Kabanata 42

475 24 4
                                    

CINCO'S POV

Nung makapunta kami sa loob ng bahay nila Mang Kanor, iilan lang ang mga kamag-anak na nandoon pero may nagbabantay pa rin naman ng kabaong niya. Ang dinig namin, natutulog na raw ang iba at nagpapahinga kaya nagpalitan ng pagbabantay.

Since kilala naman kami, hinayaan lang nila kaming tanggapin sa kanilang bahay. Wala naman mashadong tao, 'di tulad kagabi na marami-marami. Siguradong mamaya, masikip na naman sa dami. Tinungo namin ang kusina kung nasaan si Lola, natutuwa itong makita kami ngunit mas tanaw namin ang pagod sa kanyang mga mata. Nag-buluntaryo nga kaming tulungan siyang kumilos sa mga nagamit sa kusina kaya hinayaan nalang niya kami at sinabihan ng mga ilang pinagbabawal o pamahiin.

Matapos non, sabay-sabay kaming umuwi. Sinundo talaga namin si Lola dahil kinakailangan niya pang makatulog ng maayos at asikasuhin ang sarili. Inatas sa amin 'yan ng mga Auntie namin kaya sinunod namin. May ibang tao naman na kikilos don kaya pumayag na rin si Lola.

Pagdating ng gabi, bumalik kami ulit sa lamayan. Pero, hindi na kami nagtagal. Sinabihan kami nila Auntie na umuwi kaagad dahil baka late na naman kami matulog. Kahit si Lola ay sinabihan nilang umuwi dahil baka pagurin na naman nito ang katawan niya. Wala kaming nagawa. Kasabay namin ang mga Auntie namin umuwi nung gabing 'yon. Mabuti at pinayagan ng pamilya ni Mang Kanor si Lola. Hindi naman daw bigdeal at may mga mag-aasikaso pa naman so wala raw problema.

Iyon ang akala namin. Why?

Dahil pagdating ng umaga, pagbalik namin sa lamayan, nagulat kami dahil seryoso ang mga tao na nasa bahay. Pinatawag nila si Lola kaya dali-dali rin kaming sumunod nung nabalitaan namin 'yon.

"Nakatulugan niyo ang pagbabantay?" Bakas ang inis sa mukha ni Lola nung malaman niya ang nangyari.

"Hindi ko po sinasadya, nadala po talaga ng pagod." Sabi nung isang anak ni Mang Kanor.

Suminghal ang isa pang anak na babae. "Kung alam ko lang na magiging careless ka, dapat hindi na ako nakipagpalitan sayo!"

"Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon! Pinilit ko ang sarili kong maging gising that time!"

"Kung inaantok ka, dapat tumawag ka ng isa sa amin!"

"Enough!" Sabat ng isang anak ni Mang Kanor na lalaki. "Tumigil na nga kayo. Wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang pagkakamali. Stop blaming each other!" Asik nito sa matigas na ingles.

Hindi na kataka-taka. Halata namang mga angat sa buhay ang mga anak ni Mang Kanor. What do you expect? Malamang sundalo siya, dapat na maging success ang mga anak niya sa buhay dahil hindi ito nagkulang sa pagpapa-aral at hindi pwedeng mapahiya lalo na't may isinisigaw na titulo ang tatay nila. Bumuntong-hininga ako. 'Yon nga lang, hindi sila nakatira rito. Mga taga-Manila. Nito lang nakauwi dahil nga namatay ang kanilang tatay.

Natahimik ang lahat.

Nasa sulok kami nila Rica, Roy at Ken. Nanatili kaming nanonood dahil sa mga nangyayari. Walang ibang tao sa lamay ngayong umaga kundi kami lang at mga kapamilya ni Mang Kanor.

"Bawal pa naman 'yan. Isa sa mga delikadong pamahiin na bawal iwanan o makatulugan ang lamay ng isang namatayan." Bulong sa amin ni Rica. Bakas ang takot at pangamba sa mukha niya. Pinagpapawisan rin siya na parang hindi siya mapakali. Mabuti nalang at nandyan si Roy para pakalmahin siya. Si Ken naman, nananatiling nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko para alalayan rin ako.

"Lahat kayo, tulog kagabi?" Pagkaklaro ni Lola.

Tumango ang anak na lalaki ni Mang Kanor. "Yes. Iyon ang sinabi nila. Kakarating ko lang rin nung malaman ko ang nangyari. Yung iba umuwi dahil wala naman mashadong tao o nagsusugal, ang iba naman matapos kumilos sa bahay, natulog daw dahil sa pagod at puyat."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now