Chapter 8

10.3K 370 13
                                    

"Hi, amarie!!"

Nginitian lang ako ni Amarie pero hindi nakatakas sa paningin ko ang ngiti niya. It looks fake. Alam kong may mali dahil sa tagal kong naging fan ng love story nila ni kuya Fonse, alam ko at kabisado ko na kung paano siya tunay na ngumingiti sa tao. Kararating ko lang sa school at saktong siya lang ang nasa room. Eh may balak na rin sana akong hanapin siya buti nalang nakikisama ang tadhana. Umupo ako sa tabi niya.

"Amarie, pwede ka ba sumama sa akin mamaya?" Wika ko.

"Sorry Mami pero I don't think I can. Alam mo naman na lagi akong kasama ni Lander eh.." Oo lagi siyang kasama ng psycho na yun. Sa sobrang pagsasama nga nila naiirita ako lalo sa lalaking yun eh. He's same age as kuya Fonse but I'll never call him kuya. No way in hell, dude!

Bumuntong hininga lang ako. "Kahit konting time lang? I think mga 10 minutes? Please??"

Pero still, umiling lang siya. Ganun na ba niya kamahal ang baliw na yun na lagi niya itong sinusunod? Come to think of it, dati ko pang napapansin na simula nang naging sila ay hindi na namin nakakasama si Amarie dahil saktong pag nagbe-bell for our break time, nasa labas na agad si Lander-baliw at nag-aabang sa kanya.

I should have known. Baliw lang ang gagawa nun. Hindi pala baliw.. obsessed! Yiiew!

Nag-angat lang ako ng ulo ng may kumalabit sa akin. Sinino ko at ang Tang ko palang magaling. Nag-hi lang siya at nag-nod lang ako tapos balik sa pagduko sa desk. I'm lazy today. I don't wanna study! Pero too late, biglang dumating si ma'am Pressy eh. Our adviser and first subject. Wala akong choice kundi makinig kahit ang totoo pumapasok lang sa kanan kong tenga at lalabas sa kaliwa lang ang mga sinasabi niya. Same with other teachers na pumunta sa room.

"Okay class, let's stop here first. Get ready for tomorrow because you have quiz regarding our topic for today. Nagkakaintindihan ba?"

"Yes, ma'am!" Kaming lahat.

"Well then, goodby class, see you tomorrow. You can take your break now."

Yes! Ang pinakahihintay ko. Hindi ko na pinansin si tatang na may sasabihin yata at nagkaripas na ako sa pagtakbo papunta, siyempre sa mystery club pero hindi nakaligtas sa malinaw kong eyes ang baliw na lalaki at ngayong napapansin ko siya, may mannerism siyang parang gumagalaw yung kamay. I mean nanginginig ito. Naku, kailangan na naming gumawa ng action ni KM.

****

We were dismissed earlier kaya dumiretso na ako dito sa mystery club room at hinihintay ko si Mami para sa naisip kong plano. Actually si Leira ang nakaisip nito na sinabi niya sa akin and the idea might work. Kaso lang may pakiramdam din ako na sinadya niya ang planong naisip niya para asarin ako. Ewan ko, paranoid siguro ako.

I look at Leira and Fonse, nag-uusap sila.

"Ilang taon ka nang patay? Tsaka ilang taon mo na siyang kasama?" Yan ang tanong ni fonse sa isa.

Ngumiti si Leira. "11 years ko nang kasama si Kayla, pero 11 and half years na akong dedo. Nag-meet kami sa bahay niya ngayon na dating bahay namin."

"Ah.. Asan na ang pamilya mo?"

I look at Leira. Natahimik kasi siya at parang iniisip niyang mabuti kung nasaan na nga ba ang pamilya niya. Kahit ako, i asked her that many times pero laging ganyan siya. Natatahimik at parang wala siyang matandaan sa mga magulang niya o kung may pamilya talaga siya. Baka, malay mo, patay na rin. Ayokong sabihin sa kanya ang hinala ko dahil ayoko siyang malungkot.

That reminds me, hindi ko pa pala siya natatanong tungkol sa personal niyang buhay. Nakakalimutan ko kasi sa iba't-ibang bagay na nagiging busy ako. Katulad nitong kay Fonse.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now