Chapter 51

5.3K 144 7
                                    

KAYLA

It was like a nightmare.. or more than that. The feeling that I saw that woman carrying a baby, it's like I was placed in a never-ending dark road and there's no way to escape from there. Kulang ang sabihing natakot ako dahil alam kong sobra pa sa mismong salitang iyon ang naramdaman ko. Nung nakita ko ang babaeng may dalang sanggol, nung tiningnan ko ang mata niya, para akong naging siya at nakita ko ang walang awang pagpatay sa kanya at sa baby na dala niya. Sobrang nakakaiyak at nakakapagngitngit ng galit.

Two days ago na iyon at ganung araw na rin ako hindi kumakain ng maayos dahil parang hindi ko masikmura ang pagkain kapag nakikita ko ito at naaalala ko ang sinapit ng babae na iyon sa kamay ng mga demonyong mga tao na iyon. It was unbearable and I can't wait to say this to them because I want to solve this case so badly.

"Hindi ka na naman kakain? Kayla, you're like that for two days, hindi ka ba nagugutom?" I stare at my cousin who is still eating as if he was so hungry while my Kuya Jerry was eating in peace pero tinitingnan niya rin ako ng may pag-aalala. I breathed deeply and look at Gello sharply.

Natigilan siya sa pagsubo at sinalubong ang mata ko. "Tss.. " he placed his spoon and fork on each side of the plate and uttered a word of thanks before he stood up and get his bag and look at me. "Let's go, Kai." Binalingan niya naman si kuya Jerry na napatingin sa amin ng may pag-aalala. "Jerry, we're going ahead. Umm.. " tiningnan niya ako na parang humihingi siya ng permiso sa kung anong bagay at binalingan naman niya ulit si kuya na parang sinasabi niya sa akin na may sasabihin siya sa huli na kailangan ng permiso ko.

Ano naman kaya iyon? Sinalubong ko ang tingin niya ng nagtataka kong tingin. Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Aish! Jerry, may.. may kaso ba kayo ngayon?" H asked.

"What makes you think na sasagutin ko iyan? That is confidential. And 'kuya' jerry, little man."

"Okay, 'kuya' Jerry. Tinatanong ko lang naman dahil baka kailanganin namin ang tulong ng squad mo. Atleast sinabi ko ngayon palang para alam mo since iyon ang napagkasunduan natin."

Wala sa oras na natigilan ako at si kuya Jerry pero sa magkaibang dahilan, malamang. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Gello kaya napalingon siya sa akin at kinindatan lang ako sabay baling ulit kay kuya Jerry na tinitingnan ako ng seryoso. I sighed in frustration and like what Gello did earlier, napakamot nalang din ako ng ulo. I look murderously at Him and I wanna smack his head for being so 'genius'. Note the sarcasm.

"Totoo ba ang sinabi niya, Kayla?" Tanong ni kuya. Binalingan ko na siya sa mas kalmadong paraan at tumango.

Opo, kuya Jerry." He sighed.

"Hayyy.. here we go again. Sige, just beep me when you need help. May bago nga yatang kaso ngayon na ibibigay ang itaas sa amin. Baka related or parehas pa ang kaso niyo sa amin." Iniwan na rin niya ang pagkain at umakyat na sa taas papunta siguro sa room niya para maghanda. Tiningnan ko nalang si nanay Felicidad at si Feli na may konting ngiti at naintindihan naman nila iyon. Kami naman ni Gello ay kasalukuyan nang naglalakad papuntang PCA.

"Ang sungit ng kuya-kuyahan mo na iyon, no? Tell me, NGSB siya no? Diba? O di kaya nagbabalat-kayo bilang lalaki pero ang totoo pala nagkaka-period din siya! Hahahahaha LOLs talaga! Hayup!---ARAY! Kailangan talaga nambabatok?" Tiningnan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya at nakuha pang akbayan ako at ngitian. "Oh chill cousin, para kang iyong bomba na may timer, pag na-trigger puputok na lang bigla. Kaboom! Sabog~"

"This is not the time to joke around, Gello. Tss.." Nanahimik na naman siya at naglakad na ulit ng maayos. Hayy, buti naman nadadaan siya sa pakiusap.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon