Kabanata 6

532 14 0
                                    

CINCO'S POV

Ilang oras ang lumipas ngunit nananatili kaming tahimik dito sa park ng mga pinsan ko.

Tunay kaming nangingilabot dahil sa nasaksihan. Pare-parehas kaming nalulungkot dahil sa dinanas ng amo ngunit hindi rin naman namin masisi ang aso. Mas naisip ko tuloy na napakahalaga ng curses sa isang tao. Ang mga inaasam mo ay malaki ang tyansang magkatotoo kaya dapat ay maging maingat palagi.

"Creepy talaga..." bulong ni Ken.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Rica. "Naloloka ako. Inaasahan ko na mangyayari 'to pero nakakalungkot at nakakakilabot pa rin isipin..."

"Wala tayong magagawa, nangyari na..." Asik naman ni Roy.

Ilang sandali pa kaming nagstay doon bago kami umuwi. Ibinalita namin kila Lola at sa lahat ng taong nasa bahay ang nangyari. Tulad ng inaasahan, natahimik lang sila na mukhang inaasahan na na mangyayari 'yon.

"Ate, magbihis ka. Alis tayo ngayon..." Sabi ni Mama. Napalingon ako kila Rica na biglang ngumuso dahil sa narinig. Nagtaka rin ako dahil parang biglaan pero hindi naman bigdeal 'to.

"Saan tayo pupunta, Ma?" Tanong ko.

"Sa bayan..."

"Bakit?"

"My treat." Singit ni Papa. Nilingon niya ang mga pinsan ko. "Gusto niyo sumama?"

Umiling agad si Roy. "Gustuhin ko man po, pero may gagawin pa kasi ako sa bahay." Nginuso niya ang Mama nila na nakikipagkwentuhan sa Mama ni Ken. "Inutusan ako ni Mama e. May aayusin ako mamaya sa bahay..."

Sumimangot si Rica. "Oo nga pala, ya. Ayusin mo pa yung ibaba ng lababo..." Nilingon niya kami. "Tumutulo kasi sa ilalim. Sorry, hindi po muna kami makakasama. Tutulungan ko si Kuya..."

"Pass na rin po muna ako, Uncle. Family-date muna kayo..." Sang-ayon rin ni Ken.

Ngumuso ako. "Kunwari pa kayo. Panay kayo reason. Libre na 'to oh!" Pang-aaya ko pa.

Tumawa sila at tumanggi na talaga. Buo na ang loob nila kahit anong aya ko kaya hindi ko na sila pinilit pa. Ilang sandali lang at nagpasya na ako magbihis kaya umuwi na rin sila sa kanilang bahay.

Ilang minuto lang ang paghahanda namin bago kami bumyahe papuntang bayan. Gamit namin ang sasakyan ni Papa na dinadala niya papauwi ng Manila. Ako, si Uno, si Mama at si Papa lang ang kasama. Nagsabi si Mama na dadalhan nalang ng pasalubong ang mga pinsan ko kaya ikinagalak kong malaman 'yon.

"Ah, namimili palang ng bahay sila Ken?" Tanong ko kay Mama nung kumakain na kami sa isang restaurant.

"Nalilito kasi si Arina. Naliliitan rin kasi siya sa bahay." Sagot ni Mama.

Si Auntie Arina ay mama ni Ken, si Auntie Alura ay mama ni Rica at Roy, at si Mama naman ay si Amanda. Sila ay magkakapatid at sa katunayan ay walo sila. Ang dalawa ay nandyan rin sa amin na lagi nilang kakwentuhan habang ang tatlo ay nasa Manila pa. Susunod yata sila dito manirahan after ng kasunduan.

Ang nakakamangha pa sa pamilya nila Mama, lahat sila ay puro babae. Bakit? Kasi, kung hindi ako nagkakamali, may sumpa sa kanila. Si Lola ay nag-aasam na magkaroon ng anak na lalaki pero hindi kailanman nangyari yon dahil nakatatak na sa pamilya nila na magdadala ng malas ang kasarian na 'yon. In the past year, nagkaroon ng anak si Lola ng lalaki pero nabawian ito ng buhay. Ito raw ay malas sa kanilang buhay kaya parang ipinipilit ng tadhana na hindi si Lola pwedeng magkaroon ng lalaki sa pamilya. Pwera nalang sa mga apo na. Kita naman natin na nabuhay na si Ken, Roy at Uno.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now