Chapter 53 [Part 1]

4.4K 142 1
                                    

GELLO

Hindi ako mapakali at palakad-lakad sa loob ng kwarto ko habang iniisip ko yung pupuntahan namin bukas. Napag-desisyunan kanina na pupunta ang iilan lang sa amin sa ****** town, isang squatter's area na malapit lang sa Pacific Scott, mga dalawang streets bago mo marating iyong lugar na iyon.

Kinakabahan ako para sa aming pupunta doon, kasama kami siyempre ni pareng Tom, si Kayla, na ayaw ko sanang sumama pero gaya nga ng sabi niya siya ang natatanging connection namin sa kaluluwang si Theresa, kaya wala akong nagawa kundi pumayag, si Berry din sumama at saka si Mamilyn. Hindi na sumama ang iba pero itetext or tatawagan nalang namin sila para alam din nila ang nangyayari.

Siyempre ako, given na, na tawagan ko si K ko. Mag-aalala yun eh.

Weh? Parang hindi naman..

Oo nga, mag-aalala iyon, mahal na mahal ako nun eh! Obsess iy-- *CELLPHONE RINGING*

Naputol ang iniisip ko nung marinig ko ang malakas na phone ko sabay kinuha agad ito. "Sino naman kaya ang istorbo?" Hindi ko na tiningnan at pinindot ko ang answer button. "Hello, sino 'to?"

"It's me."

"Wala akong kilalang 'its me' ang pangalan."

"Gigilitan kita ng leeg buk--"

"Hahaha! K my honey, baby! Ikaw pala yan, hahahaha" narinig ko siyang nag-tss, halatang nagpipigil ng pagkaasar. Hinintay ko lang muna siyang magsalita sa kabilang linya, wala akong narinig ng ilang minuto galing sa kanya.

"Noob." She said. Napangiti nalang ako.

"Bakit, mahal?"

"Tsk.. baduy mo, noob." Mahina naman akong napatawa habang humiga sa kama ko at ni-loudspeaker ko nalang yung tawag para maipatong ko sa tabi ko yung phone. "Tinawagan kita dahil alam kong mag-aalala ka bukas sa pinsan mo.." She added. Sabi na nag-aalala ito eh.. kaso kay Kayla lang.

"Hindi ka ba nag-aalala sa akin? Kasama kaya ako doon!" Tumagilid ako ng higa at tiningnan ang phone ko na parang katabi ko lang si K.

"Noob talaga.." Bulong niya pero narinig ko. "Tatawag ba ako kung hindi ako nag-aalala sa kanya... tss.." I smiled when I heard what she murmured. Akala niya siguro hindi ko narinig.

"Akeyla..."

"What?"

"I love you." Wala akong narinig na boses pero hindi pa naman naka-off yung tawag. "Don't worry, iingatan ko si Kayla at siyempre mag-iingat din ako... alam ko namang hinihintay mo pa ako, mahal ko." Katulad kanina wala akong narinig na boses sa kabila. Na-speechless na ata siya? Kung ganun nga, that's rare. Bakit? Kasi minsan lang siya natatahimik sa mga sinasabi ko... madalas kasi may pang-counter attack siya sa kin eh. Parehas sila ng pinsan ko na pilosopa at nambabara.

"Mahal? Honey bunch? Nanjan ka pa ba?"

"I love...*toot*toot"

"Uy K, asan ang YOU? Tss.. nahiya pa." Humiga na ako ng maayos at ipinatong ang kamay ko sa noo ko at nakatingin sa kisame na wala namang espesyal na nandun.

Hanggang sa hindi ko na na-kontrol ang antok ko.

****
kinabukasa....

KAYLA

"Nandito na tayo." Agad na bumaba kami sa malaking van ni Thomas at tiningnan ko muna ang lugar. Nagtataka akong lumingon sa kanya.

Malayo pa ito sa mismong lugar, kaya malamang na magtaka ako.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon