Chapter 38

4.8K 192 1
                                    

A/Nguys! It's been awhile huh..? Oh well, may A/N ako mamayang bandang huli so kung sino ang mga concern at talagang mahal na mahal ako--este ang story na ito ay pwede niyo naman basahin. Salamat sa paghihintay! 👍🏼👍🏼👍🏼😽😽😊😊



RODNEY

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagbabalik ni Laira. I don't want to ruin the moment I had build with Kayla pero alam kong malalaman at malalaman rin niya lalo na at nasa iisa lang kaming school. How fucked up that would be if it happens. Isa pa sa mga factors ay ang mga kaklase namin na kilala si Laira bilang 'my love' ko.. noon.

"Rod." Napapikit ako bago tumingin ng dahan-dahan kay Kayla na nasa harapan ko na pala. "Kanina pa kita tinatawag, tinutusok ko pa nga ang tagiliran mo pero parang hindi mo ako naririnig o nararamdaman. May problema ba?" I smiled at her pero nanatiling blanko ang tingin niya. The usual KM. Sometimes I'm wondering how did I ended up falling in love with her eh kung tutuusin malayong-malayo siya kay Laira at hindi pa kami nagkaroon ng magandang unang pagkikita at pagkakakilala.

She always look serious and calm in all that we had been through, the ghosts and stuff. Minsan nakakapangilabot ng balahibo ang kakayahan niyang makakita at makausap ang isang kaluluwa pero one thing's for sure.. she changed over the past year..in a good way. Hindi na siya kasing lamig at kasing sungit katulad ng dati. Para na siyang nagkaroon ng buhay.

Umiling ako sa tanong niya. "Wala, wala akong problema.. bakit mo nga pala ako tinatawag?" I asked her. Umiling lang din siya at saka naglakad na ulit. Agad naman akong sumunod.

"Rod.."

"Hm?"

"Tama bang sabihin ko na kay kuya Jerry yung totoo? Because I've been thinking about that lalo na alam kong nacu-curious na sila sa atin. What do you think?" Napangiti ako sa tanong niya. "What's that smile means?" She asked with confusion written all over her face.

"Wala lang.. sabi mo kasi wala kang itatanong kaya hinayaan ko lang pero hindi ako na-convince kaya hinihintay kitang magsalita and you did."

Nakasimangot na tumalikod siya habang naglalakad. "Psh. So, ano nga? What do you think?"

Napaisip na rin ako sa tinanong niya.

Kung sasabihin kasi namin kila Kuya Jerry baka akalain pa nilang pinaglalaruan namin sila at baka mapagalitan kami. Afterall, hindi sila basta-basta.. mga detectives ang mga iyon at hindi sila talaga maniniwala kapag sinabing 'nakakakita si Kayla ng kaluluwa at nakaka-usap din niya kaya nalalaman namin ang mga criminal sa mga kaso'. Hindi naman ganun kasimpleng topic iyon. And it's a very sensitive topic for Kayla as well.

Nginitian ko muna siya bago ako nagsalita. "Wala namang problema sa amin--"

"I want YOUR answer. As in yung saloobin mo lang.. walang 'namin', 'amin'. Yung sa iyo lang ang gusto kong marinig."

"Okay.. to be honest, hindi ako agree. Hindi ko alam kung tama bang sabihin mo o kung tamang hindi rin. Kapag sinabi mo kasi.. hindi natin alam kung maniniwala sila agad-agad o baka magalit sila at sabihing niloloko natin sila. Mga detectives ang mga iyon Kayla, they won't buy that easily, lalo na at usapang supernatural na ito at hindi naniniwala ang mga pulis sa mga kathang-isip or superficial lamang.. no offense."

"Of course, no offense taken. Continue." Napabuntong-hininga muna ako bago ulit sumagot. Sa totoo lang mahirap magsalita ng basta-basta. Kailangan maingat para hindi ko masaktan si Kayla, at the same time she can understand my point.

"Iyon nga, isa pang dahilan.. " nakatingin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Saktong nasa tapat na kami ng bahay nila ng huminto kami at hawakan ang kamay niya kaya nalipat ang tingin niya sa mga magkahawak naming kamay. "Ayokong masaktan ka sa magiging reaksyon nila. Hindi maiiwasan na may masabi silang makakasakit sa iyo, mga nakakainsultong tawa o kung ano pa man."

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon