Kabanata 52

499 25 5
                                    

CINCO'S POV

Tuwang-tuwa ang aking puso nung bumalik kami ni Rica sa venue ng birthday ko. Malawak ang aking ngiti at punong-puno nang kagalakan ang aking damdamin. Nakahinga ako ng maluwag na para bang nawala ang tinik sa aking lalamunan. Bumalik sa wisyo at kasiglahan ang pagkatao ko. Parang natanggal ang talim na nakatarak sa puso ko nitong mga nakaraang araw. Ang gaan sobra sa pakiramdam. Tunay na masaya. I feel so invigorated.

Sa aming pagbalik sa bahay, panay ngiti ko sa mga bisita. Parang nagkaroon ako ng sigla na makipag-usap sa kanila. Nakipag-daldalan pa nga ako at panay papuri sa kanilang kasuotan na hindi ko nagawa kanina. Parang ngayon, nagkaroon ng buhay ang aking mga mata at napansin ang mga bagay-bagay na hindi ko mapansin-pansin kanina.

"Yiie!" Pang-aasar ni Rica matapos namin ihatid ang ilang kaklase ko sa labas ng aming bakuran. Nginisian niya ako at inakbayan. "Hinalikan niya ang paa mo!" Humagikgik siya.

Tinaasan ko siya ng kilay habang natatawa. "E, ano? Gusto mo rin ba? Lapit ka kay Simon..."

Humalakhak si Rica at malawak na ngumiti, nagyayabang. "Hello, mas naunang nangyari sa akin 'yan. Ginawa na 'yan sa akin ni Simon last time."

Namilog ang mata ko. "Totoo?"

"Oo!" Humalukipkip siya. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan, ha?"

Ngumisi ako at humagikgik sa tuwa. "Narinig mo, diba? Isinusuko niya na raw ang sarili niya sa akin."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi lang 'yon, simpleng pamamanata, Cin." Sumeryoso si Rica kaya unti-unti rin akong natigilan at napaayos.  "Tinanong ko 'yan kay Simon since ginawa niya rin 'yan sa akin..."

Sumeryoso ako ng tindig. Bahagya pang nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. "Ano ba 'yon? Masama ba yung ginawa niya sa akin?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Hindi ko alam kung ita-take mo siya nang nakakasama ba o hindi pero... eto na nga." Bumuntong-hininga siya. "Ang ibig sabihin kasi niyan. Kapag hinalikan ka sa paa ng engkanto, sinusuko na nila ang sarili nila sayo. Hindi lang sinusuko. Hindi lang 'yon mabulaklak na salita, Cin. Ang ibig sabihin non, ang iyong pagkatao ay iminamarka na nila sa kanilang puso." Napasinghap siya. "Which means, ikaw lang ang mamahalin nila sa ilang libong buhay."

Namilog ang mata ko. "Ilang libong buhay?!"

Tumango siya. "Yung tipong kahit tapos na ang iyong buhay, kahit ma-reincarnate ka pa sa panibagong tao, ikaw lang ang mamahalin ni Erro. Sayo pa rin ang bagsak niya. Hangga't nabuhuhay siya, ikaw pa rin ang kanyang nanainisin. Ikaw lang. Wala ng iba. Hindi na niya magagawa pang magmahal ng iba. Ikaw lang."

Ngumuso ako. "Ganon?"

"Oo..." Bumuntong-hininga siya. "Susunod siya sayo sa mahabang panahon. Matitigil lang 'yan kung siya na mismo ang maglalaho o mamamatay." Ngumuso siya. "Tinanong ko nga si Simon kung bakit niya ginawa sa akin 'yon. Parang ang dating kasi, tinatali na niya ang sarili niya sa akin, ganon."

"Anong sagot niya?"

Nagkibit-balikat siya. "Choice niya raw. Gusto niya sa akin." Bumuntong-hininga siya at napasapo ng ulo. "Naistress nga ako nung malaman ko e. Hindi ko kasi alam kung nakakasama ba o hindi. Pero, para sa akin? Oo. Lalo na't tao ako, siya maligno." Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw? Ano sa tingin mo?"

Along with the EntitiesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ