Chapter 15

9.2K 276 7
                                    

As soon as we knew where ma'am Elissa's house is, kumaripas na agad kami papunta. Hindi na kami naghintay ng susundo sa amin at pinilit namin na isiksik ang sarili namin sa taxi na pinara ni Thomas. Pakiramdam ko nga nakukulitan na sa amin si Manong driver dahil demand sila ng demand na bilisan ang pagpapaandar eh. Ako naghihintay lang naman. No need to exert some effort.

Pero kaya ako tahimik dahil iniisip ko yung pinag-usapan namin kanina ni Rodney. Yung mga sinabi niya sa akin. I always tell myself that I shouldn't believe those words he said but I always think otherwise. Nawawalan ako ng isang salita dahil sa kanya. At hindi ko gusto ang nararamdaman ko everytime he's near.. hindi ko pwedeng maramdaman yun dahil hindi ako dapat naniniwala sa kanya. He can't fool me. He must not.

"Dito nalang po, manong..eto po bayad." Binigay ni Mami yung 200 na buo at agaran na kaming bumaba. Narinig pa namin yung sigaw ni manong ng sukli. "Keep the change, manong!"

Tumakbo na kami sa loob ng subdivision pero bago kami makapasok ay hinarang kami ng guard at tinanong kung may kilala kami sa loob. Tumango kami at nung makumpirma na may pangalan ngang Elissa Suarez sa subd. ay pinayagan na kami at tumakbo kami at hinanap ang number 35 sa mga gate.

We found it after almost 30 minutes.

"Hah.... hah.... hah..... doorbell niyo..." Hinihingal na sabi ni Mami. Pero wala naman ni-isa sa amin ang kumilos dahil nga hinahabol pa namin ang hininga namin. Ang layo ng bahay nila ma'am, parang pinakadulo na nga ata ito ng subdivision.

"Ma'am, sasakay po?" Napalingon ako sa nagsalita. May medyo katandaan na lalaki na nakasakay sa tricycle. Great.. just great. Para kaming tangang tumakbo ng pagkalayo-layo, meron naman palang nagbi-byahe ng ganito dito.

"H-hindi po manong.. salamat nalang po." Magalang na sagot ni Mami, kaya agad na umalis yung tryk.

Nung maayos na kami at hindi na masyadong pagod at nahahapo ay lalapit na sana kami sa loob pero bago pa ako makalapit ay may parang ingay ako na narinig sa loob. Like someone's crying.. a girl's voice.

Si ma'am Elissa yun! Baka may nangyari!

"Si ma'am Elissa, umiiyak siya, narinig ko. Baka may nangyaya---" naputol yung sasabihin ko.

Hinarap ako ni Leira. "Hindi siya umiiyak, Kayla.. At wala rin nangyayari sa loob na masama... pero right on time tayo para pumasok. Andun na rin sa loob si Abbigail at naghihintay sa atin." She said.

I whisper my thank you to her and I was about say to eveyone that we need to hurry but no need to do that. Kasi naunahan na nila ako at nag doorbell na sila. The first person that I saw from the inside is a man.. he's familiar..

"Y-yung teacher yan dun kanina ah?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Thomas habang nakatingin siya kay Rodney. Tumango naman yung isa. Binuksan nung lalaki yung gate.

"Sino kayo? Pasensya na pero may mahalagang pinag-uusapan kasi--" hindi na siya pinatapos ni Mami at bigla-bigla nalang silang tatlo pumasok. "S-sandali nga! Hoy bakit kayo pumapasok jan!"

"Students kami from Pacific Scott Academy. Teacher namin si Ma'am Elissa.." Ako na ang sumagot. May sasabihin pa sana siya pero pumasok na rin akong tuluyan sa loob at naramdaman ko naman na sumusunod siya.

****

Nakaupo kami ngayong apat sa couch at nakaharap sa amin ang lalaki na napag-alaman kong ang pangalan ay Lenard Cervantes. He's familiar because he's the same man that Abbigail told me earlier. Siya rin yung fiancee ni Ma'am Elissa. Nagulat nga kami nung nalaman namin. Kasi ang pagkakaalam ng lahat ay walang boyfriend o asawa si Ma'am pero maraming nanliligaw dito. Akala ko ayaw lang niya noon na magkaroon ng karelasyon dahil sa profession siya.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon