Chapter 28

5.8K 181 8
                                    

KAYLA

"Kayla.. Dalawang araw ka nang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa nangyari sayo. Baka naman.. kailangan mo nang ipaalam sa mga kaibigan mo--"

Hindi ko na hinayaang ituloy ni Leira ang sasabihin niya at agad kong itinaas ang kamay ko. I look straight to her eyes with a serious expression. Hindi niya ako maintindihan at sa tingin ko nobody will understand what and how I feel. How it feels to be in between two conflicts.. how it feels to be involved in a triangular conflict between those two.

Nakakaasar naman kasi! Sana pala nag-backout na lang ako sa blind date na yan, or to be specific, sana pala iniwan ko na si Liam that day. Hindi ko naman kasi alam na magkakakilala sila.. magkakababata pa! Pero hindi yon ang kinasasama ng loob ko.

Pagkaalis ni Liam after niyang sabihin yung mga sinabi niya kay Rodney nung araw na yon, umalis din si Rodney. Ako naman para akong tuod doon, parang tanga na clueless sa mga nangyayari at the same time nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko pa ba sa kanila yung dahilan ng pagkakawala ko ng malay. Such conflicts really put me into so much thinking that causes more headache. Good thing, that same night naiwan si Kamil para bantayan ako and I demanded her to fill me in the story behind rodney's and liam's fight. Mukha ngang tatanggi pa siyang magkwento kaya tinignan ko siya ng sobrang seryosong tingin kaya wala siyang choice but to tell me what I needed to know.

Doon ko nalaman na may kapatid palang babae si Liam and that same girl is the reason why Rodney is so angry to nerds. Girlfriend niya pala yon.. ex daw but I won't buy that. Sa mga kinikilos ni rodney the past week, yung pag-iwas niya sa akin at hindi pagkausap, alam kong it has something to do with the girl. Hindi naman ako manhid at lalong hindi ako tanga para hindi makahalata. Sensitive naman ako.

But knowing how sensitive I am doesn't mean na maaayos na lang yon dahil doon. Sensitive ako, to the point na nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako. Nagseselos pa. You know how it feels when you like someone and yet, that someone loves somebody else not you. At dahil sa mga realization na yon naiisip ko tuloy.. am I, what they call, a rebound? Para kasing ganoon ang labas ko eh.

Umaasa pa rin ako na hindi naman sana ganon pero paano kung magtatanong ako kay Rodney and what if he answers just as what I thought he would answer? Paano ako haharap sa kanya katulad ng dati? Kahit natural na akong pokerface, alam kong makikita niya higit pa doon. Kilala niya na ako eh. At yon ang pinagsisisihan ko ngayon.. na sana hindi ako nagpadala sa mga pagiging sweet niya.

"Kayla papasok ka ba?" Umiling lang ako bilang tugon at tinakip ko ang unan sa mukha ko. Pinasasakit talaga nila ang ulo ko pati na rin ang puso ko.. parang ayoko tuloy silang makita. I mean lahat sila. Ayokong makarinig ng mga pangungulit, gusto kong bumalik sa dating lifestyle ko. Yung tahimik, kami lang ni Leira at nasa kwarto lang kami.

Hindi dapat ako nagagalit sa kanila, kila Mami kaso kahit anong gawin ko, feeling ko na-betray ako eh. Nagsinungaling sila sa 'kin! Ayoko sa lahat ay ang niloloko ako!

*vibrate*vibrate*

Hindi ko pinapansin ang phone ko kanina pa dahil alam kong sila lang yan. Nagtataka siguro kung bakit hindi ako pumasok ngayon.. at alam kong may chance na pumunta sila dito, knowing those two(mami and Berry). Pero saan ako pupunta para makaiwas ako?

*JEALOUS-Nick jonas*

"Tumawag na naman.." I just utter. Panglimang calls niya na ata yan.. si Liam. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kanya. Lalo na isa rin siya sa nagpapasakit sa ulo ko.

"Sino ba yan, Kayla?" I let out a sigh.

"Just someone.." Ayokong sabihin pa sa kanya dahil wala na naman siyang kinalaman dito. Buti hindi na siya nagtanong pa. Alam niya kasi pag mainit ang ulo ko eh.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now