Chapter 40 [Part 1]

4.9K 149 9
                                    

A/n: this is the last chapter... FOR THIS SEASON! Ibig sabihin niyan tapos na po ang SEASON 2. Another season will begin pero i'm not sure kung kailan ako mag-a-update for that, pero I'll work on it.. eventually.

But for now, read this Chapter and criticize all you want, judge all you want, basta alam ko ang ginagawa ko, after all, this is my own story. I can do what I want with my characters.

If you read the trailers, makikita niyo na yon sa last chapter na in-update ko. IF you're a true loyal reader. :)

So, enjoy guys! 😄😄😄😄

****

KAYLA

Two days had passed. Two days na rin akong hindi pinapansin ni Leira. After what happened sa sumasakit niyang ulo, na alalang-alala ako, parang wala lang nangyari. Balik ulit siya sa cold and silent treatment niya sa akin and sa totoo lang, I had enough of her giving the cold treatment kaya naglakas-loob na akong kausapin siya.

"Leira, yung totoo. What's wrong with you? Alam kong nagtatampo ka sa akin dahil lagi kitang iniiwan dito at.. at inaamin ko minsan nakakalimutan na kita at naiintindihan ko 'yon. Swear to God, naiintindihan kita. Pero may limitasyon rin ako. I had enough of your childish tantrums kaya please... tell me what the hell is your problem. I said sorry for so many times, hindi mo ba ako mapapatawad?" Medyo tumataas ang boses ko pero I tried to be as calm as possible.

Diretso akong nakatingin sa nakatalikod niyang bulto kaya nakikita ko ang dahan-dahan niyang pagharap at sa hindi ko malamang dahilan, kinilabutan ako at nagsitayuan ang mga balahibo ko. I also got nervous all of a sudden.

And Leira is not like the Leira that I used to know, matalas ang pagkakatitig siya sa akin, like her eyes is piercing my soul and she knows what's on my mind. Mas lalong kinilabutan ako ng umangat ang gilid ng labi niya at pinag-krus ang balikat sa harap.

Did she just smirked at me?

"Oh please, hindi ako magsasayang ng energy para lang sa walang kwentang bagay, Kayla." She said.

Naninibago ako sa pakikitungo niya at sa way ng pagsasalita niya. How she spat those words make me more nervous. And I don't know why I'm feeling like this.

Come on! Si Leira lang ito. My ghost friend!

"P-pero bakit hindi mo ako pinapansin o kinikibo man lang? Nandyan na rin si Feli kaya akala ko magiging okay ka na. Tapos hanggang ngayon, ganyan pa rin? Alam ko talaga galit ka sa akin pero hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo.. as in I don't know. I don't have any idea." Huminga ako ng malalim dahil sa haba ng sinabi ko. "Please Leira, sabihin mo naman kung paano ako makakabawi.. please.."

"Kapag sinabi ko sayo.. magagawa mo ba ang hihilingin ko?" Kahit hindi ko pa alam ay tumango na ako. I trust Leira. Alam kong hindi niya magagawang utusan ako na gumawa ng maling bagay. I know she loves me. And I love her too, not only as a friend but as my sister. Siya yung kapatid na pinagkaitan ako.

Naglakad palapit sa akin si Leira pero wala pa rin akong makitang emosyon sa mata niya. Nung one-step away nalang siya sa akin ay biglang pumungay ang mga mata niya na hindi ko maintindihan kung bakit. Parang... nagmamakaawa siya. Nung bumukas ang bibig siya at sinabi ang hinihiling niyang gawin ko ay parang tinarak ng daan-daang taga at itak ang puso ko. No... no.. she can't do this..

"Hiwalayan mo si Rodney Moore. Hiwalayan mo siya dahil hindi ko siya matatanggap para sa iyo. He's not good for you, Kayla."

Hindi ko alam ang tamang maging reaksyon ko sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit niya nasasabi ang bagay na iyon at hiniling niya pa sa akin and.. is it me or parang sa pagsabi niya ng pangalan ni Rodney, parang kilalang-kilala niya ito?

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon