Chapter 76: Pagtatapos (Last part)

4.4K 128 3
                                    

A/N: Sorry for the long wait~

****

[KINABUKASAN]

THIRD PERSON's POV

Lahat ng mga tao sa Pacific Scott Academy, sa malaki at malawak na gym kung saan ginaganap ang mga gatherings o mga celebrations sa school, lahat ay pawang naiinip na naghihintay sa isang tao. Mostly mga magulang ng mga estudyante ang nandun at kasama rin ang kanilang mga anak na handang mag-protesta sa pagpapaalis sa grupo nila Kayla sa PSA. Lahat ay parang mga bubuyog kung magbulungan at wala kang ibang maririnig kundi ang galit at disappointment ng mga magulang sa Akademya na pinapasukan ng mga anak nila.

Lahat sila ay nanahimik at napatingin sa entablado nang makitang dumating na ang taong hinihintay nila.. si Laira Scott, ang tumatayong principal ng school. Kasama niya ang kapatid na si Liam Rave Scott.

"Good morning parents and students." Panimulang bati niya. "Alam niyo na siguro ang magiging takbo ng usapan sa meeting na ito, tama ba?" Um-oo naman ang mga magulang na ikinangiti ng babaeng Scott. "Well then.. lets start this meeting."

Nag-ingay bigla ang mga magulang at isa lang ang isinisigaw at hinihiling nilang mangyari.. iyon ay ang mapaalis ang mga estudyanteng magdadala 'raw' ng kamalasan sa kanilang mga anak at ang mga 'nababaliw' na mga estudyante, at kung anu-ano pang masasakit na katawagan sa grupo ni Kayla. Tila nasa isang pagtitipon ng protesta ang mga tao na nag-iingay at nagkakasundo sa gusto nilang mangyari.

Sa lahat ng ito ay nakangiting matagumpay lamang si Laira, tila natutuwa siya sa mga sinasabi ng mga magulang at estudyante samantalang kabaligtaran niya ang nararamdaman ng kapatid pero wala itong magawa dahil ayaw niya rin na mai-stress ito at magalit dahil baka may magawa itong mas mapapasama sa iba.

Alam ni Liam na may problema na sa pag-iisip ang kapatid niya at gusto niya na itong dalhin sa New york para doon mag-rehab at magpagaling.. alam niyang mas lalong naapektuhan ito nung magkahiwalay ang mga magulang nila at ang palagi pang pag-aaway ng mga ito simula ng mawala ang kapatid nilang si Leira. Pero sinabi sa kanya ng doktor na pinagkonsultahan niya kay Laira na huwag raw itong biglain, na huwag biglain ang pagsabi dito na tigilan nito ang mga gustong gawin dahil baka mas makaapekto pa sa kalagayan nito. Pero kailan pa nga ba siya kikilos? Kapag malala na ang lagay ng kapatid niya? Dahil hindi na tama ang ginagawa nito.

Napatigil lamang siya sa pag-iisip at napansin niya ring natahimik ang lahat ng may ilang tao ang umakyat sa entablado na kinatatayuan nilang magkapatid. Agad na napuno ng ingay galing sa mga magulang at estudyante at ilang mga bagay na ibinabato sa kanila sa entablado.

"Oh, what a surprise.. magaling ka na pala?" Hindi naman umimik ang kinausap ni Laira na si Kayla na nakaupo pa rin sa wheelchair dahil mahina pa ito, si Rodney naman ang nagtutulak dito at nasa likod nila ang iba pa.

****

RODNEY

Hindi ko gusto ang naging plano ni Kayla na magpunta dito sa meeting. Nagsisisi tuloy akong sinabi ko pa sa kanya ang mangyayaring meeting ngayon kung saan pag-uusapan na ang tungkol sa pagpapa-expell sa amin dahil sa walang kwentang kasalanan na hindi ko nga alam kung talagang kasalanan nga ba. Kasalanan ba ni Kayla na nakakakita at nakakausap niya ang mga multo? Kasalanan bang tumulong ?

"Laira, please stop this nonsense--" nahinto sa pagsasalita si Berry nang biglang binato ni Laira ang microphone na hawak niya. Naglikha ito ng malakas na tunog na nakakabingi kaya't napatakip kami sa tenga.

Galit na galit ang matang tiningnan kami ni Laira. "Nonsense? Tama ba ang dinig ko.. NONSENSE?! Hah!" Unti-unti kaming nilalapitan ni Laira, tinitingnan niya kaming lahat at para bang lalo siyang nagagalit lalo na sa direksyon namin ni Kayla. Nakita konrin si Liam na gumalaw at lumapit sa likuran ni Laira at nag-aalangan pa kung pipigilan o hindi. Tangna, ba't di niya pigilan ang kapatid niya?! Hindi na tama ang ginagawa ni Laira tapos parang kinokonsinti niya pa!? The fuck! Ganun ba talaga kalaki ang galit nila sa akin sa kasalanang hindi ko naman ginawa!? Naaksidente si Lei pero parang ako ang pumatay sa kanya sa ginagawa nila eh.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now