Kabanata 54

472 20 4
                                    

CINCO'S POV

Nakiramdam ako sa paligid matapos kong buksan ang aking mata. Hindi ko napansin, bumabyahe na pala kami. Madilim ang aming tinatahak, parang masukal na daan. Siguro, nasa tunnel kami. Ang dilim kasi, sobra. Kahit sumilip pa ako sa bintana, wala akong makita. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay yung ilaw dito sa bus.

Napaamaang ako.

Parang may kakaiba. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng bus dahil parang hindi normal ang pagiging tahimik. Nung pumasok ako kanina rito, maingay-ingay pa. Alam niyo 'yon? Yung mga tipikal na gawain ng mga estudyante, like, maingay at masaya. Halakhakan, daldalan, asaran at mga patugtog sa kanilang mga cellphone. Pero ngayon, nasobrahan na sa tahimik. Nakakabinging katahimikan. Walang kahit na anong ingay. Hindi lang 'yon, napansin ko rin na lahat sila ay nakayuko.

Tumayo ako para mas masuri ng maayos ang sasakyan.

Habang umaandar, iginala ko ang aking paningin sa loob ng bus. Lahat ay nakayuko. As in, yuko talaga. Parang ako yung nahihirapan para sa mga leeg nila dahil sa kanilang pagyuko. Straight ang kanilang upo pero yung ulo nila, babang-baba. Ang weird. Hindi ko alam kung trip ba nila 'yan o ano. Pero mukhang, hindi. Kakaiba kasi ang presensya. Hindi maganda ang enerhiya ng buong bus. Kakaiba rin ang ihip ng aircon. Randam kong may hindi tama.

Napalunok ako ng laway.

Sinuri ko ulit ang mga kasabayan namin. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa pagkakayuko. Mga wala silang imik at nanatili lang na nakaharap sa sahig. Unti-unting bumigat ang damdamin ko. Parang kakaiba na talaga. Yung lamig ng aircon, parang tumatagos na sa mismong kalamnan ko.

Nung lingunin ko sila Rica, Roy at Ken, sila lang ang naiiba. Kung ang lahat ay nakayuko, sila naman, nakasandal ang ulo sa sandigan. Yung mga mukha lang nila ang nakikita ko ng maayos. Yun nga lang, tulog sila. Ibinalik ko ang tingin sa mga student na kasama namin sa bus dahil kakaiba talaga. Parang may mali. Malakas ang instinct ko na may hindi magandang nangyayari ngayon.

Napalunok na naman ako.

Kung kanina, kinakabahan lang ako at nangangamba— ngayon, mas matindi na. Pangangamba, takot, kilabot at sindak na ang nararamdaman ko. Naghahalo na lahat. Kanina, si Manang Terresa lang ang pino-problema ko, pero ngayon, dumagdag pa 'to. Nabalot na ng kakaibang bigat ang sistema ko. Ang malamig na ihip ng aircon, mas tumindi. Hindi ko nga alam kung bakit pinagpapawisan pa ako kahit na malamig. Siguro, dahil sa kaba. Nanlalamig rin ang aking palad na parang ibinabad na sa yelo. Pati ang puso ko, hindi magkanda-ugaga sa pagpintig, parang nagmamadali sa kung saan.

"M-Mam?" Paos kong tawag sa loob ng bus. Bahagya pa akong nagtaka. Parang kahit ang pagbuka ng aking bibig, mabigat. Nahihirapan. Parang hinihila itong sumarado agad.

Walang sumagot sa tawag ko.

Alam kong may mga kasama kaming teachers, nasa unahan. Ngunit, pansin kong nakayuko rin sila, mga hindi gumagalaw. As in lahat sila, hindi gumagalaw. Kahit umaandar ang bus, para silang nastuck up na.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil naisipan kong tumayo at puntahan ang driver. Baka kako, okay-okay siya dahil nagda-drive siya. Baka tulad ko, normal pa siya. Gusto kong makakuha ng kasagutan. Gusto kong may mag-explain sa akin kung anong nangyayari at bakit parang weird ang lahat.

Yun nga lang...

Nung tuluyan akong makalapit sa driver. Natigilan ako. Parang sinuntok nang malakas ang aking dibdib. Literal na naramdaman kong huminto sa pagtibok ang puso ko.  Namilog ang aking mata dahil sa pagkagulat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ko na magawa pang makagalaw.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now