Kabanata 32

540 14 1
                                    

CINCO'S POV

Matapos akong sumuka at dumuwal. Inalalayan ako ni Rica pabalik sa higaan ko. Kasabay non ang pagpasok ni Mama at Papa sa kwarto. Tinanong nila kung ano raw ang nararamdaman ko at sinabi kong namimilipit ang tiyan ko sa sakit at umaabot na ito sa ulo.

Bumalik rin si Ken sa kwarto ngunit may dala na itong tubig at ibinigay sa akin. Inalalayan niya akong uminom bago ito nilapag sa maliit na lamesa katabi ng kama ko.

"Nako, nausog ka." Sabi ni Mama.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka sa sinabi ni Mama. Natigilan rin si Papa pati na rin si Rica na nakayuko habang malalim ang iniisip.

"Ay, oo, Ate. Baka nausog ka kagabi..." Sang-ayon ni Papa habang buhat-buhat si Uno na nilalaro ang kanyang kotse.

Biglang pumalakpak ng isang beses si Rica at tumawa. "Oo! Naalala ko na, Cin. Nausog ka ni Mang Kanor! Malakas talaga usog non. Pinuri ka kagabi non e..." Sabi niya.

Bago pa ako makapagsalita, pumasok na si Roy at Lola sa loob ng kwarto ko. Kasama na nila agad si Mang Kanor. Parang pare-pareho silang alam na siya ang sagot sa paghihirap ko.

"Nako, oo nga't mukhang nausog ko." Sabi ni Mang Kanor. Bakas ang kahihiyan sa mukha niya. Agad siyang lumapit sa akin. "Pwede ko bang itaas ang damit mo para makita ang tiyan mo?" Paalam niya.

Hindi ako nagdalawang isip tumango kaya itinaas niya ng kaunti ang damit ko, sakto lang para magshow-up ang tiyan ko. Nilawayan niya ang kanyang hinlalaki at pinahid ito sa tiyan ko. Sa pagpaghid niya, ramdam ko na sign of the cross ang kanyang sinimbolo.

Binaba niya rin agad ang damit ko at tumayo. "Okay na, iha." Aniya sa akin at ngumiti.

"Salamat po, Mang Kanor." Sabi ni Mama, pinasalamatan rin nito ni Papa.

"Pasensya na at naistorbo ka namin ng ganitong oras, Kanor, ha?" Sabi ni Lola at bahagyang tumawa. "Ugali mo na kasi talaga ang mamuri. Nabalitaan ko kagabi na nagpurian pala kayo. E, nasa kusina ako non at busy magluto ng makakain nyo..." Paliwanag niya.

Bahagyang tumawa rin si Mang Kanor. "Nako, ayos lang. Walang problema..."

Inaya nila Mama, Papa at Lola si Mang Kanor sa baba at pagka-kapehin daw siya. Nagpaalam naman muna si Mama na nagluluto na raw siya ng pagkain at tatawagin nalang kami para bumaba na. Nung makaalis ang matatanda sa kwarto ko, nilingon ko ang aking mga pinsan.

Pansin ko na unti-unti na ring nawawala ang sakit ng tiyan ko. Hindi na namimilipit at nauna ng nawala ang sakit sa ulo ko.

"Ganon lang 'yon?" Tanong ko kay Rica.

Tumango siya at humalakhak. "Oo, léche, kinabahan ako ron, ah! Akala ko kung ano na!" Reklamo niya at napahiga sa kama ko na parang napagod sa pag-aalalay sa akin.

"Ganon pala ang usog? Delikado pala kapag pinupuri?" Takang tanong ni Ken.

Humalakhak si Roy at lumapit kay Ken para umakbay. "Oo par. Kunwari, pinuri kita na ang pogi mo, it's either magkakasakit ka o papangit ka na after passed few days. Ganon ang usog."

Tinulak ni Ken si Roy pero para itong lintang bumalik rin sa kanya. "Totoo ba 'yon?"

Umupo si Rica. "Oo nga. Nangyayari 'yon kapag malakas ang usog ng tao. Like, Mang Kanor. Nabati kasi rati si Mang Kanor then nausog siya, kaya ayon. Nagkaroon na rin siya ng usog. Lagi kasi siyang nauusog dati sabi nila."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now