Chapter 10

10.4K 348 12
                                    

"Bakit mo pinaabot sa ganito?! Why, Amarie?! Are you killing yourself to save that psycho?! Coz I'm telling you right now, even if we're friends.. That is stupid. Utterly stupid."

Umagang-umaga nung marinig ko ang phone ko, ayoko pa sanang sagutin dahil inaantok pa ako at wala naman akong pasok kaya ipagpapaliban ko pa sana pero parang nananadya talagang guluhin ang beauty rest ko kaya sinagot ko ang phone ko at walang habas kong sinigawan ang tumawag. Pero biglang nanigas ang katawan ko nang sabihin ng tumawag na nasa bahay niya si Amarie at parang mawawalan na ito ng buhay sa estado niya. I immediately fixed myself and ran out as fast as I can to reach Rodney's house, na naghihintay sa akin sa labas. Ni-hindi na nga ako nagbihis ng maayos kaya naka-pajama pa ako at tsinelas ko pa sa bahay ang suot ko. Buti tulog si mama kundi lagot ako dun.

Ngumingiti lang si Amarie pag kinakausap ko pero I know better than that. I know that she's just hiding the pain and the sorrow she feel. Hindi ako palamura na tao pero katulad ng laging sinasabi ni Tatang, hayup! Hayup yung baliw na yun! Buwisit siya, mamatay na sana siya! Tapos pabugbog siya kay kuya Fonse! Tss.

"Tapos ka na manermon? Oh pagkain.. " Rodney said.

Nilagay niya yung food sa mini table beside the bed. Porridge yung nasa isang bowl tsaka may glass of water tapos yung isa naman isang plate na may fried rice, egg and bacon tsaka one glass of juice. I smiled at him pero like the usual him, hindi siya ngumiti at lumabas lang ng room.

But I'm really thankful to him. Kunwari lang naman masungit yan eh. Pa-cool kasi! Haha joke.

"Amarie... bakit hindi mo sinabi sa akin na... ganito pala ang ginagawa sayo ni Lander-baliw? At tsaka... pano mo natitiis yun when in fact you know the crime he did to kuya Fonse.."

"Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi na magalit sa kanya. Gusto kong mag-sumbong, gusto kong magsalita pero... everyday, lumalala si Lander. I thought I could be his cure since I am the reason why he did that to his cousin, pero... parang... parang natuluyan na siya.. I couldn't approach him anymore because I was afraid to be near him. Hindi rin ako makalapit sa iba, lalo na sa lalaki dahil agad siyang nagseselos at dahil dun sinasaktan niya ako.. Pero... pag naaalala kong pinsan siya ng taong mahal ko, somehow gumagaan ang loob ko at dahil nalang sa kanya kaya ko ginagawa ito. Gusto kong tulungan si Lander, kahit na malinaw na malinaw ng impossible yun mangyari.."

Medyo nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. So, the main reason is to help that psychopathic guy?! Eh halata namang wala nang lunas yun eh! Kumbaga sa may sakit, terminal case na yun!

"Amarie, hindi ka santa, okay? My god.." Napahawak ako sa sentido ko at marahang hinihilot yun. "Sa ginagawa mong yan, hindi mo man lang ba iniisip yung nararamdaman ni kuya Fonse? Na kung nahihirapan ka ay mas nahihirapan rin siya? Na hindi siya matahimik dahil inaalala ka niya at gusto ka niyang iligtas kay Lander!? Hindi mo naiisip yun no?"

"B-bakit kung magsalita ka... p-parang n-nakakausap mo si F-Fonse?.. P-parang alam mo ang nararamdaman niya..." She asked. Confusion is written all over her face.

I sighed deeply. I look at her and the first that comes to mind was to call Kayla. Alam kong siya lang ang makakatulong sa amin ngayon.

I get my phone on my pocket pero naalala kong naka-pajama pa pala ako at hindi ko pala dala ang phone ko. Hindi ko rin kabisado ang number niya. Gaaah~! What am I going to do?! Kung kailan kailangan ko siya ngayon..

Ah! I know what to do. Sana lang ay mag-work.

"Sandali lang amarie, lalabas lang ako. Magpahinga ka lang jan."

Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni Rodney pero wala siya dun kaya naisipan kong pumunta sa baba baka nanunuod siya ng TV. And I was right. "Rod.." I called his name.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon