Chapter 54 [Part 2]

4.6K 141 0
                                    

Continuation......

KAYLA/KAI

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang taong matagal kong iniyakan at the same time na-miss ko rin for six months ang nakita ko... tinitigan ko siya ng maigi at napansin kong may konti siyang facial hair sa baba at medyo namayat din siya dahil napatingin ako sa mga braso niya na nakapalibot sa bewang ko.

"R-rodney--"

"JEFFERSON!!! DUDE!!! JEFF---Uy ano iyan? Pictorial?"

Nung narinig namin iyon ay parang nabalik ako sa huwisyo at ako na ang humiwalay kay Rodney, nakita ko pa siyang parang nanlumo pero agad din nawala ito at napalitan ng isang ngiti sa labi.

Nilapitan siya ng isang lalaki na may dalang isang plastik ng kung ano habang kumakain ng isang malaking 'mang juan' na chichirya at tiningnan ako.

"S-sorry..." Nagulat ako sa salitang sinabi niya pero hindi ko na pinahalata at nakatitig pa rin ako sa kanya.

Hindi siya yung inaasahan kong Rodney na makikita ko. Inaasahan ko ay masayang Rodney ang makikita ko pero kabaligtaran iyon sa lahat ng naisip ko. Lalapitan ko na sana siya pero biglang may braso na pumulupot sa bewang ko.

"Sino siya, Kai?" It was Gello. Tiningnan ko si Rodney at nakabalatay na talaga sa mukha niya na nasasaktan siya habang nakatingin sa braso ni Gello na nasa bewang ko. Pilit kong tinanggal ang sarili ko sa pagkakahawak ni Gello at nagtagumpay naman ako. Magsasalita na sana ako ng maputol iyon ng magsalita yung kasama ni Rodney.

"Hey, Larry! We're back!!" Sabi nito at nilapitan rin siya ni Larry at nakipagyakapan pa dito.

Nasa likuran din pala yung iba.

"Larry, kilala mo sila?" Narinig kong bulong nung lalaki kay Larry. Masaya namang tumango si Larry sa kanila.

"Oo, pumunta sila sa bahay ngayon-ngayon lang eh! Hindi mo ba kilala si pres Mamilyn, tsaka si kuya Thomas, tapos si ate Berry.. ? Ka-schoolmate natin sila." Kwento ni Larry.

Kami naman parang nawala ang mga dila at hindi makapagsalita. This is awkward yet I am feeling good about this. Siyempre hindi ko lang inaasahan na magkikita kami sa ganitong sitwasyon at pagkakataon, pero masaya ako.

Malapit na naman kaming magkita dahil magpapasukan na rin pero ito na pinangunahan na kami ng tadhana.

"Kilala ko siyempre si Mamilyn, ang student org's president ng PSA, at tsaka kilala ko silang lahat dahil kinukwento sila ni Jeff--hmmmmmhmmmm" tinakpan bigla ni Rodney ang bibig ng lalaki.

Hmm.. so he told him about us?

Mukhang close sila ni Rodney, dahil tinatawag siya nito sa second name niya. Ayaw ni Rodney na tinatawag sa pangalan niyang yan eh.

"Daldal mo, bakla!" Napataas ang gilid ng labi ko sa sinabi ni Rod sa kasama niya. Napa-pout naman yung lalaki habang kumakain pa rin ng panibagong chichirya naman. They seem so close.

Sabagay, dahil sa akin kaya alam kong nagkasiraan ang friendship nila nina Mami eh. Tiningnan ko sila Mami at nakikita kong natutuwa sila kay Rodney. Malamang nami-miss na rin nila siya. Pero kailangan ko munang tapusin ang kaso ni Theresa bago ko ayusin ang talagang problema ko.

"Ehem.." Pilit kong kinuha ang atensyon nila at nagtagumpay naman ako. Sinadya ko rin kunin ang atensyon nila Rodney at nung bagong kaibigan niya na sa pagkakahula ko ay may alam na rin tungkol sa amin,.. sa akin.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now