Chapter 45 [Part 1]

4.4K 162 2
                                    

A/N: Alam na this, guys.. at pakisubaybayan na rin ang mga new characters. Mas lalong dumadami ang characters ko mas mabigat ang trabaho ko! Kakaloka!!

****

BERRY

Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit lahat kaming miyembro ng Ghost Detectives-except him-ay kailangang ipatawag niya dito sa bago niyang school. I really have no idea or whatsoever about Pran Celeste Academy except for the basic that this school is public and this was named after the only daughter of Mr. and Mrs. Celeste. Mr. Celeste is one of the outstanding businessman in the Philippines and in Asia. Pero despite his title, isang public school ang pagmamay-ari niya. I watched his past interviews regarding the school and he said that he just wants to help others who couldn't afford those privates schools. Yes, I've made a little investigation regarding this school kasi nga nacu-curious ako.

Dati ko nang alam ang PCA pero hindi ko pinag-aaksayahang alamin beyond that because who cares if I am already attending a school of my own? It would't make sense kung aalamin ko ang isang bagay na hindi ko naman gagamitin o wala naman akong paggagamitan.

"Buti nalang wala akong work ngayon at hindi naman ako hinahanap ng mga anak ko." Bulalas ni ate Mig. Kausap niya si Mami na nasa tabi niya na nasa tabi ko naman sa kabilang side. Nasa isang van kaming lahat, Thomas' van at siya rin ang driver dahil iisa lang naman siyang lalaki dito. It's 2 o'clock in the afternoon at walang klase dahil sabado ngayon kaya free kaming lahat, except ate Mig na buti na nga rin walang work.

Umusod ako ng konti palapit kay Mami para makipag-usap din. "Eh kamusta naman yung wedding prep?" Tapos inasar-asar ko pa siya na ikinangingiti niya lang. If you can see her, you will see the love in her eyes and the glow of her face. Blooming ang lola niyo! Buti pa siya.. ay nainggit? Pero yung totoo... kamusta na kaya si Jerry my loves na sinaktan ang aking delicate heart six month's ago?

Well, nevermind him. Oo talaga, nevermind him! Pero nami-miss ko na siya..

"Ayun, okay na.. ginagawa nalang yung invitation tapos siguro monday maibibigay na sa mga piling bisita." Mami and I teased the bride-to-be na ikinakangiti niya lang, then she cleared her throat. "Okay serious na. As for your invitations, kami mismo ni Kelly ang magbibigay ng invitations niyo kaya wait niyo kami sa labas ng PSA ah? "

"Yes naman ate! Kami pa ba ang mawawala?" Masayang wika ni Mami.

"Oo naman, we'll wait!! Wiii~ ngayon pa lang kinikilig na akew!!"

"Ikaw talaga Berry.. pero mas masaya sana kung kasama natin si Kayla.." Biglang nawala yung happy atmosphere nung nabanggit niya ang pangalan ni Kayla.

Walang naglalakas ng loob na magsalita at parang iisa ang nasa utak namin ngayon.. si Kayla.. nasaan ka na ba kasi?

"Girls, nandito na tayo!"

I just dismissed the thoughts and immediately went out of the car, ako pa ang nahuli dahil sa pagkakaisip ko sa kanya. I breathed deeply and plaster a smile.

"Dito lang ba tayo sa harap? Berry, call your cousin!" Utos ng mahal na reyna. Psh.

"Oo na, tamad nito may number din naman siya ni Kamil.." Kinuha ko sa pocket ang phone then I pressed the phonebook at hinanap ang name. When I was about to press the dial button, I was stopped by Mami kaya naaasar na tiningnan ko siya. "Ano ba! Tatawagan ko na nga eh!"

Pero imbes na magsabi ng dahilan, iba ang sinabi niya. "Look, in front of us." And I did what she told me to do.

There was a weird looking girl. Matangkad siya, mga 5 foot 10, tapos mahabang buhok hanggang waist niya at kulay asul yung dulo. Her dress is pink at may mga flower designs sa dulo and her flat shoes is also flower-designed and pink. Pink tapos blue ang dulo ng buhok? Di ba weird?

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon