Kabanata 13

430 11 0
                                    

CINCO'S POV

"Tulungan mo naman ako, sinasakal kasi ako ron sa kwarto ko." Garalgal ang boses niya. Para bang nahihirapan siyang magsalita.

Naramdaman ko ang higpit ng hawak sa akin ni Cuadro at pinipilit akong itinago sa likuran niya. Pero kahit anong tago niya, sinisilip lang ulit ako nung matanda. Nagmumukha itong kaawa-awa sa akin. Bahagya niya pang hinahaplos ang leeg niya na mukhang iniinda pa ang sakit.

"Miss, nurse ka diba? Tulungan mo naman ako..." ngumuso niya at tunog na tunog ang pagmamakaawa sa boses niya. "Sinasakal kasi ako ron sa kwarto ko. Pinaglalaruan nila ako."

"Nino po?" Nangangambang tanong ko.

"Marami sila e. Marami dun. Pinagkakatuwaan nila ako..." Paliwanag niya. Sasagot na sana ako pero biglang may dumating na nurse at inalalayan siya.

"Naku, bakit po kayo lumabas ng room niyo?" Kalmadong sabi ng nurse. Nilingon niya kami ni Cuadro. "Pasensya na po..."

"Miss, tulungan mo naman ako. May sumasakal kasi sakin dun sa kwarto ko. Marami sila." Panunumbong ulit ng matanda pero sa nurse na siya nakatingin.

Inalalayan ng nurse ang pasyente at tumalikod sa amin para ihatid ang matanda. "Ayan na naman po kayo. Hindi ba't sabi ko na wala po kayong kasama sa kwarto niyo? Kayo lang ang mag-isa ron. Wala pong mananakit sa inyo..." Nanigas ako dahil sa sinabi ng nurse. Parang humigpit ang paghinga ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"Marami sila. Sinasakal nila ako." Pamimilit nung matanda. Hindi na siya sinagot ng nurse hanggang sa makapasok sila sa kalapit na kwarto.

Sakto namang bumukas ang pintuan sa harapan namin kaya napatalon ako sa gulat. Si Papa lang pala.

"Cinco, anak, halika na. Hinahanap ka ng Mamita mo..." Aniya sa akin. Marahan niya akong inagaw sa pagkakahawak ni Cuadro at hinalikan ang noo. "It's fine. Nandito kami..." Hindi ako nakasagot kay Papa. Marahan niya akong hinila papasok kasunod si Cuadro.

Ang pagsarado ng pintuan ay siyang paglingon sa akin ni Mamita. Makita ko palang ang mukha niyang napakataray at sopistikada, kinabahan na ako ng malala. Nanlalamig ang kamay ko habang nakakuyumos ito. Napakabigat ng pakiramdam ko habang magkatinginan kami. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isip ko. Parang nagre-replay ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa. Kusang nagg-glitch rin ang utak ko na naiimagine ang itsura niyang may sungay tapos mawawala rin agad.

Napalunok ako nung sinenyasan niya akong lumapit. Hindi agad ako nakagalaw. Marahan naman akong tinulak ni Papa para mapalapit sa kanya. Nung naabot ako ni Mamita, para akong nahilo bigla. Mas nanginig ang palad ko at napakabigat na ng paghinga ko. Feeling ko, ano mang oras, mahihimatay na ako.

Marahan niya akong hinila at hinagkan. "Ang Cinco ko..." Bulong niya. "Ang mabuti kong apo..." sabi niya pa at hinahaplos ang buhok ko. Sa isang iglap, nag-glitch ang isip ko at naimagine siyang tatarakan ako ng mahabang syringe. Hindi ko kinaya 'yon kaya agad akong humiwalay sa kanya.

Niyakap ko ang dalawang palad kong nanginginig. Pakiramdam ko rin na namumutla na ako. Hindi ko siya kayang pakisamahan. Hindi ko pa kayang lumapit dahil sa takot. Kakaiba na ang nararamdaman ko. Nilalamig ang loob ng katawan ko pero sa labas, parang init na init ako.

"Napakaganda mo na. Ang laki-laki mo na." Aniya, hindi manlang niya ininda ang mabilisang paghiwalay ko. "Lumapit ka sa akin..." Sinenyasan niya ulit ako pero umiling-iling ako. "Halika na, Cinco." Pamimilit niya. Umiling ulit ako kaya nag-iba na ang mood ng mukha niya. "Natatakot ka ba sa akin? Hindi ako baliw, Cinco..." Aniya pero naiyak na ako at umiling-iling. "Halika na!" Biglang galit na bulyaw niya sa akin. "Cinco!" Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko habang umiiyak. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Papa at may sinasabing hindi ko marinig.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now