Kabanata 33

442 14 0
                                    

CINCO'S POV

Pag-uwi namin galing school, nagbihis lang kami saglit bago lumabas ulit. Nagpulong kami sa kubo dahil wala sa bahay namin sila Mama. Nung pumunta ako kila Lola, nandoon sila at nagchi-chikahan kasama ang ilan ko pang Auntie.

"Okay lang kayo?" Tanong ni Ken sa amin ni Rica habang kapwa kaming parehong nagbubuntong-hininga dahil sa nakitang lamay kanina lang.

"Hayaan niyo na. Tulad ng lagi kong sinasabi, wala tayong magagawa sa mga ganyan. Kapalaran na nila yan e." Asik ni Roy.

Bumusangot si Rica. "Ba't kasi maraming ayaw maniwala sa mga pamahiin? Wala namang mawawala kung gagawin nila yung mga pangontra." Inis niyang sabi.

"Wala nga sabi tayong magagawa, ayaw nila maniwala. May mga tao talagang ganyan, Rica. Desisyon nila 'yan sa buhay, atsaka hindi natin sila masisisi, mga pamahiin at kasabihan lang kasi 'to na walang scientific explanation. In short, naiisip nilang gawa-gawa lang ng tao." Ani Roy. Bumusangot si Rica kaya pinindot nito ang pisngi ng kapatid. Mabilis na nabadtrip si Rica at tinampal si Roy pero sumalag lang ang kapatid niya at humalakhak.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" Malungkot at wala sa wisyong tanong ko.

"Narinig ko 'yung usapan sa loob nila Mama..." Sabi ni Ken. Napalingon kami sa kanya. Sila nalang kasi nila Auntie ang nakatira kila Lola dahil hindi pa tapos maipatayo ang bahay kaya diyan pa rin sila nauwi. "Sabi, tinamaan daw ng matinding lagnat hanggang sa humantong sa kamatayan." Ani Ken.

Bumuntong-hininga si Rica. "Malas niya talaga, masama yung nagambala niya..." Suminghal si Rica.

Hindi na kami sumagot.

Bumuntong-hininga naman ako.

Sa katunayan, hindi namin kakilala yung babaeng namatay. Hindi pa nga maganda yung pinakita niyang attitude sa amin kaya mas lalong hindi napalapit ang sarili namin sa kanya. Pero, kahit na ganon, nakakalungkot pa rin ang nangyari sa kanya. Hindi ko naisip na sa edad niyang 'yon, maaga siyang babawian ng buhay dahil sa kanyang pagkakamali. Kung nakinig kaya siya sa amin that time? Magiging okay pa kaya siya ngayon?

Kinabukasan, pumasok kami sa school. This time, kasama ko sila Kulas at Claire sa cafeteria. Sinabi kong isasabay ko ang pinsan kong kumain, si Rica. Wala si Ken dahil pinatawag sa court ng school, may practice raw. Si Roy naman, busy dahil may trabaho ang section nila para sa paparating na event.

Habang nasa lamesa kami ng cafeteria, kumakain, nagkukwentuhan si Claire at Kulas. Habang kami ni Rica ay iba rin ang topic. Bahagya pa ngang nagulat si Rica kung bakit kasama ko raw si Kulas, sinagot ko naman siya at sinabing okay na kami. Sinabi ko rin ang rason kaya mas naliwanagan siya. Hindi na niya pinahaba pa ang usapan lalo na't hindi naman siya interesado kay Kulas kaya nag-iba agad ang topic namin.

"Puntahan natin si Ken mamaya.." sabi ni Rica. "Panoorin natin..."

Tumango ako. "After nito..."

Nag-iba ulit ang topic namin at this time, nanju-judge na siya ng mga taong nakikitaan niya ng mali sa paligid. Tatawa-tawa pa siya at trip na trip talaga ang iba kaya natatawa ko rin siyang sinuway. Natigil lang kami nung may nangyari.

"Ahh!"

"Ay, sorry po!"

Napatingin kami sa banda nila Claire dahil sa matinding sigaw. Kahit ang mga taong nasa katabi naming lamesa ay napasigaw sa gulat at nag-aalalang tinignan ang nangyari.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now