Kabanata 2

635 24 3
                                    

CINCO'S POV

"Cinco!"

"Cin!"

"Anak!"

Sunod-sunod ang narinig kong ingay nung iminulat ko ang aking mata. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagkahilo nung bumangon ako sa kama.

"A-Anong nangyari?" Tanong ko nung makaupo ng maayos.

"Naabutan ka namin doon sa sapa. Nadulas ka yata at nahimatay. Nauntog ka ba o ano?" Sabi ni Roy. "Sorry, Cin!"

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Ako? Nadulas?" Takang tanong ko.

Inaalala ko ang nangyari at malinaw pa sa isip ko na kausap ko ang lalaki na nakita ko sa panaginip ko. Putol ang pag-uusap namin that time at tandang-tanda ko lang ang sinabi niya sa akin na "makasalanan" daw ako.

Panaginip lang ba 'yon? Nadulas ba talaga ako at nauntog? Wala akong maalala na ganon ang nangyari sa akin.

Hindi ako nakasagot.

"Anak, may masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang lapit ni Mama sa akin at hinaplos ang ulo ko. "Naglaro raw kayo sa labas at nung kukunin mo na ang bola ay naabutan namin na ganyan ka, anong nangyari? Naalala mo ba?"

Bumuntong-hininga ako.

Nalilito ako.

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang malamig na pakiramdam at kaba sa damdamin ko. Unti-unti naman na siyang nawawala dahil nandito ang pamilya ko at inaalala ako pero malakas ang kutob kong hindi talaga 'yon panaginip. Hindi panaginip na nakita ko ang lalaking 'yon. Parang totoo talaga siya. Imposibleng panaginip lang 'yon.

Napasapo ako sa noo ko.

Nababaliw na yata ako.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong pa ni Mama.

Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. "Ayos lang ako, Ma. Tama po 'yun... nadulas po ako." Pagsasang-ayon ko nalang para maging panatag ang kanilang mga damdamin.

"Sigurado ka ba, Cinco, iha?" Sumingit si Lola na naniningkit ang mata sa akin.

Kabado akong tumango. "Opo. Pababa po kasi ang daan sa sapa kaya... ayon." Kunwaring pagpapaliwanag ko pa.

Nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil sa sinabi ko. Para silang nabunutan ng tinik at natanggal ang pag-aalala. Tinanong pa nila kung may masakit ba sa ulo ko pero umiling nalang ako at sumabay sa kanila na bumaba sa sala.

Tahimik ako nung hinainan nila ako ng pagkain. Iniisip ko ng maigi ang mukha ng lalaki dahil malabo siya sa isipan ko. Para bang nakalimutan ko ang itsura niya. Malinaw sa akin ang kasarian niya mula paa hanggang buhok pero sa bandang mukha, napakalabo. Tandang-tanda at malinaw sa akin ang nafeel ko that time habang kausap ko siya. Kaya kong i-detalye sa kahit kanino ang nangyari sa akin pero bakit kahit anong pilit ko, hindi ko maaninag sa isip ang mukha niya?

Napalunok ako.

Malakas ang pakiramdam kong hindi siya tao. Iyon lang ang naiisip ko dahil nararamdaman kong hindi siya normal.

Matapos kong kumain, kinamusta lang ulit nila Mama ang pakiramdam ko kung ayos na ba talaga ako kaya sinagot ko sila ng oo. Totoo namang wala akong maramdamang kahit na anong sakit sa katawan ko. Wala rin akong galos kung nadulas man ako sa sapa. As in wala lahat. Okay na okay ako.

Lumabas kami nila Rica, Roy at Ken para magpahangin. Nasa gilid kami ng bahay kung saan may maliit na kubo at sa medyo kalayuan ay nandoon na ang malawak na lupain na pinaglaruan namin kanina ng volleyball, next nun yung gubat na.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now