Kabanata 35

490 16 0
                                    

CINCO'S POV

Pagdating ng linggo, wala naman ng ibang nangyari. Hindi na rin nagpakita si Erro at walang kahit na anong presensya niya kaya naging tahimik ang araw ko na 'yon.

Sa pagtapak ng lunes, pagpasok palang sa school, maingay na. May kung ano-anong patugtog na dumadagundong sa buong school. Nagkakalat na rin ang mga estudyante na paligid na puro masaya at excited ang mga mukha. Kaliwa't kanan rin ang mga pampaganang fairs tulad nalang ng mga booths, mga palaro, at kung ano-ano pang activities that lined up for the occassion.

So, this is institute's day, student's day, and teacher's day which is the FOUNDATION DAY. Isang bonggang event na ipagdiriwang ng lahat.

"Ngayon ko lang napagtanto na malaki pala talaga yung school, grabe daming tao." Komento ko nung kakapasok palang namin ng gate ni Rica.

Tumawa siya. "As in, diba? Haha, wala pa 'yan. Sure ako marami rin 'yan sa likod at lalo na sa batibot." Sabi ni Rica at hinila ang palapulsuhan ko. "Puntahan muna natin si Ken."

Hindi ako nagreklamo at sumang-ayon nalang. Maaga kasing pumasok yung dalawa dahil nga both silang may hinahandle sa school. Si Ken ay sa basketball, habang si Roy naman ay nire-ready ang stall food na naisipan ng section nilang gawin.

Pagpunta namin sa court, marami-raming nanonood pero mabuti nalang at naabutan namin ang time-out kaya nakausap pa namin si Ken.

"Hintayin niyo na ako. Patapos naman na 'to. Bibigyan daw kami ng oras ni coach para sa foundation day." Ani Ken. "May hihiram rin ng court ngayon para magpractice so, may oras kami."

"Sino hihiram? May laban ba basketball ngayon?" Ani Rica.

"Mga ibang department. Alam ko walang laban ang basketball ngayon, next day pa. Ang may schedule ngayon e yung volleyball at yung swimmers." Sagot ni Ken.

Malaki talaga ang school. May sariling gym ang basketball at volleyball. Sa Foundation Day ngayon, may mga kompetisyon ang mga students para maparangalan ang kanilang departamento. At kung hindi ako nagkakamali, iyon na ang intrams. Pinagsabay na kasi ngayon dahil may paghahandaan pang ibang event sa mga susunod. But, nevertheless, maganda naman. Sang-ayon ang lahat.

Ang Intrams kasi ay open sa iba't ibang students regardless of their skill level but every department lang. Mas mabibigyan sila ng chance na ipakita ang kanilang galing at mae-enjoy ang paglalaro, for experience na rin. Hindi naman 'yan Interhigh na makakalaban ang iba't ibang school kaya no pressure, enjoy lang talaga.

"So, may oras ka samin?" Tanong ko.

Tumango si Ken. "Oo, gusto ko ring manood ng dance competition."

"Ay, oo nga 'no? Meron pala ngayon. Grabe, ang daming ganap." Napasapo si Rica ng noo. "Gusto ko sanang panoorin lahat pero may magkakasabay huhu."

Humalakhak si Ken. "Ang on-going ngayon e yung swimmers at chess. Marami tao ron ngayon, mamaya pa naman yung volleyball. After non, last ang dance competition. Tas, repeat ulit sa next day." Paglilinaw niya pa.

Ngumuso si Rica. "Okay."

Tinawag na si Ken ng kanyang coach kaya hinatid kami ni Ken sa upuan ng team nila para hintayin siya. Mabilis lang rin naman ang laro nila dahil huli na, after non, pinayagan na silang umalis kaya tinakas na namin si Ken para puntahan ang stall nila Roy.

"Ey, tindero for today's video." Pang-aasar ni Ken nung makarating kami sa stall ng section nila Roy. Hindi naman sila HRM pero since walang sumali sa department nila sa kahit anong event, inatasan sila na magtayo ng stall for students.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now