Chapter 57 [Part 1]

4.6K 133 4
                                    

KAYLA

I'm having my breakfast right now with kuya Jerry and Gelo. Medyo nakakapanibago lang dahil ang tahimik nila pareho. Hindi naman ako nagtataka na tahimik si kuya Jerry dahil everytime na nakikita ko siya talagang minsan spaced out siya or too quite that sometimes it's hard to talk or even start a conversation with him. Si Gelo ang kinatatakhan ko kung bakit tahimik. Obviously, something's wrong.

Is it something to do with K?

Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako ng mga gamit na kokonti lang naman, isang note lang at isang libro, pinapabigat lang ng laptop ko. Nagmamadali na rin ako kasi naghihintay na si Gelo sa kotse. Pababa na sana ako nung may pumigil sa braso ko. It was kuya Jerry.

"May kailangan ka, kuya?" I asked.

"What time are you going home?" Why the sudden interest?

"Hm, 4 o'clock? Depende sa oras ng dismissal ni Gelo. Kasabay ko siya eh."

"Kung ganun.. ako na ang susundo sayo later. Hintayin mo nalang ako sa parking lot." Pagkasabi nun ay pumasok na siya ulit sa room niya. Nagtataka naman akong nakatingin sa pinto ng kwarto niya.

Anong meron?

I was dumbfounded and spacing-out at the moment when someone shouted from the outside.

"KAYLA MARIEN!! ANONG ORAS NA OH!?" Oh shiz!

"OO NANJAN NA!! Init ulo!" I hissed, sabay naglakad na nga palabas.

Hanggang sa sasakyan iniisip ko pa rin kung anong sumapi sa kuya-kuyahan ko at nagprisinta siyang susunduin ako.

****
BERRY

"Hindi nga ako makakapasok kasi nilalagnat ako! Kulet lang ah, Mamilyn."

"Nilalagnat? Kung makasigaw naman.. Osya! Bahala kang ma-zero sa quiz ngayon!"

Binabaan ko nalang siya ng tawag. Buset ka talaga bansot! Ang inconsiderate niya minsan. Ay, hindi lang pala minsan, madalas pala! Siya naman ang president ng student org bakit hindi niya gamitin yun para sa kaibigan niya?

Pero sabagay, atleast hindi talaga siya katulad ng iba na mapagsamantala sa kapangyarihan, she treats everyone equal kaya hindi na rin masama. Pero sana naman kahit minsan i-leave out niya ako. Charot! Lels.

Nandito ako ngayon sa BHR, as in Brilliantes Hotel and Resort. Hindi ko alam kung bakit ginaganahan akong alamin ang misteryo ng mga namamatay dito at kung paanong hindi man lang ako nakakaramdam ng takot o kaba na baka ikapahamak ko tong ginagawa ko. Basta ang alam ko lang na-curious ako, kaya talagang naglumpasay pa ako at lumuhod-luhod pa ako sa harap ng dada ko payagan niya lang akong mag-stay dito. Ayaw niya pa nga sana kasi nga nabalitaan niya rin yung mga nangyayaring killings, murder cases dito pero pumayag din siya dahil nagsinungaling ako.

Yes, I lied and I said that I have someone with me and that is my cousin. Oh! Speaking of her, I learned from tita, na may isang lalaking nagpu-pursue sa anak niya at narinig ko pang ang gwapo daw nito, yung gwapong parang playboy ang dating. Siyempre nagulat ako dahil hindi ko akalain na may nagkaka-interest pala sa pinsan kong iyon.

Don't get me wrong ha, pero alam niyo naman ang ugali ni Kamil.. If I'm stubborn and spoiled, siya naman matigas ang loob at medyo may pagka-stubborn rin, in her own way. Kaya nakakagulat talaga na may magkakagusto sa kanya. Well, kung sa hitsura lang naman maganda talaga ang pinsan ko.. yung tipong 'sexy bad-ass' type. Yun ang gusto ng mga lalaki eh.. iyong feisty raw kasi ang cool tingnan.

Sus, ako? Girly type naman ako. Pero pwede rin akong maging katulad ng pinsan ko kapag naiinis ako. Sad to say.. mas madalas akong good mood! :p

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon