Kabanata 51

442 23 1
                                    

CINCO'S POV

Dama de Noche.

Humalimuyak ang dama de noche sa aking paligid. Nung una, humampas lang ito, ngunit sa mga sumusunod na segundo, palakas na nang palakas ang halimuyak. Ang aking pang-amoy ay kanyang tinamasa. Amoy na amoy ko na.

Nagku-kumabog ang aking dibdib. Nabuhay ang sistema ko na parang natataranta. Ang kaninang mga nanlalamya kong katawan, nagkaroon ng sigla. Nanlamig ang aking palad kasabay ng paghimasmas ng aking katinuan. Nagkakagulo na ang aking nararamdaman. Pinaghalo ang kaba, saya, pag-asam at kaligayahan sa damdamin ko.

Tumayo ako.

Wala sa wisyong binawi ko ang aking palad kay Kulas at inihawak sa puting bestida na suot ko para makalakad ako ng maayos. Nilingon ko si Kulas na nagtataka. "Pasensya na..." Usal ko.

Mabilis akong bumaba sa mini-stage habang dala-dala ang dress ko. Kabado kong iginala ang aking paningin sa paligid ngunit hindi ko makita ang inaasam kong masilayan. Dumungaw-dungaw pa ako sa maaari niyang pagpuntahan ngunit wala siya roon. Natataranta ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong asam na asam ang sistema kong makita siya ngayon. Nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan. Parang wala sa isip kong palagpasin ang pagkakataong 'to.

"Cinco!" Bulyaw ni Rica. Nagmamadali siyang nakipag-patintero sa mga table bago ako nalapitan.

"S-Si Erro..." Wala sa wisyong sambit ko.

Tumango-tango siya habang humihingal. "Nasa sapa sila. Nagpakita sa akin si Simon at pinapatawag ka raw ni Erro, tara na!" Natataranta ngunit humihingal na sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa at naunang naglakad papaalis. May ilang mga tumatawag sa amin ngunit si Rica nalang ang lumingon don. Siya na ang nagbigay ng dahilan kung saan kami pupunta. Diretsyo lang ang lakad ko. Walang lingon-lingon. Parang hindi makapag-pigil ang sistema ko na makita siya. Parang kaytagal ko 'tong hinintay.

Tinakbo ko ang malawak na kalupaan nila Lola bago sinuong ang madilim na gubat. Kahit madumihan at magkanda sabit-sabit na ang dress na suot ko, wala na akong paki. Diretsyo lang ang lakad-takbo na ginagawa ko para lang maabutan ang sapa. Sinabihan pa ako ni Rica na magdahan-dahan daw pero hindi ko mapigilan ang sariling magmadali.

Kalauna'y narinig ko ang lagaslas ng tubig, tanda na malapit na ako sa sapa. Ang unang nadatnan ko sa madilim na kagubatan ay si Simon, nakangisi siya sa akin habang nakasandal sa isang puno ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Diretsyo ang lakad ko hanggang sa matanaw ko ang pamilyar na hugis ng katawan. Estilo palang nito, alam ko na. Kahit nakatalikod pa siya, kilalang-kilala ko na. Tindig palang, batid ko na.

Uminit ang gilid ng mata ko, tanda na naiiyak. Tuluyan akong lumapit sa kanya at hinampas ang likuran ng braso niya. Hindi manlang siya napapiksi. Malumanay siyang humarap sa akin.

Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Bago ang kanyang suot ngayon. Parang old fashion. He's wearing black pants partnered with some sort of poet long-sleeves shirt. It's kind of buccaneer frills lace up of renaissance or medieval era. It's white. He looks like a total prince. Napakaganda ng kanyang suot. He looks dämn gorgeous. He looks very stunning. Hindi ko kailanman inaasahan na makikita ko siya sa ganon na kasuotan. Ngunit hindi ron nagtagal ang aking tingin. Sa kanyang mukha ako humarap. Sa mukha niyang matagal-tagal kong hindi nakita at matinding nagbigay sa akin ng pahirap.

Ngumisi siya at nagsalita. "Maligayang Kaarawan..."

Mas uminit ang dulo ng aking mata sa kanyang sinabi. Ang kaninang mga naghahalong nararamdaman ko ay parang naging isa, nagsama-sama. Ang naging resulta nito, disgusto. Mas nangingibabaw ngayon ang matinding inis at tampo ko, pinipigilang magresulta ng pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit. Parang ang focus ko ngayon, matindi ang sama ng loob ko sa kanya. Parang kaytagal kong dinala ang inis at pagtitiis ko dahil sa kanya. Hindi ko magets kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiirita ako na ewan.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now