Simula

1.3K 33 6
                                    

"Huwag kakain sa ibang bahay na hindi kakilala!"

"Opo, Ma!"

"Yes po, Auntie!"

Tumakbo kami ng mga pinsan ko para makisaya sa fiesta dito sa aming probinsya. Napakaingay at masaya. Masasabi kong mas ayos pa dito kaysa roon sa mga cities. Puro mga nasa bahay kasi ang mga kaedaran ko at panay lang cellphone or computer. Dito sa probinsya, karamihan ay nasa labas at nagsasaya, mga mababait pa ang karamihan.

Mabuti na nga lang at nasa pamilya na namin na kinakailangang manirahan sa probinsya ng mga kamag-anak sa itinakdang araw na ibinigay sa kanila. Iyon daw ang pamahiin at kasabihan sa pamilya ko.  Hindi ko nga maintindihan kung bakit. Ewan ko talaga, hindi ko magets ang pamilya namin.

"Bakit hindi pwede kumain sa ibang bahay, boi?" Tanong ng pinsan kong si Ken sa pinsan pa naming si Rica at Roy na dito na talaga sa aming probinsya nakatira simula pa bata.

"Bawal 'yon, t4nga! Haha, baka makulam daw..." Tumawa si Roy. "Kailangan natin sundin 'yon, yari tayo kila Auntie lalo na kila Lola..."

Tumawa si Ken. "Malay mo masarap pagkain!" Pagbibiro niya.

Umiling si Rica at pinal na nagsalita. "Bawal talaga..."

Ramdam naman sa presensya na seryoso sila kaya tinapik ko si Ken at tinanguan. "Sundin mo nalang..."

"Naniniwala ka rin, Cinco?" Ngumisi siya.

Tumikhim lang ako. "Mahalaga raw mga pamahiin at kasabihan sabi ni Mama e. Mahirap na..." Seryosong usal ko.

Sa totoo lang, wala akong mashadong alam sa mga pamahiin at kasabihan pero bata palang ako, sinasabihan na ako ni Mama about diyan lalo na't nasa pamilya na namin 'yon. Kailangan naming sundin. At isa pa, dahil na rin sa dala ng takot, tinatatak ko 'yon sa isip ko para na rin maging ligtas at respeto sa gusto ni Mama. Wala namang mawawala.

"Ang saya! Dito na kayo titira! Magbonding tayo lagi!" Ngumiti ng malawak si Rica at inakbayan ako. 

Gumatong naman ang kapatid niyang si Roy. "Oo nga e. Yung ibang pinsan yata natin, next year pa rito uuwi..."

"G lang 'yan!" Sang-ayon ni Ken habang nakaakbay kay Roy.

Biglang nahaplos ni Rica ang buhok ko dahil sa pagkakaakbay niya kaya nilingon niya ulit ako habang naglalakad kami. "Ganda mo na talaga, Cinco. Naku, haba pa ng buhok mo at sobrang madilim..."

Humalakhak si Roy. "Ingat ka, Cin. Dito sa probinsya, maraming elemento, baka maamoy karisma mo..." Humagalpak ng tawa si Roy kaya sinimangutan siya ng kapatid na si Rica.

"Ano ba, Kuya? Hindi 'yan!" Tinanggal ni Rica ang panali sa buhok na nakalagay lang sa palapulsuhan niya at inabot ito sa akin. "Itali mo nalang muna buhok mo..." Utos niya kaya sinunod ko nalang.

Expected ko na 'to dito sa probinsya. Sinabihan rin ako ni Mama na marami talaga kaming pamahiin kaya kapag may sinabi silang bawal-bawal, sundin nalang daw. Mahirap na. Hindi ito pwedeng balewalain dahil mahirap makalaban ang mga lamanglupa.

"Uy! Rica! Roy!" May sumalubong sa amin na isa ring binata. Mukhang kaedaran lang rin namin. "Sino?" Sinenyasan niya kami ni Ken.

"Ah, pinsan namin kakauwi lang. Sila Ken at Cinco..." Pakilala sa amin ni Roy. "Si Gerard..." Pakilala naman niya sa lalaki.

Along with the EntitiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora