Kabanata 44

511 22 1
                                    

CINCO'S POV

Naging malinaw na sa aming dalawa ang lahat. Kinwento ko pa nga kay Erro ang detalye ng pinoproblema ko about kay Mang Liro para mas maliwanagan siya. Kinuwento ko ang nangyari sa amin don sa lamayan at kung paano siya nagbigay ng salita. But so far, hindi naman nag-alala si Erro. Unbothered. Nararamdaman niya raw na hindi pa nagkaka-ideya si Lola sa amin. Si Mang Liro naman, hinayaan niya nalang. Sinabi niyang normal lang daw talaga sa mga albularyo na makaramdam ng lamanglupa na may koneksyon sa ibang tao.

Since, hindi naman na siya namomroblema para sa sekreto naming dalawa. Hindi na rin ako namroblema pa. Basta natanggal na ang kaba ko. Naging okay na ang pakiramdam ko dahil klaro na sa akin na may kasunduan pa rin kami. Hindi mawawala ang pinsan ko at magiging maayos pa rin ang lahat na nasa lugar namin. Okay na ako don. Solb na solb na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nag-aalala pa. Nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan matapos naming iklaro ang aming mga sarili.

Ang sabi niya pa nga, hindi siya galit, at alam niya raw kung titibag ba ako sa kasunduan o hindi. Tinanong ko nga kung paano niya malalaman, pero hindi niya ako sinagot. Sabi niya, hindi ko na raw dapat pa malaman. Hindi ko nalang pinilit pa. Basta atleast, alam niyang sumusunod pa rin ako sa kasunduan namin. Hindi ako pumapalpak at tumataliwas.

"Bakit ayaw mo pa ipaalam sa magulang mo? Kung ganoon, si Simon lang ang nakakaalam nito?" Tanong ko kay Erro. Kasalukuyan kaming nasa sapa pa rin. Yun nga lang, iba na ang pwesto. Nasa harapan na kami mismo ng sapa. Nakaupo kami sa sahig. Pumupulot siya ng bato at tinatapon sa sapa. Ako naman, nasa tabi niya lang, pinapanood siya.

Bumusangot siya. "Ang alam niya lang, may natitipuhan ako..."

Uminit ang pisngi ko. Kumabog ang dibdib ko at hinampas ang braso niya. "E, H-Hindi mo naman ako natitipuhan ah?! Sinabi mo ba 'yon?!" Asik ko, naiinis.

Tumaas ang isang kilay niya. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago mahinang humalakhak. "Hindi ko sinabi, ngunit ramdam na ng Ina ko 'yon." Gumuhit ang nang-aasar na ngiti sa labi niya. "At isa pa, wala naman akong sinabing ikaw. Ang alam niya, taga-rito lang sa ibabaw." Tumikhim siya. Ipinatong niya ang kanyang siko sa kanyang hita at sinandal doon ang ulo. Nagpangalumbaba siya habang pinapanood ang mukha ko. "Ang alam niya, diwata. Hindi tao."

Mas uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Tumikhim ako. "B-Bakit? Ayaw ba ng Ina mo ng diwata?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, ngumiwi. "Hindi naman. Ngunit, may tungkulin kasi ako sa amin. Ayaw niya akong umaalis palagi. Ang lagi niya lang sinasabi, dalhin ko na raw sa amin kung sino man ang natitipuhan ko para matigil na ako kakaalis."

Ngumisi ako, inaasar siya. "Mahal na mahal ng nanay, ah. Ano ka, bata?" Humalakhak ako. Natigil lang ako sa pagtawa nung makitang nakangiti siyang pinapanood ako. Nahiya ako, slight. Iniba ko agad ang usapan. "Yung mga alalay mo pala?"

Pasiring niyang nilingon ang sapa ngunit mabilis ring ibinalik sa akin ang tingin, parang umirap lang siya. "Pinayagan ako ni Ina. Nagmakaawa naman ako ngunit, nakakayamot pa rin. Binabantayan ni Ina ang mga kilos ko gamit ang kanyang mga alalay. Hindi tuloy ako madalas makapunta rito..."

Bumuntong-hininga ako. "Nakakatakot ba ang Ina mo? Bakit ba ayaw ka niyang papuntahin dito?"

"Ayaw niya lang mawalay ako sa paningin niya. At isa pa, may mga tungkulin ako sa amin na pinamumunuan kaya kinakailangan ko 'yong gampanan. Iyon nga lang..." Natigil siya saglit. Ngumiti siya at lumamlam ang tingin sa akin. "...naiisip ko ang iyong mukha. Hindi ko mapigilang asamin kang makita."

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now