Chapter 47

5K 162 3
                                    

A/N: Thank you sa mga nagco-comment and sa mga nagvo-vote, dahil sa inyo ginaganahan ako mag-update at lagi na akong nakakaisip ng mga susunod na gagawin. If you are wondering kung bakit minsan mabagal ako maka-isip ng susunod o kung minsan sinasabi kong nawawalan ako ng idea, that is because impromptu lahat ng mga scenarios na isinusulat ko or for the matter, tina-type ko. Kaya sana maintindihan niyo po ako.

**********************************************

KAYLA

"Now, you have all the time in the world to explain to me what the hell have you done to Pacific Scott, my dear cousin? And don't think of running away or saying some bla-blas because I'm telling you, you're dead."

As soon as I finished my school works nagtungo ako agad sa room na ino-occupy ngayon ni Gello, my cousin. Nasabi ko sa inyo dati na hindi ko kasundo kahit mga pinsan ko di ba? Well apparently, this jerk cousin of mine is different. Sa aming magpi-pinsan kasi, siya ang laging inaaway ako noon pero sa hindi ko rin malaman na dahilan eh naging isa siya sa mga iilang tao na napapansin at nakakausap ko. I guess tama yung sinabi niya noon, kami daw kasi parehas na weird, that's why we're close.

Pero hindi ko mapapalampas yung ginawa niyang pagpunta sa PSA, hindi.

Ang magaling kong pinsan hindi man lang ako tiningnan kahit na nagpupuyos na ako sa galit. Nakuha niya pang makipag-text sa harap ko. Bastos! "Gello!"

"What? What do you want me to tell? Nagpunta lang ako doon, bumisita, kinilala ang mga new-found friends mo since I'm curious. That's all. Nothing more nothing less, so huwag mo akong talakan at sugurin nalang bigla dito and knock on my door first, buti nalang tapos na akong maligo." Mahabang paliwanag niya sa akin. Natahimik nalang ako at tiningnan ko yung ayos niya, halatang kakaligo niya palang nga dahil naamoy ko yung manly scent sa rest room niya at naka-boxers lang siya. "Done observing?" He smirked. Buset!

"Tss." I just uttered. "Don't ever do that again. Kahit na lumipat na ulit ako doon, don't ever step on that school. It's out of the line. Get it?" I warned. Tiningnan niya naman ako katulad ng walang emosyon na na nakapaskil din sa mukha ko.

"Ne~ver~." I gritted my teeth and get a pillow from his sofa at ibinato ko sa kanya, kaso nailagan niya. Sayang. "Marien, alam mong kaya ako nandito para bantayan ka at hindi ka ilapit sa nananakit sa'yo, di ba?" Natigilan ako at nanigas sa sinabi niya. "Now you remember. I was here to protect you kaya nga kahit nag-e-enjoy ako sa America with all the girls there, pinili kita dahil pinsan kita at hindi ko man sinasabi lagi sa'yo pero mahalaga ka sa akin. Sa lahat ng magpi-pinsan ikaw ang gustong-gusto ko because you are the little sister I didn't have. Get it, too?"

Hindi ako sumagot at tumango nalang. Wala naman ako magagawa dahil talagang iyon ang purpose niya kaya siya nandito. Dahil siya ang inutusan ng Papa at Mama ko na magbantay sa akin kapalit ng pag-uwi ko dito sa pilipinas. Umupo nalang ako sa sofa niya at niyakap yung unan na ibabato ko pa sana sa kanya. Naramdaman ko yung malamig niyang braso na nakaakbay sa akin.

"Marien, you are fragile.. literally. Tanggapin mo na iyon, okay? At kahit na ayaw kong bumalik ka sa pagiging lider-lideran ng grupo na iyon, alam kong iyon ang magpapasaya sa'yo kaya kahit ayaw ko, tatanggapin ko nalang. Pero babantayan pa rin kita. Me, K, and the rest together with your other friends, we will protect you." I look at him. Binigyan ko siya ng ngiti na alam kong bihira nalang makita sa akin pero sa pinsan ko naibibigay ko at sa iba pa. "Now you understand. Sige na, punta ka na sa kwarto mo, feli might be waiting there." 

Tumayo na ako at paalis na sana pero pinigilan niya pa ako at hinalikan ang noo ko. "Good night cousin." He whispered.

"Good night din. Pero hindi ko nakakalimutan yung sinabi mo kanina.."

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon