Chapter 71 (Before what happened:1)

3.6K 101 4
                                    

Sorry po sa late na update! :)

Dine-dedicate ko ito sa lahat ng readers at iyong super effort na pinu-push akong mag-update na. Haha! Sarreh guys, may sakit ako eh.. Katamaran. Pero para sa inyo... blah blah blah. Hahaha! Basta alam niyo na iyon! 😊😊😂😂✌🏻️✌🏼✌🏽

***

(Before what happened-Part 1)

"Gusto kitang makausap, Geo." agad kong bungad matapos niya akong buksan ng pinto sa kwarto niya.

Agad niyang nilakihan ang bukas ng pinto kaya pumasok ako at diretso upo sa sofa na nasa loob. Umupo naman siya sa gilid ng kama kaharap sa akin. Nung una walang nagsasalita sa amin, para bang pati siya malalim ang iniisip at aware ako sa maaaring dahilan.. maybe because of his relationship with Laira.. Leira's twin.

"Geo--/Kai--" nagkasabay pa.

"Mauna ka na. Mukhang urgent ang sasabihin mo eh." Nasabi ko nalang. Nakayuko at pinaglalaruan ang dulo ng damit ko. Maya-maya narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Alam mo na. Alam mo ang totoo, Kai." Sa pagkakataon na iyon, nilingon ko na siya. Diretso sa mata niya at nakikita ko doon iyong kasiguraduhan.

Marahan akong napatango. "Matagal na.. anong silbe na may kaibigan akong kaluluwa na makulit at tsismosa." Tiningnan ko si Leira, na kanina pang nasa gilid ko, na inirapan ako at nag-pout na parang nagtatampong bata. Talaga naman..

"Yeah.. Leira, her twin. How can I not know that? I'm such an idiot."

"Oo, tanga ka. Pero kahit na tanga ka, alam kong hindi mo gagawin ang mag-traydor sa mga kaibigan. I knew that very well because you are my closest cousin in our lot." At kilala kita, Geo.

He chuckled at napasapo pa sa dibdib niya na parang nasaktan. "Ouch naman, talagang doble at may diin pa iyong 'tanga' eh no?" Nagkibit-balikat lang ako kaya natawa na naman siya. Atleast, nawala na iyong awkwardness namin kanina. "Pero Marien,"

"Wow, its been awhile since you called me by that name huh..?" Singit ko sa sasabihin niya. Nginitian niya lang ako.

"Pero iyon nga, nagalit ka ba sa kin? Ayos lang naman kung oo, tanggap ko naman. Ginawa ko lang naman iyon para--"

"Para saktan rin ang taong nanakit sa kin non, which is Rodney, right? I knew that." Napatikom siya.

Nanahimik na naman kami ng matagal..

"S-sinabi mo na ba.. sa kanila?" He asked. Umiling ako. "Even K?" Hindi ako kumibo. "So she knew already. Kaya pala lately, napapansin ko ang pagiging aloof niya lalo sa akin."

"Hindi ko iyon sinabi sa kanya.. apparently, nakita ka niya sa PSA na kausap si Laira nung isang araw. Dalawa sila ni Mamilyn ang nakakita at nakarinig ng pinag-uusapan niyo.. kung anuman iyon." Hindi siya kumikibo at nakayuko lang. Nagtuloy naman ako sa sinasabi ko. "At kahapon nung nasa Music room ka ng PCA, narinig ni Pran ang usapan niyo sa cellphone ni Laira. Though hindi niya alam na si Laira ang kausap mo.. but sooner or later, malalaman niya na rin iyan."

I don't know either if I should tell this to everyone.. lalo na kay Rodney. Alam kong magagalit siya sa pinsan ko at ayoko naman na mangyari iyon. Pero sa ginagawa kong pagtatago, alam kong nagiging unfair ako sa kanya.. at kapag nalaman niya pa sa iba ito.. baka magalit siya sa akin. Ayokong mangyari iyon. Kakaayos palang ng issue namin, tapos magkakaaway na naman kami? Masasaktan na naman kami.

Kaya napag-desisyunan kong sasabihin ko sa kanilang lahat. At dapat kasama ko itong isang 'to.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Nakatingin na pala ako sa kanya kanina pa.

"Bukas, sasabihin mo sa kanila ang lahat, Geo. Be a man and face the consequences of what you did." I said with finality in my voice.

"Kahit di mo sabihin yan, I've decided to tell them already."

"Mabuti. Sige na, papasok pa tayo ng maaga bukas. Good night."

Palabas na sana ako sa room niya ng pigilan niya iyong door na bumukas kaya napaharap ako sa kanya na magsasalita na sana kaso niyakap niya ako.

"Sorry, Marien. Sorry.."

"Tss. Wag ka ngang ganyan, di bagay. Tsk." Tinapik-tapik ko iyong likod niya. Naramdaman kong napatawa siya.

"And there goes my sarcastic cousin. Haha!"

Ako na ang humiwalay sa yakapan at binigyan ko siya ng isang ngiti at lumabas na ako. Dumiretso na ako sa kwarto kung saan naghihintay si Leira sa kama ko. With a sweet smile on her face.

"Uuuyyy.. ang sweet ni pinsan. Wihihi~" inirapan ko naman siya ngayon at pabalibag na humiga sa kama. Naramdaman ko ang pananayo ng balahibo ko sa batok kaya alam kong nasa likuran ko siya. At inaasar pa rin ako.

"Stop, Leira. Para ka talagang bata."

But Leira's right.. may sweet bones pa pala akong natitira kahit na cold and emotionless ako.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon