Chapter 55

4.6K 128 4
                                    

A/N: Happy 2016, once again!!
Isa pang paalala. Lahat ng mga nakasulat na information o kung anuman na business names ay kathang isip lamang po. Fictional place, business, etc. 😀😀

"Whatever you do or doing, always put your heart to it." -MC

****

DENIRO/DEN

"Hello."

Ang cute pala niya.. ooops! Hindi siya pwedeng hangaan kundi may magagalit. Hihi~

Ngayon ang unang araw ng panibagong sem sa ibang regular students pero ito naman ay continuation lang ng sa aming dalawa ni Jeff. Pero iba ngayon. May bago na kaming makakasama eh! Hulaan niyo nga, guys?~

"Your name?" Nakangiting ani ng aming guro. Whoa! Makata ako doon ah! Hahahaha.

I heard our new classmate tsked before she stated her name.

"Kayla Marien Fuentes." At talagang pangalan niya lang talaga! Bastos. Hahaha.

Naiiling nalang na itinuro ni prof Jeron ang uupuan niya, which is beside Jefferson, na mabilis niya naman pinuntahan at tahimik na nakinig na kami sa lesson namin for today. I looked secretly at Jeff and I noticed a different side of him. A happy and inspired Jefferson that I never saw before. Not even once.

I'm happy for you, my pal.

"Tss.... Deniro....." Oh? May tumatawag ba sa kin?

Agad na iginala ko ang mata ko at nakita ko ang prof namin na parang may pinipigilan, based from his expression. Nginitian ko lang siya pero bakit ganun? Parang nagagalit na yung hitsura niya?

"Prof Jeron, bakit po kayo nagagalit?" I dared asked. Bigla siyang nawalan ng emosyon at ang hindi ko nalang namamalayan ay may pentel pen na lumilipad na papunta sa.... sa akin!? SA NOO KO!!!!!!

"Ouchy!...prof!" Sinapo ko ang natamaan kong noo. Sapul na sapul sa gitna eh! Sigurado magbubukol to o kaya magpupula.

"Ano!? Tsk, tsk..ikaw na bata ka.." Umiiling-iling pa si prof tapos tiningnan ako bigla ng may galit talaga. "MAKINIG KA SA PINAG-AARALAN KUNG GUSTO MONG MAKA-GRADUATE!!" Sigaw niya. Gulat na gulat naman ako, sabay napatingin sa gilid ko, sa bandang kaliwa kung nasan sina Jeff at si Kayla, na parang nagpipigil matawa.

Ang mean nila!!

Yumuko nalang ako sabay mahinang sambit ng "makikinig na po.."

Mabilis lang rin ang klase at pagtapos iniwan na kami ni prof.

"Deniro, ipapakilala kita ulit kay Kayla.. Kayla, si Deniro." Nginitian ko si Kayla pero nag-angat lang siya ng gilid ng labi. Can I consider that as her smile? "Um, si Den, a-alam niya yung..." Hindi na naituloy ni Jeff kung ano pa ang sasabihin dahil talagang ngayon, ngumiti na si Kayla.

Ngiting parang alam na niya ang sasabihin ni Jeff. Ang cool!

"I know. From the moment I first saw you with him, alam ko na at nagkasuspetsa na ko." Naging alerto ako bigla at medyo na-conscious nung pinukol sa akin ni Kayla ang mga mata niya. A-ang lamig bigla ng nararamdaman ko... ang cold ng pagkakatingin niya eh. Pero mas gusto ko siya for Jeff kesa sa Delu-gf niya ngayon!

Speaking of that girl, muntik ko na siyang makalimutan! Ano nga palang gagawin ni Jeff tungkol sa Laira na iyon?

"Huwag kang mag-alala, Kayla. Mapagkakatiwalaan naman yan si Den, m-medyo babakla-bakla nga lang at.. matakaw."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now