Kabanata 29

476 20 6
                                    

CINCO'S POV

Natigilan ako.

Nawala ang ngiti ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nanatili ang tingin ko sa kanya sa matagal na minuto dahil nararamdaman ko na hindi sobra maganda ang presensya niya pero slight lang naman. O naiisip ko lang? Pero, hindi e. Kadalasan na nakakakilabot at malamig ang presensya niya. Parang delikado ganon. Ngayon, medyo kakaiba, medyo mainit at mas delikado.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya pero bahagya akong nagtaka nung makitang gumalaw siya sa kanyang pwesto. Umalis siya sa pagkakasandal at nagsimula ring maglakad papalapit sa akin. Nung magkalapit na kami, huminto ako at akma sanang magsasalita pero naiwan sa hangin ang bibig ko nung lagpasan niya ako.

Humampas ang hangin at mukhang tinangay nito ang malakas na halimuyak ng dama de noche dahil bigla itong nawala sa pang-amoy ko. Nilingon ko si Erro pero wala na siya sa paligid. Iginala ko ang mata ko pero wala talaga.

Anong problema non?

Luminga pa ako sa paligid bago ako bumuntong-hininga at tuluyan ng pumasok sa building para bumalik sa room.

Nagstart ulit ang discussion. Diretsyo lang ang lesson kahit na paminsan-minsang nadadawit si Lin sa usapan. Nung natapos ang buong lesson namin sa araw na 'yon, bago umuwi, pinaalalahanan ko si Claire na sunugin niya ang uniporme na suot niya kahapon. Hindi ko siya nasabihan dahil nawala talaga ako sa wisyo sa mga nangyari. Ngayon lang ulit ako natauhan ng husto kaya pinaalalahanan ko na siya.

Nagtanong siya kung bakit kaya madalian kong kinwento sa kanya ang doppelgänger na nakita ko nung nakaraan. Lahat ng nangyari ay kinuwento ko ngunit ngumiti lang siya at sinabing hindi daw sila naniniwala sa mga pamahiin o kung ano-ano pa man. Gawa-gawa lang daw kasi ng mga matatanda 'yon at isa pa, ayaw niya rin raw sunugin ang uniporme niya dahil favorite niyang size 'yon. Pinilit ko pa nga siya pero hindi talaga siya nakinig at tinapik lang ako. Sinabi niya pa na naniniwala siya na baka nga may nakita ako pero hindi raw talaga gumagana sa kanya ang mga pamahiin na ibinibilin ko. Ang huling sabi niya pa nga bago umuwi ay...

"Kung araw ko na, edi araw ka na. Relax ka lang, Cin."

Hanggang sa makauwi kami nila Rica, nag-aalala pa rin tuloy ako kay Claire. Nag-iisip ako ng mga pupwedeng pangontra ngunit wala akong maisip. Nagtry pa nga akong magsearch online pero wala talagang reliable info at puro kalokohan lang ang lumabas. Ang karamihan ring nakikita kong sagot ay 'hayaan nalang daw' or 'wala ng magagawa kapag nakakita ng ganon' kasi sign of deāth na raw 'yon. Hindi na mapipigilan pa.

Wala akong nakuhang matinong sagot kaya nung bumaba ako sa hapagkainan para kumain kasama nila Lola, Mama, Auntie at ilan kong pinsan na nakakatanda sa akin, binuksan ko ang usapin na 'yon sa kanila. Baka makakuha ako sa kanila ng kasagutan sa mga tanong ko.

"Paano po 'yon? Wala na po bang pangontra, La?" Tanong ko after kong maikwento sa kanila ang lahat tungkol sa doppelgänger ni Claire.

"Nakakatakot naman 'yan, Ate. Mabuti at kinaya mo?" Nag-aalalang sabi ni Mama habang sinusubuan ang kapatid kong si Uno.

Humalakhak si Ken. "Oo nga po e, Auntie e. Sabi ko nga sa kanya, baka nahimatay na ako kung makakasalamuha ako ng ganoon..." Sabat ng pinsan ko kaya nginiwian ko siya at inirapan lang. Tinawanan niya lang ako.

Hinarap ko ulit si Lola. "Wala po?"

Umiling si Lola. "Wala rin kaming alam na sagot sa ganyan, Cinco. Ang iba kasing nababalitaan ko, hinahayaan na talaga nila. Swertehan nalang daw..."

Nagtaka ako. "Huh? Swertehan, La? Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Swertehan." Uminom siya ng tubig. "Ang pagpapakita kasi ng iyong kapareha ay nagbibigay mensahe ng maagang pagkamatay." Tumikhim siya. "Maaring maaga ka talaga mamatay tulad nalang ng kinabukasan o sa mga kasunod pang mga araw. Ang isa naman ay maagang pagkamatay na hindi na aabot sa edad na sisenta."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now