Kabanata 8

508 16 0
                                    

CINCO'S POV

"Hindi mo sa akin sinabi na may gwapings kang kikitain dito..." ani Rica nung kalabitin niya ako.

Nanlaki ang mata ko. "N-Nakita mo siya?" Gulat kong tanong.

"Oo, natanaw ko. Nakahoddie na blue, diba? Ikaw ah..." Pang-aasar niya pa. "Kaya lang umalis agad e. Sino 'yon? Jowa mo?" Humagikgik siya.

Bumusangot ako at umiling. "Hindi 'no. Kung nakita mo siya edi dapat alam mong engkanto 'yun..." Suway ko at nagsimulang maglakad pabalik sa amin.

"Anong engkanto e ang gwapo nun." Aniya pa at sumunod sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinasabi niya. "Hindi mo ba nakita? Madilim lahat ng mata niya. As in kulay itim, hindi mo nakita?"

Humalakhak siya. "Sabi ko sayong natanaw ko lang. Atsaka anong madilim ang mata? Baka naka-contact lense?"

Tinampal ko siya. "Tumigil ka nga, Rica. Engkanto nga yun, ano ba?"

Suminghal siya at inilingan ako. "Mga pangit ang engkanto, Cinco. Atsaka, hindi nagpapakita sa kung sino-sino 'yun. Okay pa sana kung ikaw lang nakakita, e pati ako nakita ko e." Rason niya. "O sige, sabihin na nating nagpakita sa atin, pero para saan? Wala naman tayong ginagawang masama." Bumuntong-hininga siya. "Magtapat ka nga sa akin, Cin. Tinatago mo ba ang lalaking yun sa amin? Boyfriend mo ba? Gumagawa ka ng palusot-palusot na engkanto e, tirik na tirik ang araw kaloka ka."

Umiling-iling ako.

Tuluyan na kaming nakalabas ng gubat at hindi ko pa rin siya sinasagot. Parang siya pa ang sarado ang isip sa ganito e alam kong mas marami siyang alam na pamahiin at kababalaghan dito sa amin. Pero sabagay, hindi ko naman talaga siya masisisi dahil parang mahirap paniwalaan. Mukha talagang normal na tao ang maligno na yun.

Dumiretsyo ako sa kubo at umupo. Bumuntong-hininga ako dahil nananakit ang ulo ko sa sinabi ng engkanto na yun at ang pangungulit ni Rica.

"Anong pangalan?" Tanong niya ulit nung makaupo sa tabi ko.

Inirapan ko siya. "Erro raw ang itawag ko."

Bigla niya akong tinampal sa hita. "Oh, sinungaling ka! Ang mga engkanto ay hindi nagbibigay ng pangalan. Alam mo kung bakit? Kasi kapag nalaman mo ang pangalan nila, maari mo silang manipulahin. Kaya mong kontrolin ang engkanto na yun. Ganon ang sabi ni Lola!" Pangaral niya sa akin.

"Ganon?" Tumaas ang kilay ko. Hindi makapaniwala.

"Oo! May pa-engkanto-engkanto ka pa diyan! So, ano mo nga 'yon? Tinatago mo sa amin 'yan ah..." Pamimilit niya pa.

Bumuntong-hininga ako at inis siyang tinignan. "Seryoso, Rica, engkanto 'yon. Maniwala ka sa akin. Ke'bago-bago ko dito sa probinsya, magkakaroon ako agad ng boyfriend?" Matigas na sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya at bahagyang natigilan.

Tumahimik siya at parang napaisip. "Seryoso ba? Engkanto 'yun?" Kalmado at mas seryoso niyang tanong.

Tumango ako. "Ang totoo, nung nahimatay ako sa gubat, siya ang huling nakita ko. Siya rin yung napanaginipan ko nung namatay si Gerard at siya yung sinasabi ko sa inyong bumati kay Uno."

Hindi agad nakapagsalita si Rica at parang nag-iisip. Naguguluhan niya akong tinignan kalaunan. "E, nung pinatawas si Uno, okay lang daw siya. Walang nakitang entity ang mangtatawas."

Inis akong suminghal. "Hindi ko alam... hindi ko alam. Basta maligno siya..." Seryoso at pinal kong sabi.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Rica at hinagod ang likod ko. "Alam mo, Cin. Baka naninibago ka lang sa mga nangyayari rito sa probinsya dahil hindi ka sanay. Maraming pamahiin at kasabihan dito pero hindi palagi. Huwag mong ilunod ang isip mo sa mga elemento na 'yan. Tignan mo... napaparanoid ka na." Hindi ako sumagot kaya bumuntong-hininga siya. "Naniniwala ako sa mga sinasabi mo. May mga ganito naman talagang nangyayari pero huwag mo sobrang isipin ang mga ganyan bagay... naapektuhan na ang isip mo."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now