Kabanata 59

497 21 1
                                    

CINCO'S POV

"Ayos lang. Kahit na malusaw pa ang aking buong katauhan, nanaisin ko pa ring ikaw ay mahawakan..."

Parang ilang karayom ang tumusok sa aking puso dahil lang sa kanyang linya. Kinapos ako sa hininga habang nakaupo sa lapag at nakaangat ang tingin sa kanya. Patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi ngunit hindi ko alintana 'yon. Para sa akin, mas nakakadurog pa rin ang  itsura niyang kalmado ngunit humihiyaw ang kahirapan at panghihina nito.

Napasinghap ako.

Sa mga oras na 'to, parang gustong tumaliwas ng aking isipan. Habang nasa harapan ko siya, parang gusto kong maging traydor kay Rica. Parang sa mga oras na 'to, gusto ko siyang piliin. Gusto kong pumanig sa kanya. Humihiyaw ang matinding asam sa katauhan ko na gusto ko si Erro makasama. Nagsusumigaw ang puso ko para sa kanya at kung walang pipigil sa akin ngayon, mas maliwanag pa sa sikat ng araw na susundin ko ang aking layon.

Bumaba ang tingin ko sa pangontrang suot-suot ko. Nanginginig ang aking kamay nung una kong inabot ang kwintas. Iyon ang una kong tinanggal dahil iyon ang pinakamalakas sa lahat. Pinawi ko ang luha sa aking pisngi at hinawakan ang porselas.

"Cin!"

Akma ko na sanang tatanggalin 'yon ngunit mabilis na sumuong sa lapag si Ken para mapigilan ang kamay ko. Lumuhod siya at nagmamadaling pinigilan ang aking palad. Dinampot siya rin ang kwintas na tinanggal ko at sinuot ulit sa akin.

"Cinco!"

Niyakap ako ni Ken at inalo kaya't mas lalo akong napaiyak. Hindi ko na alam kung anong dapat sundin. Nahihirapan akong mag-isip. Wala na ako sa tamang katinuan dahil sa sakit na nararamdaman. Gulong-gulo na ako at nahihirapan. Napapikit ako at humagulgol sa dibdib ni Ken. Ayokong tignan si Erro dahil kung makikita ko pa siya, baka hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili.

"Ken!" Rinig kong sigaw ni Roy, tunog sumisenyas.

Ramdam ko ang buhat ni Ken sa akin at nagsimulang maglakad nang nagmamadali. Ako naman, nanatiling nakasubsob sa dibdib niya, umiiyak. Gusto ko mang tanawin pa si Erro, pinigilan ko na ang sarili ko. Kailangan kong magtiis at pumirmi. Nakapag-desisyon na kami ni Rica at iyon ang nararapat at tunay na karapatdapat. Para kila Roy at Ken ang aming desisyon at para sa kanormalan. Hindi ako maaring mabulag pa ng aking nararamdaman.

"La, nakita na po namin siya..." Sambit ni Ken. Mukhang nakarating na kami kila Lola.

"Anong nangyari? Saan niyo siya nakita? Bakit siya umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Rica.

"Nakita namin siya roon sa dulo, papuntang gubat. Nakalupasay siya mag-isa roon. Wala namang ibang tao..." Sumbong ni Ken. Hindi ko narinig ang sagot ni Rica kaya mukhang may ideya na siya agad sa nangyari.

"Uuwi na tayo. Maling-mali na pinalabas ko pa kayo." Suminghal si Lola kasabay ng aming paglalakad. "Pag-uwi natin, dagdagan niyo ng asin ang bahay. Palibutan niyo. Huwag kayong magtitipid. Naintindihan niyo, Roy, Ken?"

"Opo, La." Sambit ni Roy.

Narinig ko naman ang asik ni Ken habang buhat ako. "Kainis! Kailangan ba talaga sa kabilugan pa ng buwan ang mangyayaring pangtatawas?! Nahihirapan na 'tong dalawa, La! Wala na bang ibang daan para padaliin?!"

"Wala ng ibang araw! Kinakailangan nating maghintay! Sa ngayon, sundin niyo nalang muna ako!" Inis na singhal ni Lola. Wala na akong narinig na mga kasunod na salita kaya naging tahimik na ang aming paligid.

Nung makarating sa bahay, marahan akong inilapag ni Ken sa sofa. Mabilis silang kumilos para sundin ang sinabi ni Lola na lagyan ng asin ang palibot ng bahay. Si Lola, dumiretsyo sa kusina para ilapag ang kanyang mga bitbit.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now