Kabanata 34

482 11 0
                                    

CINCO'S POV

"Claire, wala kaming nakikitang paro-parong sinasabi mo." Sabi ni Kulas.

"Huh?" Nilingon kami ni Claire at bahagyang bumaba ang ngiti sa labi. Mukha siyang nawirduhan sa sinagot ni Kulas. "Anong sinasabi niyo? Ayan oh..." Nilapit pa niya ang braso niya sa amin pero wala talaga kaming makitang paro-paro na sinasabi niya. "Ayan oh, medyo malaki pa nga siya. Ang ganda sobra..." Pamimilit niya pa.

Bahagyang tumawa kunwari si Kulas. "Nagjo-joke ka ba, Claire?"

Tuluyan ng nawala ang ngiti ni Claire at nagsalubong ang kilay. "Hindi. Ano bang sinasabi niyo?" Tinignan niya ulit ang braso niya at unti-unting lumipad ang kanyang tingin sa himpapawid at ibinalik sa amin. Ngumuso siya at humalukipkip. "Ayan, wala na tuloy, lumipad na. Ang gulo niyo kasi..."

Hilaw akong nginitian siya. "Wala kaming nakitang paro-paro, Claire. Anong sinasabi mo?"

"Meron ngang paro-paro, promise!" Pamimilit pa niya. "Hindi ako nagbibiro, cross my heart."

Umiling si Kulas. "Wala nga, Claire. Nananakot ka yata e." Humalakhak si Kulas at inakbayan kaming dalawa para pumasok na sa room. "Tara na nga. Kung ano-ano na naiisip mo e." Kunwaring pagbibiro niya pa para matigil na si Claire.

Nanatili naman ang nagtataka kong tingin kay Claire. Nangangamba ang damdamin ko at punong-puno ng kaguluhan at kaba ang nasa isip ko. Mas nadagdagan na naman tuloy ang problema ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit parang ang daming nangyayari sa kanya?

Nung nagstart ang klase, hindi na ako nakapagfocus ng maayos dahil pinapanood ko lang ang kilos ni Claire. Ayos naman siya. Parang normal lang. Walang problema or kahit ano. Pero, bakit kaya ganon? Bakit parang ang daming nangyayari sa kanya?

Nung naglunchbreak, nagpaalam ako sa kanila na hindi muna sasama. Kating-kati na naman akong magbalita kay Rica. Gusto ko na namang matanong about sa nakita ni Claire. May kakaiba akong feeling. Hindi ako natuwa sa biro niya kanina o kung nagbibiro nga talaga siya. Feeling ko may something na talaga. At, hindi ako natutuwa sa nararamdaman kong 'to.

Nung masundo ko si Rica at Ken, tumambay kami sa batibot. Mabuti nga at walang practice ngayon si Ken kaya nakasama. Si Roy naman, ayon, busy pa rin.

"Itim na paro-paro?" Tanong ni Ken habang ngumunguya ng burger. Natapos ko na kasing ikwento sa kanila ang nangyari kanina.

"Oo. Nakakita siya ng itim na paro-paro at may red dots daw sa pakpak. Pero, hindi namin makita 'yon. Ewan ko nga kung nagbibiro ba siya or what pero mukha kasi siyang seryoso kanina nung pinilit niya sa amin na nakikita niya." Sumbong ko. "Feeling ko may something na."

Bumusangot si Ken. "May something na talaga diyan sa kaklase mo, Cinco. Halata naman. Ang daming kamalasang nangyayari sa kanya then, ngayon ganyan na. Napa-praning na 'yan..."

Umiling ako. "Hindi! Ayos naman siya. Sinuri ko siya kanina at nasa usual self lang talaga siya. Normal lang." Napahilamos ako ng mukha. "Feeling ko may hindi maganda. Feeling ko may mali." Bakas ang taranta sa boses ko. "Simula nung makita ko ang doppelgänger niya, ang dami ng nangyayaring kakaiba."

"Ipatawas na siya. Albularyo ganon..." Suhestyon agad ni Ken na hindi ko alam kung seryoso ba o hindi.

Nilingon ko naman si Rica na tahimik pa rin matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari. Salubong ang kilay niya na parang malalim ang iniisip. "Rica?" Tawag ko sa kanya.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now