Chapter 56

4.8K 125 13
                                    

DETECTIVE BLAST

"hah!! Mga buang na ba sila!? To think the society will come to a conclusion like this.. pathetic!"

Napayuko ang mga tauhan ko na lagi naman nilang ginagawa. Alam kasi nila kapag mainit ang ulo ko at hindi ko mapipigilan ito nang hindi ako sumisigaw o nagsasalita kaya kailangan may gawin ako. Hirap talaga kapag matanda ka na nga, tapos may anger management ka pa. Nag-aalala na nga si Cres, ang asawa ko, sa palagian kong pagkainit ng ulo dahil baka daw iyon pa ang ikamatay ko. Pero hindi naman ako magkakaganito kung walang nagpapainit ng ulo at nagpapakulo ng dugo ko hindi ba? Sad to say.. talagang meron lang mga pasaway.

Hindi pa nga kami tapos sa paglutas sa kaso ng nakaraang mga taon sa BHR, tapos eto na naman? Panibagong kaso na naman? At ang nakakatawa pa, multo!? Multo ang ginagawa nilang salarin!? Mga gago ba sila!? Mga inutil?! Tss.. brats these day..

".... Hindi ka man naniniwala, batang Blast, pero ang anak ko ay hindi ordinaryong tao. Baka kapag sinabi ko to matawa ka pero ang anak ko.... she can see and talk to a ghost. Kalokohan, di ba?"

she can see and talk to a ghost...

she can see and talk to a ghost...

Chief Harold... kalokohan nga iyang sinabi mo. Sobrang kalokohan na hindi ko mapaniwalaan na naniniwala ako.

"Hey, you." Sinenyasan ko ang isang tauhan na lumapit sa akin.

"Yes, sir!" Nag-salute pa siya at marahan akong tumango. "Ano pong iuutos niyo?" Tanong niya. Napaisip naman ako.. Ano nga bang iuutos ko? Tsk. I hate to say this and to even believe in stupidity like this but if this so-called 'stupidity' will be the answer,..

Then I would like to take a risk.

"Tawagan mo sila Adrian, Jerry at Ace. Papuntahin mo sila dito sa office ko mamayang gabi."

"Yes, sir!" Nagsalute ulit siya at ginawa na agad ang inutos ko.

Sa ngayon, kailangan ko munang ikondisyon ang sarili ko. Kung handa na ba ako sa ganitong usapan at hindi iinit ang ulo ko.

It doesn't makes sense to me but I wanna try...

I wanna see for myself if talking to a person who can see ghost will be the key to this case.

No matter what happens I'd take a risk listening.

****

ADRIAN

"Ah, ganun ba... Geh dude, I'll inform the two." Agad ko nang pinatay ang tawag at umupo sa sofa na kinauupuan din nila Jerry at Ace. "Ano naman kayang kailangan ni chief?" I uttered to myself.

"Sino ba iyon?" -Ace

"Si chief." Maikling sagot ko.

"Oh, bakit daw?" -Jerry

"Pinapatawag tayo sa office. Mamayang gabi. Malamang alas otso yun." I let my head rest sa sandalan sa likod.

Mainit pa ang ulo ko dahil sa babaeng iyon.. sinabi ko na nga na mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko siya nakalimutan nitong nagdaang tatlong taon tapos ang gagawin niya makikipag-usap siya sa isang lalaki sa harap ko pa!? Fuck!

But I'm more than desperate to have her back because of that. I can't afford to lose her now.

Ako, si Adrian na hinahabol ng mga babae pati binabae, kahit pa nga matatandang matrona, susuko lang dahil sa isang lalaki na hindi ko ka-lebel? Ha! Patawa lang!

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now