Chapter 44

4.7K 151 2
                                    

MAMI

Hindi maalis sa isip ko yung lalaking weird na iyon at iyong sinabi niyang 'GDs' at ang palagi niyang pagsulpot kung nasan kami. It has been a week and every day of that week he's showing up in front of us or wherever we were, and it's so irritating and creepy at the same time. Minsan nga tinawag na namin siyang 'psycho', 'crazy', stalker'... pero isang misteryosong ngiti lang ang tinutugon niya sa amin.

Pero yung hinintay kong pangatlong beses na makikipag-usap siya sa phone sa harap namin, hindi na naulit kaya iniisip kong coincidence lang sigurong tinawagan siya dalawang beses na nakikita namin siya. But I don't really get why he's always showing up and the creepy thing is, he knows where we were every time.

It's weekend kaya obviously no classes so petiks lang ako at gusto ko lang sana magpahinga sa bahay all day, mag movie marathon mag-isa o di kaya makinig ng mga music pero may um-istorbo sa aking supposed-to-be petiks day.. and that is none other than..

"Strawberry.."

"Please, please, Mamilyn, please sumama ka na.. ayoko lang mag-isang umalis." She pleaded. Napahawak pa ako sa sentido ko at marahan iyong hinihilot.

"Mag-isa? Bakit di mo isama yung pinsan mo?" I said irritatingly.

"Pinsan? Nagpapatawa ka ba? Alam mo namang hindi na nakatira si Kamil sa bahay nila eh.."

"I'm not talking about her. Bakit, siya lang ba pinsan mo? I'm talking about your other cousin, Amelia. Di ba nagbabakasyon siya jan sa bahay niyo?" Nakarinig ako ng nagpipigil na magalit kaya medyo nailayo ko yung phone sa ear ko dahil nakakabingi.

"Ih! Alam mo namang ayoko sa pinsan kong iyon eh.. ang arte-arte kaya nun at saka baka magkaaway lang kami over boys.. duh~" nai-imagine kong nagtaas pa siya ng kilay at nagflip ng hair niya habang sinasabi iyan. Parang siya hindi maarte.

Psh.

"Geh, sunduin mo 'ko.. ikaw ang magsasama sa 'kin kaya ikaw na din sumundo." I give up. Hindi ko naman matatanggihan ito dahil siya nalang ang nag-iisang best girl friend kong kasama eh. Nag-ayos nalang ako kahit napipilitan, hindi rin ako masyadong nagpa-ganda dahil effortless ang beauty ko. Pati damit simpleng shirt na baby blue lang saka ripped pants. Medyo ragged ang peg ko.

Ilang minuto lang narinig ko nang may kumakatok sa room ko at kahit pagkatok alam na alam kong siya na yan kaya hindi na ako na-surprise nang makita ko ang mukha niyang nakangiti.
Walang reaksyon na lumabas na rin ako ng room at nadaanan ko pa si mama on the way outside the gate at nagdidilig na naman siya ng mga mahal niyang halaman. Kapag ako kasi ang nagdilig namamatay iyan. Wala akong green thumb eh. Diretso agad kami sa kotse ni bru, nag seatbelt lang and ready to go.

"So,, where are we going?" I asked.

"Sa mall.. may bibilhin akong lipstick sa Watsons tapos maggro-grocery na rin dahil inutusan ako ng magaling kong ina.. isabay ko na raw tutal doon din naman ang punta ko." She said while concentrating on driving. Hindi nalang ako kumibo at inihilig ko nalang ang ulo ko sa gilid. Medyo nahihilo ako kapag nasa harap ng kotse kaya itutulog ko nalang para hindi ako tablan.

****

BERRY

Alam kong natutulog na si Mami dahil sa mahinang snore na naririnig ko kaya pinakawalan ko na ang pinipigil kong..... utot. Oo kanina ko pa gustong maglabas ng masamang hangin pero pinipigilan ko dahil alam kong aasarin ako nitong babaita na ito.. Grabe! Hirap pala magpigil nito?

Anyway let's forget about that embarrassing moment. Nag-sinungaling ako when I say na bibili ako ng lipstick at maggro-grocery ako kaya ko siya sinama.. the truth is... I hacked 'that guy's facebook account. I'm talking about that stalkerish slash creepy guy, KM. Madali lang naman i-hack lalo na sa katulad ko. Naiinis kasi ako sa pamisteryus-misteryus epek niya eh. Saka, isa lang ang mysterious guy na love ko... and that is-- "oh shit!" I got startled when the song 'Perfect' by One Direction suddenly played.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now