problema ba, hija?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Jerry. Umiling lang ako at napatingin nalang sa labas.

I really thought iba siya.. iba siya sa mga nakipag-kaibigan lang sa akin dahil sa may kaya ang pamilya ko. May kaya rin siya at maganda siya, hindi rin kami magkatulad ng ugali. We're opposite of each other. Hindi niya naman siguro ako talagang gustong maging kaibigan dahil alam kong marami na siya nun. Siguro naaawa lang siya sa akin, kasi I'm a loner, I don't have any friends, tapos naghahanap pa siya ng mga member sa club na yan. Narinig ko dati sa dalawang lalaki na pinilit lang sila ni... niya, na maging member. Ganun din siguro ako.. no, hindi pala siguro. Ganun rin ako. She forced me to be a member just because she needs one.

A FUCKING member!

Pagka-park palang ni mr. Jerry ng sasakyan ay agad na akong bumaba at dumiretso sa kuwarto ko at pabalibag na humiga sa kama ko and let out my tears. This is my third time crying in my entire existence. Una, nung umalis kami sa dati naming tinitirhan dahil nawalan ako nang friends, sila che-che at sharry. Pangalawa nung high school ako, palagi akong binu-bully. Sabi nila, high school is the best experience of your school year. Well, not for me. Sinusumpa ko ang high school life ko. Kaya nung nagtapos ako, parang gusto ko nalang mag home study for college. Kaso sinabi nila mommy at papa na i-try ko raw muna pumasok sa totoong college school, kaya heto. I tried... and it was good... until now.

I felt a goosebumps all over my body and the only one that can cause is when I feel a ghost..

"Ang aga mo ata nakauwi, kayla?" It's Leira.

Umupo ako sa kama ko at tinignan ko siya.

o__o

She looks like that when she sees me.. or my face. Coz it's covered with tears. Lumapit siya hanggang sa nasa harapan ko na siya. "A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?-- sinong nagpaiyak sayo? Sino?!"

I wanna hug her right now. I badly need someone to lean on to and to let out all these tears, all the pain na lagi kong tinatago sa iba, kahit sa mga magulang ko.

Sa mga panahon kong ito nararamdaman yung inis, kung bakit kasi multo lang si Leira. I really need a friend. At alam kong siya lang yun. Wala nang iba.

Hindi ko na naman napigilan ang maluha. "L-leira... s-sabi mo.. magbabago na... sabi mo magbabago na ang lahat when I made a friend.. pero hindi pala... sinaktan pa rin nila ako... Leira... ayoko na... ayoko nang magtiwala.."

"Bakit? Anong ginawa sayo ng mga kaibigan mo? Tell me! At mumultuhin ko sila ngayon din, para sayo! Please kayla, wag kang umiyak, nasasaktan rin ako eh..." She said. Lalo akong napapaiyak dahil sa sinabi niya.

Sana talaga buhay siya.. pero kung buhay naman siya, magkikita kaya kami? Magiging kaibigan ko rin ba siya?

I look at her when she said something. "Ano yun?" I managed to say.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now