Chapter 73 (Part 2)

4.2K 115 9
                                    

Updated!! ....again. Haha!
Enjoy! 😂😂😄😄

***

KASALUKUYAN

RODNEY

Nag-angat ako ng tingin sa tumapik sa balikat ko.. si Thomas.

Kanina pa kasi ako nananahimik, simula nung dumating kami dito sa bahay ni Pran.. pagkatapos magsalita ni Kayla kanina at ang tuloy-tuloy na pag-iyak niya ay kinabahan kaming lahat nung nawalan siya ng malay-tao. Natutulog lang naman pala siya. Sobra-sobra ang kaba ko doon pero nakahinga na rin ako ng maluwag nung malamang nakakapagpahinga na siya.

Nandun siya ngayon sa guest room ng bahay ni Pran at kasalukuyan siyang inaasikaso ng doktor na tinawagan pa ni Pran at personal na kakilala raw ng pamilya nila. Nagpapasalamat na rin ako dahil nandito at nakasuporta ang buong barkada at kaibigan namin.

.. except her cousin, Geo.

Umupo si Thomas sa tabi ko at inakbayan akong tuluyan.. naramdaman ko ang kabilang side kong may umokupa. Si Deniro.

"Ano pre, banatan ko na ba? Alam mo kasi matagal na kong nagtitimpi sa babaeng iyon eh. Hindi ako napatol sa babae kaya hahayaan kong si Pranny ko na lang ang gumawa nun!" Alam niyo na naman kung sinong tumatawag ng ganyan kay Pran diba?

Nailing-iling lang si Thomas sa tinuran ng isa pero bigla niya rin akong tinitigan ng seryoso. "He's right, dude. Kalokohan man ang sinabi niya--"

"Gago! Di kalokohan iyon, gwapo 'to!" Binato siya ni Thomas ng pillow na nasa likuran ng inuupuan namin na simpleng sinalag lang ni Den. Mga kalokohan ng mga ito.

"Walang konek iyon, ulol!..... Pero back to what I was saying.. hindi rin ako pumapatol sa away-babae pero konting kanti pa ni Laira, baka mawala ako sa huwisyo at masapak ko ang babaeng iyon. This is too much already. She is out of control.." Nagtitimping pahayag ni Thomas.

Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam nila na sang-ayon ako sa mga sinabi nila. What made her do this to us? To Kayla? Wala namang kasalanan sa kanya ang tao. In fact, ako ang may kasalanan sa kanya pero bakit kailangan pang umabot sa ganito? Gusto niya na bang may mamatay?

Gusto niya bang.. mamatay din ako, para lang masabing naiganti niya na ako sa pagkamatay ng kakambal niya?

"Wala kayong kasalanan, dude. Biktima ka, mas lalong biktima si Kayla. Tandaan mo yan." Bigla akong napalingon kay Den.

"Mind reader ka na rin ngayon?" I asked. Nagkibit lang siya at umalis na sa pagkakaupo at nilapitan ang nag-iisa at tahimik rin na si Pran.

"Hahaha.. ang gara ng isang iyon. Mukha siyang puro kalokohan ang alam pero may seryosong side pala. Cool." Natutuwang sabi ni Thomas. "Pero pre," ang bilis mag shift ng emosyon ah? Seryoso bigla eh. Kakakilabot sila ni Deniro. "Tama si Deniro, wala kang kasalanan. Sadyang narrow-minded lang ang babaeng iyon. I wonder why her brother is not doing anything to stop her insanely plans.. may kinalaman rin kaya si Liam dito?"

I doubted that. Alam kong galit si Kuya Liam sa akin pero hindi niya idadamay si Kayla o ang kahit na sino para lang pasakitan ako. He's not like that.. its not him to do these crazy and like he said.. insanely plans.

..

..

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon