Kabanata 30

484 13 0
                                    

CINCO'S POV

"Mashadong makasalanan ang bibig mo, dapat dinidisiplina ang tulad mo." Matigas na sabi niya.

Madilim ang presensya niya na halatang hindi natutuwa. Masamang-masama ang tingin niya sa akin na para bang may napakalaking kasalanan talaga akong nagawa. Pero, anong magagawa ko? Ekspresyon ko lang naman 'yon ng pagkagulat. Hindi ko naman sinadaya dahil kusa 'yong lumabas sa bibig ko.

Magrereklamo na sana ako pero narinig ko ang sigaw ni Rica.

"Cin!" Sigaw niya habang humahangos na tumatakbo papalapit sa akin. Halata sa mukha niya ang kaba at takot. Hindi maipinta ang mukha niya at talagang pinagpapawisan siya.

Nung maabot ako ni Rica, lumitaw naman si Simon sa tabi ni Erro at may ibinulong.

Hinila ako ni Rica. "Mga maligno 'yan!" Asik niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "O, ano? Alam mo na? Sabi ko sayo e, hindi ka naniniwala. Paano mo nalaman ngayon?" Kalmadong tanong ko.

Lumunok siya habang masama ang tingin kay Simon at Erro. "Lumitaw si Simon sa kwarto ko!" Amin niya. "Last time kasi, nag-usap kami tapos diba naputol 'yon kasi nga hinila mo ako? Ngayon, bigla siyang lumitaw sa kwarto ko tas tinatanong yung kasunod ng usapan namin! Nagulat talaga ako léche!"

Tumawa ako. "Ayaw mo maniwala sa akin e. Mga impakto 'yan..." Nginuso ko pa sila Erro at Simon pero agad rin akong natikom dahil mas sumungit at nagalit ang mukha ni Erro.

"Jusq, nagbibihis ako tapos bigla siyang lumilitaw! Wala manlang consent!" Reklamo niya pa.

Tumawa ulit ako pero agad ring natigilan nung may maalala. "Nasabi mo ba kila Auntie 'to? Kila Roy? Kahit kanino?" Kabadong tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Hindi pa. Natauhan lang rin kasi ako sa sinabi mo. Nagsink-in lahat sa utak ko ang mga pamimilit mo na maligno sila then yung sinabi mo na bawal sabihin sa kahit kanino ang tungkol sa kanila dahil baka saktan nila ako." Napasapo siya ng noo. "Muntikan na nga akong magsumbong kay Kuya, mabuti nalang talaga naalala ko ang sinabi mo!"

Nakahinga ako ng maluwag at tumango-tango. "Mabuti naman. Kasunduan kasi namin 'yon." Nginuso ko ulit si Erro.

"Kasunduan?" Takang tanong niya.

Tumango ako. "May kasunduan kami kaya ko sila nakakasalamuha."

"Sila? Bakit?" Hindi agad ako nakasagot. Nilingon niya sila Erro ngunit napatingin siya kay Simon. Sumama ang tingin niya rito. "Crush pa naman kita! Dun ka nga!" Nagulat ako nung may hinagis siya kila Erro at Simon. Mas sumama ang tingin ni Erro pero kay Rica na. Si Simon naman, sumama rin ang mukha at tinignan si Rica na para bang sinasabi na 'ang tanga-tanga niya'.

Bigla silang nawala kaya bahagya akong nagitla. Kahit ang amoy ng dama de noche ay naglaho na rin kaya sure akong wala na talaga sila sa paligid.

"Ano 'yon?" Tukoy ko sa hinagis ni Rica.

Ngumisi siya. "Asin!"

Nanlaki ang mata ko at napahilamos ng mukha. Tuluyan akong napaupo sa upuan ng kubo, ganon ron si Rica.

Siguradong mas tumindi ang galit ni Erro.

"Bakit ba?! Anong ini-emote mo diyan?! Malakas ang asin, Cinco. Kahit anong elemento ay nakakaya nitong alisin!" Suway niya.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now